00:00Sa iba pang balita, matapos idawit ang Malacanang sa issue ng Senate leadership,
00:05nakita si Sen. Alan Peter Cayetano na nakikipag-usap kay First Lady Liza Araneta Marcos.
00:12Nangyari po yan sa isang event ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry sa Pasay, Kagabi.
00:19Special guest sila sa ika-51 anibersaryo ng Philippines-China Diplomatic Relations.
00:25Lumapit at tinabihan ni Cayetano ang First Lady na dalawang silya ang layo sa kanya sa lamesa.
00:32Susubukan pa namin kina Cayetano at Araneta Marcos kung ano ang napag-usapan nila.
00:37Ilang oras bago sila magkausap, sinabi ni Cayetano sa isang press conference na dalawa ngayon ang Senado sa bansa,
00:46ang anyay Senate of the Philippines, pati ang Senate of Malacanang.
00:59Sa loob ng limang dekada, kabilang sa tatlong pinakamalalaking lindol sa Pilipinas,
01:04ang magnitude 7.8 sa saranggani kahapon.
01:07Ayon sa FIVOX, bukod sa lakas, inasahang mapaminsala rin daw ang mababaw na pinanggalingan at tagal ng pag-uga ng
01:14lupa.
01:14Narito ang aking explainer.
01:22Sa nakarang limangpong taon, tatlong beses nagtala ang Pilipinas ng lindol na magnitude 7.8 pataas ang lakas.
01:31Isa rito ang magnitude 7.8 ng lindol sa Luzon noong 1990 na kumitil ng mahigit isang libo.
01:37Naitala sa lupa sa Rizal Nueva Ecija ang epicenter ng lindol.
01:41Matinding pagyanig ang idinulot nito sa Baguio City, Camaratuan City, Dagupan City at San Fernando City hanggang sa Metro Manila.
01:50Ang isa pa ay noong 1976, halos limangpong taon na ang nakakaraan.
01:55Ang magnitude 8.1 na lindol na tumama sa Moro Gulf at nagdulot ng mapaminsalang tsunami sa Sulu Archipelago, Southern
02:02Mindanao at Sambuanga Peninsula.
02:04Ayon sa FIVOX, tumama ang lindol pasado hating gabi kung kailan marami nang natutulog.
02:10Tinatay ang 8,000 ang nasawi, mahigit 10,000 ang nasugatan, mahigit 70,000 ang nawala ng tirahan.
02:16Umabot po ng 8,000 yung mga casualties during that time noong 1976 dahil sa wala pa po tayo mga
02:24early warning system during that time.
02:26Gaya ng lindol noong 1976, paggalaw sa Cotabato Trench ang pinagmulan ng magnitude 7.8 na pagyanig sa Sarangani.
02:34Parehong sa dagat ang epicenter ng dalawang lindol.
02:37Pareho rin intensity 8 o very destructive ang pinakamataas na naitalang intensity.
02:42Pero mas mababa ang tsunami na idinulot ng lindol sa Sarangani noong 1976.
02:4685% ng mga pagkamatay noon, dulot ng tsunami ayon sa FIVOX.
02:51Umabot po yun ng 9 meters po yung tsunami height nang nangyari po noong 1976.
02:58Kaya lagbas tatlong palapag na gusali.
03:01Ayon sa FIVOX, subduction o paglubog ng bahagi ng Cotabato Trench ang pinagmulan ng pagyanig sa Sarangani.
03:07Up and down po ito, parang may sinusuntok sa ilalim kapag malapit po tayo sa epicenter ng lindol.
03:13Pero kapag malayo po tayo sa pinangyarihan ng lindol, for example, nasa may bandang Leyte tayo o nasa Cebu,
03:19ang nararamdaman na po nila doon ay sideway motion.
03:22Ayon sa FIVOX, inaasahan ng malawak ang pinsalang dulot ng lindol.
03:26May kababawan daw kasi ang 33 kilometers na lalim na bahagi ng Cotabato Trench na gumalaw.
03:33Tumagal din ng halos isang minuto ang paggalaw ng lupa.
03:36Dahil sa medyo may katagalan po yung pag-uga ng lupa, kaya medyo marami din pong mga pinsalang or damage
03:44na nangyari po doon.
03:45Lalo na kasi na medyo malapit sa epicentral area yung mga gusali na po na ito.
03:55Dati nang sinabi ng FIVOX na may tuturing na mababaw kung mababaw sa 30 kilometers ang lalim ng epicenter.
04:01Halimbawa ang magnitude 6.9 na lindol sa Bogos Cebu noong September 30, may lalim lang na 5 kilometro.
04:0770 siyam ang nasawi.
04:10Kinukumpirma ng FIVOX ang mga ulat na ilang lugar ang nakaranas ng liquefaction
04:13o ang tila pagkalusaw ng lupa at nang mistolang likido dahil sa lakas ng lindol sa Mindanao.
04:19Sa ngayon, bukod sa seismic measuring equipment, nakakalat na rin daw sa Davao at Morong Gulf
04:24ang mga tsunami monitoring device ng FIVOX.
04:31Ayon pa sa FIVOX, may dalawang active volcano na malapit sa epicenter ng lindol kahapon,
04:36ang Mount Matutum at ang Mount Tamilibingoy.
04:41Sabi ng FIVOX, walang kinalaman sa aktibidad ng mga vulkanang malakas na lindol kahapon,
04:46tectonic o dahil sa paggalaw ng mga fault o mga plate ang sanhinang magnitude 7.8 na lindol
04:51sa saranggane at hindi volcanic.
04:54Sa kabila niyan, patuloy raw ang pagmonitor ng FIVOX sa mga vulkan bilang bahagi ng kanilang protocol.
05:00Ito ang Explainers by GMA News. Mabuti nang malinaw.
05:11Papangalanan daw ng kontratistang si Curly Descaya,
05:14ang iba pang personalidad na sangkot umano sa flood control scandal.
05:21Habang almost nine months nasa sa Senate detention facility,
05:25isa-isa narirecord niya lahat.
05:27Kung sino yung mga yun.
05:28More than 150.
05:31Inaresto si Curly Descaya para sa kasong malversation of public funds
05:36tagnay sa isang flood control project sa Kalumpit, Bulacan.
05:39Ayon sa kanyang abogado, nadamay lang si Descaya.
05:43Patutunayan daw nilang hindi siya beneficial owner ng St. Timothy Construction Corporation,
05:48ang kumpanyang nasa likod ng flood control project sa Kalumpit.
05:52Nakakulong ngayon si Curly Descaya sa Bulacan Provincial Jail.
05:55Non-available ang kanyang kaso pero magsasamparaw ng petisyon ang kanyang kampo
06:00para payagan siyang makapag-piansa.
06:17Nagmamadaling lumabas ang ilang pasahero mula sa loob ng General Santos City Airport.
06:21Kasunod yan ang pagyanig, nagmanginig at 7.8 na limdol kahapon sa Mindanao.
06:26Narinig pa sa video na hinahanap ni U-Scooper Dan Mark estupado ang kanyang kasama.
06:30Kwento niya, kadarating lang nila noon sa airport sakay ng flight mula rito sa Metro Manila.
06:35Habang hinihintay raw ang kanyang bagahe, doon nila naramdaman ang lindol.
06:39Nasa maayos naman raw silang kalagayan ngayon.
06:44Nag-deploy ng kalusugan food truck sa General Santos City ang Office of the Vice President,
06:49kasunod ng pagyanig ng 7.8 magnitude na lindol.
06:53Hatid niyan ay pagkain para sa nasa isandaan at limampung rescuers at frontliners na tumutulong sa search, rescue at retrieval
07:02operations.
07:03Nananatili rin daw na nakastandby ang OVP Southern Mindanao Satellite Office para sa mga karagdagang pangangailangan sa operasyon at iba
07:13pang tulong.
07:16Sa iba pang balita, nagsasaguan ang investigasyon ng pulisya kasunod ng pagpanaw ng dalawang student-athletes matapos malunod sa Dipakulao
07:25Aurora.
07:25Ayon sa paon ng investigasyon ng Central Luzon Police Regional Office,
07:29lumalangoy ang dalawa ng tanginang malakas na alon sa malalim na parte ng dagat.
07:33Agad daw na dinala sa isang medical facility ang mga biktima.
07:37E dinaklara silang patay ng doktor doon.
07:40Sa isang social media post naman, kinumpirma ng Ateneo de Manila University ang pagpanaw ni na Rene Clerk Baterbonia at
07:48Divine Adeline ng Ateneo Men's Basketball Team.
07:51Nagpabot sila ng pakikiramay sa pamilya, kaibigan, teammates at coaches ng mga nasa wing atleta.
07:58Ayon sa universidad, naroon ng mga student-athlete para sa isang team-building activity.
08:09Pinakilig ni Na You're My Favorite Song stars na si Nahith Hornales at Caprice Cayetano, ang Capit Shippers.
08:21Tilian ang fans nang makita si Caprice na ineskorta ni Heath sa kanilang magical fan meet.
08:28Warm smiles naman ang isinukuli ng dalawa sa kanilang fans.
08:31Game rin silang sumagot sa ilang questions.
08:33Bukod sa pangaharanan ni Heath sa Capit Shippers, may isang fan ang nag-alay ng kanta sa kanila.
08:41Nakatanggap din ang gifts ng Capit at narinig ang messages mula sa fans.
08:46Ang proceeds ng fan meet dinonate sa isang non-government organization.
08:53Napakasaya ko po na nandito po siya lahat ngayon and they organized this event for us.
08:57Nakakatuwa po at nakakagulat kasi napapakita po talaga nila dito kung gaano po siya laki energetic at napapakita rin po
09:03nila yung pagmamahal nila sa amin dito.
09:05Sumalang din sa isang photoshoot ang cast ng upcoming GMA Public Affairs series na You're My Favorite Song na sina
09:13Marco Massa, Clifford, Heath at Caprice.
09:17Maging sina Wynonna Collings, Wilma Dossett at Katya Santos.
09:25Nakiisa ang ilang celebrity sa mga kababayan nating apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
09:32Si Sean Lucas na nasa UH coverage sa Gensan, sinabing naramdaman pero okay naman daw ang mga kaanak niya sa
09:39Davao City.
09:40Si Sparkle Beauty Queen Michelle D, hinikayat ang mga kapuso natin na mag-donate sa mga kababayan nating humaharap sa
09:47matinding pagsubok ngayon.
09:49Nakiisa rin sina The Master Cutter stars Shubi Etrata at Charlie Fleming na nagdarasal para sa pagbangon ng Mindanao.
09:57Maging ang co-sparkle star na si Eman Baco sa Pacquiao na taga Mindanao rin na nawagan din ng dasal
10:02para sa ating mga kababayan.
10:05Nananalangin din ang makabangon ng Mindanao si no All Out Sunday Singers Mark Bautista na tubong CDO at si Jessica
10:11Villarubin.
10:12Ang pinay beauty queen na si Shamsi Sup-Sup na taga General Santos City sinabing ligtas ang kanilang pamilya.
10:18Ibinahagi niya rin ang mga larawan ng nasira nilang paaralan.
10:25May potential threat daw sa gusali at kumpaw ng Senado ayon kay National Bureau of Investigation Director, Atty. Melvin Matibag.
10:32Sinabi ni Matibag sa kita ng consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee ng Gatchalian Block kahapon.
10:38Ayon kay Sen. Winn Gatchalian, makikipagpulong siya ngayong araw sa Senate Executive Committee at sa Senate Surgeon at Arms kaugnay
10:44sa siguridad sa Senado.
10:46Anya, ang siguridad at kaligtasan ng mga senador at empleyado ang pinakamahalaga.
10:52Pagtitiyak ni Retired Police Major General Alfred Corpus, may calibrated response sa mga elemento ng osaa depende sa antas ng
10:59banta.
11:00Gagawin daw nila ang lahat para maprotektahan ang mataas na kapulungan ng Kongreso.
11:07Bumabiyahin na ang GMA Capuso Foundation Team patungo po sa General Santos City.
11:12Magsasagawa sila ng repacking ng relief goods sa GMA Regional Station doon para sa mga pamilyang apektado ng lindol.
11:20Sa mga gusto pong magpaabot ng tulong, maaari po kayo magdeposito sa aming bank accounts o magpadala sa Cebuana Luillier.
11:27Pwede rin pong via QR code ng GCash at Palawante o mag-donate online sa Globe Rewards, Metro Bank Credit
11:36Cards, Lazada at Shopee.
Comments