Skip to playerSkip to main content
Simula na ang 50% discount sa pamasahe ng LRT-2 at MRT-3, pero hindi pa tiyak kung hanggang kailan.


Malaking tulong ‘yan lalo’t may mga dating nagdadala ng sasakyan na nagte-tren na rin ngayon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Simula na ang 50% discount sa pamasahe ng LRT2 at MRT3, pero hindi pa tiyak kung hanggang kailan.
00:09Malaking tulong yan, lalo't may mga dating nagdadala ng sasakyan na nagtitre na rin ngayon.
00:16Nakatutok si Maris Umali.
00:22May mga suki ng MRT3 namuntik pang makaiwan ng sukli.
00:25Marami pa kasi hindi nakakaalam na 50% ang discount sa pamasahe simula ngayong araw.
00:32Dito po sa fair matrix ng MRT3 na nakapaskil na rito sa Teller,
00:36ang dating P28 na end-to-end na pamasahe mula North Avenue hanggang Taft Avenue ay naging P14 na lamang.
00:45Yung P24 ay naging P12 na lang, yung P20 naging P10 na lang.
00:50Pinakamababang singil ay P6.
00:51Dahil sa 50% discount, kapantay na ng lahat ng mga estudyante, senior citizen at PWD ang pamasahe ng lahat
01:00ng mga karaniwang pasahero.
01:03Malaking bagay yan sa nursing assistant na si Marites, lalo't nagmahal ang singil ng iba niyang sinasakyan.
01:09Meron na sa tricycle 20, nagiging P25 na ngayon.
01:13Sa bus 50, nagiging P55.
01:16Pag aircon, naging P55 to P60.
01:19Tulong din yan sa mga nagtitrain na lang, imbis na mag-drive sa EDSA para makatipid ng gas.
01:25From Noobaliches to Pasay, dalawang araw kulang ang full tank nyo.
01:29So ngayon, nag-MRT na kayo?
01:32Ang laki ng inahawa, laki ng dagdag sa pang-araw-araw na budget ko sa transportation.
01:40Ang mawawalang kita ng MRT pupunan ng dagdag subsidiya mula sa kabanang bayan.
01:46Kaya ang tanong, hanggang kailan ang discount ng MRT-3?
01:50Mag-aantay tayo ng abiso sa presidente kung hanggang kailan nito.
01:5450% din ang discount ng LRT-2 para rin sa lahat ng pasahero.
01:5935 million pesos kada buwan ang mababawas sa kita nito, nasasaluhin din ang gobyerno.
02:04Wala silang kailangan ipakita, pero yung nalininawin ko, yung naka-50% na ngayon,
02:09like yung mga estudyante, senior citizen, PWDs, 50% na sila, so wala nang further discount yun.
02:16Malaking bagay sa amin yung tipid na yun.
02:19For me, it's a good thing po, since nagtas na po talaga yung presyo ng gas.
02:24Sa single journey ticket, 8 pesos hanggang 18 pesos depende sa destinasyon,
02:29habang sa stored value card o BIP card ay mula 6 pesos and 50 centavos hanggang 16 pesos and 50
02:34centavos.
02:35Sa kabila ng hiling ng isang mambabatas na ilibre na ang pamasahe sa trend,
02:40hanggang 50% discount lang sa ngayon ang pinatutupad ng MRT-3 at LRT-2.
02:45Sa ngayon po, yan po ang ating guidance, 50% discount across the board.
02:50So, yun po ang ating pinai-implement sa ngayon.
02:54Ang LRT-1 naman na pinatatakbo ng isang pribadong kumpanya,
02:58wala pang anunsyo kung magkakaroon ng katulad na diskwento.
03:02Para sa GMA Integrated News, Marise Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended