00:00Bakas pa rin sa ilang lugar sa norte ang pinsala ng dumaang bagyong ramil.
00:05Sa ilang lugar, iba't-ibang weather systems ang nagpaulan,
00:08gaya sa Batanes na naaperwisyo ng flash flood.
00:11At nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:17Kulay putik na baha ang rumagasa sa Vasco Batanes.
00:21Ang motorsiklong ito, parang laro ang tinangay ng tubig.
00:25Biglaan ang flash flood doon kahapon matapos ang malakas na buhos ng ulan.
00:30Ayon sa pag-asa, Easter Leaks ang nagpaulan sa Batanes.
00:36Dahil naman sa epekto ng bagyong ramil, umapaw ang Abuan River sa Ilagan, Isabela.
00:42Naaperwisyo rin ang mga magsasaka sa kalapit na maisat.
00:46Nagbabala ang CDRRMO sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog na lumikas.
00:53Pinagbawal din ang paglusong sa ilog.
00:57Nagkaroon naman ang pag-uho sa bahagi ng kasiguran Baler Road.
01:01Matapos ang clearing operation, minuksan na ito sa mga motorista.
01:06Dahil naman sa localized thunderstorms, binaha ang kalsadang ito sa Malay Aklan kaya hirap nadaanan ang mga motorista.
01:14Umapaw rin ang isang ilog kaya pansamantalang nagsuspindi ng klase sa Nabaoy Elementary School.
01:23Sa Sultan Kudarat, binaha ang palayang ito.
01:27Sayang dahil isang linggo pa lang na itatanim ang mga palay.
01:31May mga bahay ring pinasok ng baha.
01:33Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto 24 Horas.
Comments