00:00Inaprobahan na ng Economy and Development Council na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang panukalang tatlong grading period sa mga pampublikong paaralan.
00:09Kung kailan niyan magiging efektibo, laminsa ulat ni Kenneth Paciente.
00:15Sa pagbubukas ng eskwela sa taong 2026 hanggang 2027,
00:20ipatutupad na ang three-term school calendar sa mga pampublikong paaralan
00:24para mapataas pa ang antas ng edukasyon sa bansa.
00:27Yan ay matapos itong aprobahan ng Economy and Development Council sa ikawalong meeting nito kahapon.
00:33Layunin ang bagong pulisiya na mapakinabangan ang bawat oras ng pag-aaral
00:37na madalas naaapektuhan ng masamang panahon, pista opisyal at iba pang okasyon.
00:42Mula sa apat na grading period patungo sa tatlong grading period,
00:46magkakaroon ng mas mahabang tuloy-tuloy na oras ng pagtuturo sa mga estudyante
00:50na makatutulong sa mas maayos na learning pace at academic recovery bawat termino.
00:55Bukod dito, magkakaroon din ang panahon ng mga guro para sa professional development
01:00at pagsasagawa ng mga catch-up initiatives.
01:03Ayon kay Dep-Dev Secretary at ED Council Vice Chair Arsenio Balisacan,
01:07ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na bumuo ng globally competitive workforce
01:12sa pamamagitan ng evidence-based solutions para mapunan ang educational gaps sa bansa.
01:18Batay sa three-term school calendar, magsisimula ang unang term mula Hunyo hanggang Setiembre.
01:24Mula Setiembre hanggang Disyembre naman ang ikalawang termino,
01:27habang ikatlong termino ay mula Enero hanggang huling bahagi ng Marso.
01:32Kukumpleto ito sa 201 araw ng klase para sa buong academic year.
01:36Inaprobahan din ang Council ang pagwawakas ng umiiral na Investment Coordination Committee approval
01:41para sa Unified Grand Central Station Project upang mapabilis ang natitirang konstruksyon
01:46sa pamamagitan ng iba pang mekanismo at kontraktors.
01:49Layunin ang proyekto na magkaroon ng isang central station na nag-uugnay sa mga pangunahing railway systems
01:55gaya ng LRT Line 1, MRT Line 3 at MRT Line 7.
02:00Inaprobahan din ang hirit ng DPWH na itaas ang budget at pahabain
02:04ang implementasyon ng Reconstruction and Development Plan for a Greater Marawi Stage 2
02:10na bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City.
02:13Kasama rin sa natalakay ang proseso ng 201 Infrastructure Flagship Projects
02:18sa ilalim ng Build Better More Program kasama ang mga bagong proyekto.
02:23Kenneth, pasyente.
02:25Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.