00:00Matapos na hindi masilayan kagabi ang crescent moon ng mga kababayan nating muslim,
00:05opisyal nang idiniklara ang pagdaraos ng Edelfiter bukas o sa Sabado.
00:10Yan ang ulat ni Tricia Argon ng PTV Cotabato.
00:15Opisyal nang inihayag ng Bangsamoro Darul Ifta ang resulta ng moon sighting para sa pagtatapos ng Ramadan.
00:22As a Bangsamoro, the Bangsamoro Mufti, I, Abdurog Gyalani, herby announced that the crescent moon was not sighted today.
00:33Therefore, Edelfiter and first day of Shawwal will be on Saturday, March 21, 2026, inshallah.
00:42Isinagawa ng mga authorized moon sighters ang pagmamasid sa iba't ibang lugar sa Bangsamoro
00:48at ibang bahagi ng bansa hanggang sa paglubog ng araw, ngunit walang nakitang bagong buwan.
00:54Ang Edelfiter ay pinagdiriwang ng milyong-milyong muslim sa buong mundo
00:59ang tinatawag na Feast of Breaking the Fast na hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
01:06Maygit isang libo at apat atang taon nang ipinagdiriwang ang Edelfiter
01:10na nagsimula noong panahon ni Prophet Muhammad SAW sa lungsod ng Medina.
01:16Ito ay ginaganap tuwing unang araw ng buwan ng Shawwal sa Islamic Calendar
01:21matapos ang isang buwang pag-aayuno, panalangin at pagsasakripisyon ng mga muslim.
01:28So sa mga panahon ito, naging obligasyon ng pag-aayuno sa mga muslim
01:32at kumplituhin yung read na sabi sa Quran.
01:34Ibig sabihin, 29 days or 30 days dati kumplituhin yung read na tinatawag.
01:40Sa Pilipinas, lalo na sa Bangsa Morotonomous Region in Muslim Mindanao o Barm,
01:46kilala rin ito bilang Hari Raya o Araw ng Raya.
01:49Karaniwang nagsisimula ang selebrasyon sa pagsilip ng buwan o hilal
01:54o tinatawag na moonsighting na sinusunda ng Eid prayer sa mga mosque at open grounds.
02:01Nagsisimula itong Eid doon din sa panahon na kung saan inobligado ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
02:07Eid al-Fitir, ito ay dalawa sa festival na itinaggiriwang ng mga muslim.
02:13Pagkatapos ang panalangin, makikita ang mga muslim na nagbibigay ng zakat al-Fitir
02:19o tulong sa mahihirap, nagsusuot ang kanilang pinakamagagandang kasuotan,
02:23nagkakaroon ng salusalo, kasama ang pamilya, bumibisita sa mga kamag-anak at kaibigan
02:30at nagbibigay ng regalo, lalo na sa mga bata.
02:34Sa kabuuan, ang Eid al-Fitir ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos ng pag-aayuno.
02:39Ito rin ay simbolo ng pagkakaisa, pananampalataya at pagbabahagi sa kapwa.
02:46Mula dito sa Bangsa Morotonomous Region in Muslim Mindanao,
02:49Tricia Aragon para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.