00:00Sa April 6, makatatanggap ng ayuda ang iba pang nasa transport sector,
00:04ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:06Habang wala pa yan, tiis-tiis muna ang iba pang motorista.
00:10Nakatutok si Mark Salazar.
00:15Kapansin-pansing naguumpukan lang ang mga delivery rider at motorcycle taxi sa piling lugar,
00:20gaya ng bus terminal na ito sa EDSA.
00:23Walang umiikot para makarami ng booking.
00:26Ngayon daw kasi, bawat patak ng gasolina dapat nasusulit.
00:55120. Ngayon, yung isandahan ko sir, 120, pumapalo na lang ng 600.
01:01Napapasana all daw sila tuwing napapanood sa balita ang ayuda sa mga tricycle driver.
01:07Pero ang bibigyan nila kami, siguro sa 100%, 40% na tulong na rin yun sir.
01:14Medyo malaki-laki na rin sa amin yun.
01:16Ayon sa DSWD, sa Huwebes at Biyernes ang simula ng 5,000 peso payout para sa mga delivery rider.
01:24Sa Sabado naman ang para sa mga motorcycle taxi.
01:27Ang ayuda sa probinsya matapos na ang Semana Santa.
01:31Ayon naman sa DA, ipinamahagi na rin ang 5,000 peso ayuda sa krudo sa sektor na agrikultura.
01:38Una nang nabigyan ng ayuda ang mga manging isda.
01:42Bagamat ang pamagat nito, krisis sa langis.
01:45Wala siyang anumang binanggit na salitang krisis.
01:48Aniya matapos ang payout sa tricycle drivers,
01:51magsisimula sa April 6 ang ayuda sa ibang transportation sector workers.
01:55Para sa ibang transportation sector workers na magsisimula sa April 6.
02:01Naintindihan natin ang sigaw ng mga nagpaprotesta na kababayan natin nasa sektor na ito.
02:07Pero gusto kong ulitin sa inyo, hindi kayo maiiwanan, hindi kayo pababayaan ng pamahalaan.
02:13Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.