00:00Ibinasura ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court o ICC
00:04ang pagkwestiyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa jurisdiksyon ng Korte.
00:11Sa argumento ng kampo ni Duterte na hindi sakop ng ICC ang Pilipinas
00:15dahil kumalas ito sa Rome Statute noong 2019,
00:19ipinunto ng Pre-Trial Chamber na November 1, 2011, sumali ang Pilipinas sa ICC
00:25at February 8, 2018, nagsimulang mag-imbestiga ang ICC prosecutor.
00:32Dahil state party ang Pilipinas, sa mga panahon na yon,
00:36iginit ng ICC na sakop ng jurisdiksyon nito ang aligasyong Crimes Against Humanity
00:42laban kay Duterte na nangyari sa mga panahon yon.
00:45Bukod dyan, kahit kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute,
00:49patuloy itong nakipag-ugnayan sa Korte,
00:51gaya ng paghiling ng gobyerno ni Duterte na ipagpaliban ang investigasyon noong November 2021
00:58at pakikipag-ugnayan ng kasalukuyang administrasyon
01:02kaugnay ng pag-aresto kay Duterte nitong Marso.
01:05Sinisika pa namin kuna na pahayag ang kampo ni Duterte.
01:10Ikinatuwa naman ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs ang desisyon
01:14dahil mapapahinga na ang anilay paulit-ulit na isyo ng jurisdiksyon ng Korte.
01:21Ikinatuwa naman ang pamilya ng pag-aresto kay Duterte.
Comments