Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Maginahapon po, paalala po sa mga magulang at maging sa mga bata na huwag basta-basta makikipag-usap sa mga
00:07hindi kakilala.
00:09Sa Maynila, huli ka mga pambibiktima na isang lalaki sa mga batang babae.
00:13Ang lalaki tila gumagamit umano ng hypnotismo para sumama sa kanya mga batang babae.
00:19Nakatutok si Jomera Presto.
00:25Aakalain mong magkakilala ang lalaki na kabisikleta at batang babae na nahagip sa CCTV sa Piguevara Street sa Santa Cruz,
00:32Maynila noong hapon ng March 11.
00:34Pero ang lalaki, magnanakaw pala.
00:37Sa malapitang angulo, may kita na may kinukuha siya mula sa bewang ng 8-anyos na babae.
00:42Cellphone na pala ito ng biktima na may nakaipit pang isang libong piso.
00:46Ayon sa ina ng bata, nanghingi ng perang anak at nagpaalam na bibili ng mirienda sa tapat ng kanilang bahay.
00:52Pero kalahating oras bago nakabalik ang anak na umiiyak.
00:56Natangay na pala ang gadget ng bata ng lalaki na nagpanggap umanong kakilala nila.
01:01Sumama daw po siya, isusoli yung plancha namin.
01:04Ang pangalan daw, Topper. Yun daw po yung binanggit sa kanya.
01:09Mula sa Oroqueta, naglakad ang lalaki at biktima hanggang sa Piguevara Street.
01:13Dito na niya kinuha ang aabot sa 9,000 pesos na halaga ng cellphone at pera ng bata.
01:18May kita rin sa video na may hawak na karton ng bata habang pinipilit niyang maiwan ito sa banketa.
01:24Sa hindi malamang dahilan, napapayag niya ang bata na huwag sumunod sa kanya.
01:29Umaga naman ang March 19 na ahuli kamang lalaki sa bahagi naman ng punta Santa Ana, Maynila.
01:34Pareho sila ng damit at sombrero ng lalaking nagnakaw sa Santa Cruz.
01:38Sinundan niya ng tingin ang 11-anyos na babae na bibili lang ng ulam noon sa karinderiya.
01:43Lumapit siya sa bata pero umalis din kalaunaan.
01:46Hinintay niya pala sa kanto ang bata.
01:48Ang sumunod na eksena, kasama na niyang naglalakad ang bata.
01:52Isang kakilala ang nakakita sa bata habang nakasakay na sa bisikleta ng lalaki.
01:57Nag-alala raw ang kakilala dahil inaamoy-amoy ng lalaki ang buhok ng bata.
02:01Tiyan, nung nakakilala mo ba yan, hindi.
02:04Pinakabaan niya yung anak ko.
02:05Nilagay niya po sa gilid niya, inawaan niya.
02:07Agad daw tumakas ang lalaki.
02:10Ayon sa barangay, kagaya sa nangyari sa naunang biktima,
02:13nagpanggap di nakakilala ng lalaki ang nanay ng bata.
02:16May ginawa rin daw ang lalaki kaya niya tuluyang napasama ang biktima.
02:21Parang hipnotismo.
02:22Nung pumitik na ganyan na susunod ka na, susunod ka na, alika na.
02:27Sumunod na lang din daw siya.
02:29Isa pang magulang ang nakausap namin at sinabing
02:31na biktima rin ang kaparehong lalaki ang kanilang 9-anyos na anak na babae noong 2022.
02:37Muli raw na numbalik ang kanyang galit sa lalaki
02:39nang mapanood sa balita ang sinapit ng iba pang biktima.
02:43Napapayag niya raw ang bata na sumama sa kanya papunta sa isang eskinita.
02:48Hindi puha niya ng ilang beses.
02:50Dinakma niya yung...
02:52Isa lang ano ng katawan niya eh, pati sumbrero niya.
02:55Mula nung ano, naipuhan niya yung anak ko nung ano, yung matagal na.
02:59Ganyan pa rin yung sumbrerong gamit niya eh.
03:01Hanggang ngayon, ganyan pa rin.
03:03Ayon sa mga magulang na mga biktima,
03:06nag-iwan ng trauma sa kanila mga anak ang nangyari.
03:09Panawagan nila sa pulisyat lokal na pamahalaan na mahuli ng lalaki
03:12upang hindi na makapang biktima pa.
03:15Sinusubukan pa namin makuha ang payag na Manila LGU at Manila Police District.
03:19Para sa GMA Integrated News,
03:21Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
03:26Mga kapuso, ingat po sa mga peking hard drive at SD card na mabibili sa markado.
03:31Baka kasi imbis na maitago ang mga files,
03:33masira lang ang mga ito.
03:35Sa Manila, dalawang warehouse ang sinalakay kung saan
03:37mahigit 30 milyong pisong halagaan ng peking external storage devices
03:42ang nasamsa.
03:44Nakatutok si John Consulta.
03:49Sa visa ng search warrant,
03:51sabay na pinasok ng NBI-NCR,
03:53ang dalawang warehouse na binondot sa Miguel sa Manila nitong lunis.
03:57Sa NBI, pagibabangon na yung mga telepono.
03:59Ang search warrant na yan,
04:00in-issue ng RTC Brands 28 Manila
04:02sa kasong trademark infringement.
04:04Ang kanilang pakay,
04:06kumpiskahin ang mga peking external storage devices
04:09tulad ng hard drive, flash drive at SD card.
04:13Mahigit 31 milyong piso ang halaga ng mga nasamsam.
04:17Kopya ang kopya ng mga ito ang mga original na produkto,
04:20pati mga kahod at packaging.
04:23Nag-conduct ng surveillance at test buy ang ating mga operatiba
04:26at matapos na makabili,
04:28ipinakita po ito sa ating complainant
04:30who immediately issued certification that it's actually a fake hard drive
04:35but using the trademark.
04:38Ayon sa NBI,
04:39ang rate ay bunsod ng sumbong mismo ng manufacturer
04:42ng mga totoong external storage device.
04:45Bukod sa nagre-reklamang kumpanya,
04:47mas dihado rin daw ang mga customer
04:49kung peke ang mabibili nilang storage device.
04:52You are not able to consume and make use of the full capacity
04:57and memory of the hard drive.
04:59Apart from that,
04:59dahil nga po hindi tayo nakakasiguro,
05:02kung anong piyesa ang ginamit dito,
05:03mayroong tendency na malamang masisira ang mga files
05:06ang ating sinasave, makukurap.
05:09Walang naaresto,
05:10pero naharap sa reklamang paglabang sa trademark infringement law,
05:13ang mga may-ari ng kumpanyang
05:15nasa likod ng peking storage devices.
05:18Sisirahin ng mga ito,
05:19oras na maglabas ng utos ang korte.
05:21Para sa GMA Integrated News,
05:24John Consulta,
05:26nakatutok,
05:2624 aras.
05:29Inararo ng isang kotse
05:31ang concrete barrier
05:32sa bahagi ng EDSA White Plain sa Quezon City.
05:34Wasak ang harapan ng sasakyan
05:36sa disgrasya kaninang pasado
05:37alas 3 sa madaling araw.
05:39Dinala sa hospital ang driver.
05:41Wala namang ibang nadamay na sasakyan.
05:43Pero,
05:44nagdulot ang aksidente ng mabagal
05:46na dalil ng trapika na umabot
05:47hanggang Ortigas flyover.
05:50Patuloy na iniimbisigahan
05:51ang sanhin ng disgrasya.
05:59Ipinagmamalaki ngayon ng Amerika
06:00na malapit na raw nilang maabot
06:02ang layunin nilang pilayin ang Iran.
06:04Pero palaban pa rin ang Iran.
06:07Ang kanilang missiles
06:08muling gumuhit sa kalangitan
06:09ng West Bank at Tel Aviv sa Israel.
06:13Sa gitna ng gantihan
06:14bukod sa mga sibilyan
06:15pati mga oil facilities
06:17sa gitnang silangan
06:18napupuruhan.
06:20Hinahadlangan pa ng Iran
06:21ang pagdaan ng mga oil tanker
06:23sa Strait of Hormuz.
06:25Kinundinaya ng UK,
06:26France,
06:27Germany,
06:28Italy,
06:28Japan,
06:29Netherlands
06:29at Canada.
06:31Sila pati ang South Korea
06:33nananawagan ng ligtas
06:34na pagdaan sa Hormuz.
06:36Ayon sa Japanese media,
06:38pinayagan ng Iran
06:39ang pagdaan doon
06:40ng mga barko ng Japan.
06:41Ang Amerika sinabing
06:43handang alisin
06:44ang sanksyon o parusa
06:45sa pagbili ng langis
06:46ng Iran
06:47sa loob ng 30 araw
06:48para raw mahupa
06:50ang pag-alagwa
06:51ng presyo ng petolyo.
06:52Bagamat maliit lang
06:54ang porsyento
06:55ng mga power plants
06:55sa bansa
06:56na pinatatakbo
06:57ng petroyo.
06:58We are not dependent
07:00on petroleum,
07:03on electricity.
07:05We are dependent
07:06on coal,
07:07we are dependent
07:08on renewable energy,
07:10and on gas.
07:12Nagahanda rin daw ang gobyerno
07:13sakaling tumaga
07:14ang digmaan.
07:15Sabi ngayon ng Energy Regulatory Commission,
07:18asahan na raw
07:19na magkakaroon ng pagtaas
07:20sa singilang kuryente
07:21sa mga susunod na buwan
07:22dahil sa gulos
07:23sa Middle East
07:24at pagbaba ng piso
07:26kontra dolyar.
07:28Kung ito ay
07:29epekto na doon
07:30sa presyo ng supply
07:32ng ating mga
07:33generation companies
07:34sa ating mga
07:35distribution utilities
07:37at mga retailer,
07:38ay maaari
07:39nang makita natin ito
07:41sa ating bill
07:41ngayong Abril.
07:43Hindi pa masabi ng ERC
07:45kung ilang kursyento
07:46at magkano
07:47ang posibleng dagdag
07:48singil sa kuryente.
07:50Kung ang
07:51titignan lang
07:52ay yung pagtaas
07:53yung paggalaw
07:54sa presyo
07:55ng panggato,
07:56ay nakikita nila
07:57na maaari
07:58umabot ng dalawa
07:59hanggang apat na piso daw.
08:01Kaya lang ito ay
08:02para lang sa supply
08:04na ibibigay
08:04ng WSM.
08:05Pero ayon sa
08:06National Association
08:07of Electricity Consumers
08:09for Reforms
08:09o NASIKO,
08:10kung totoo
08:11ang projeksyo
08:12na dalawang pisong
08:13dagdag singil,
08:14ang katumbas niyan
08:15hanggang
08:15apat na raang pisong
08:16dagdag sa bill
08:17ng mga household
08:19na hanggang
08:19200 kWh
08:20ang konsumo
08:21sa kuryente.
08:22Kung ating titignan
08:24yung ating
08:24generation charge,
08:25yung unang-unang linya
08:26sa ating monthly bill,
08:28yan ay pabago-bago.
08:30Biglang tumataas yan
08:31dahil sa sinasabi nilang
08:33pass-through cost,
08:34wala nang verification niya.
08:36Number one,
08:37i-verify,
08:38i-audit
08:39yung pagtataas na yan,
08:40siguraduin,
08:41at gawing
08:42on a staggered basis.
08:44Huwag biglaan.
08:46Paglilinaw ng ERC,
08:47pumapasok na sila
08:48para bigyan ng direktiba
08:50ang mga electric utility
08:51at generation supplier
08:52na utay-utay
08:53ang pangongolekta
08:55at pagkataas-singin.
08:56Para sa GMA Integrated News,
08:59ako po si JP Soriano.
09:01Nakatuto,
09:0124 oras.
09:04Sinala kayo ng Department
09:05of Migrant Workers
09:06ang Korean Language Training Center
09:08sa Pampanga
09:09na iligal umanong
09:10nag-aalok ng trabaho
09:11sa South Korea.
09:12Ayon sa DMW,
09:14nangangako ang training center
09:15ng oportunidad
09:16na makapagtrabaho
09:17sa South Korea
09:18sa pamagitan ng
09:19Employment Permit System
09:21at sa tinatawag na
09:22Student Pathway Option.
09:24Kapalit ito,
09:25ang paninigil
09:26ng malalaking halaga
09:27mula sa mga aplikante.
09:29Wala umanongkaw
09:30kulang lisensya
09:30mula sa DMW
09:31ang training center.
09:33Paalala ng DMW
09:34sa publiko,
09:35wag basta-basta
09:36maniwala
09:37sa mga training center
09:38na nag-aalok
09:38ng trabaho abroad.
09:41Dikit po sa sigmura
09:42ang epekto
09:43ng Mega Oil Price Hike.
09:45Nagmahal ang itlog
09:46at bigas
09:46sa ilang pamilihan.
09:48Sa Balintuak Market
09:49sa Quezon City,
09:506 pesos and 90 centavos
09:51hanggang 8 pesos and 40 centavos
09:53ang kada piraso ng itlog.
09:55Depende po sa laki.
09:56Tumaas naman
09:57ng may gigit lima,
09:58hanggang 8 piso
09:59ang bigas.
10:01Ang Pretail Market
10:01sa Maynina
10:02aabot naman sa 2 piso
10:03ang dagdag sa imported
10:04na DT8 variety
10:06ng bigas.
10:08Ay sa isang retailer,
10:09maaari pa yung tumaas
10:10dahil dumoble
10:11ang presyo ng trucking
10:12at mahirap
10:13makakuha ng supply.
10:15Pareho namang tumaas
10:16ng nasa 5 piso
10:17ang presyo
10:17ng local
10:18at imported na bigas
10:19sa trabaho market.
10:21Pero kahit
10:22nagmahal ang bigas,
10:23mas dumami pa raw
10:23bumibili
10:24ay yun sa isang retailer.
10:26Nag-imbak na raw kasi
10:27ang ibang mamimili
10:28habang hindi pa tumataas
10:30masyado
10:30ang presyo
10:31ng bilipin.
10:34Hindi lang pamilya,
10:36kundi pati buong komunidad.
10:37Ang inspirasyon
10:38ay isang Aita
10:39na nakapasa
10:40kamakailan
10:40bilang medical technologist.
10:42Ang kwento
10:43ng kauna-unahang Aita
10:44na naging medtech
10:45sa pagtutok
10:46ni JP Soriano.
10:50Abot tenga ang ngiti
10:52ng 22 anyo
10:53sa si Rolan
10:53ng Porak,
10:54Pampanga.
10:55Unti-unti na kasing
10:56nagbubunga
10:57ang kanyang pagsisika
10:58para sa pangarap.
10:59Nakapasa si Rolan
11:00sa March 2026
11:02Medical Technologist
11:03Licensure Examination.
11:04Si Rolan
11:05ang kauna-unahang Aita
11:07na naging lisensyadong
11:08medtech
11:09sa buong Pampanga
11:10ayon sa
11:10Provincial Social Welfare
11:12Development Office.
11:13Masaya ako na
11:14naging lisens na ako
11:16since
11:17hindi lang siya
11:19para sa akin eh
11:19hindi lang siya
11:20para sa pamilya ko
11:21kundi para sa community ko.
11:23Lumaki sa kabundukan
11:24si Rolan
11:25at nakipagsapalaran
11:26sa kapatagan
11:27para makapag-aral.
11:28Sa tulong ng iba't
11:29ibang scholarship grants
11:31mula sa pamahalaan
11:32nakapagtapos siya
11:33sa kursong
11:33Bachelor of Science
11:34in Medical Technology.
11:36Sabay sa pag-aral
11:37binabalansi rin niya
11:38ang paglilingkod
11:39bilang SK Chairman
11:40sa kanilang lugar.
11:41Minsan na rin daw
11:43niyang naisip
11:44na sumukok
11:44pero bumabalik
11:46ang lakas ng loob
11:47tuwing naaalala
11:48ang kanyang komunidad.
11:49Pangarap Pirola
11:50na maging doktor
11:51para makatulong
11:52at makapagbigay
11:53ng servisyo medikal
11:54sa kanilang komunidad
11:55sa bundok.
11:56Sa ngayon
11:56naghahanap siya
11:57ng scholarship grant
11:58para maipagpatuloy
11:59ang pag-aaral
12:00ng medisina.
12:02Pagdating ko doon
12:02sa exam
12:03ala akong aluang isipan
12:05noon eh
12:05kaya rin na nini
12:06sumawag kumaragul
12:08alin mo para ka na
12:09kuni
12:09sopan kayong
12:11para sa GMA
12:13Integrated News
12:14J.P. Soriano
12:15Nakatuto
12:1624 oras.
Comments

Recommended