Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00It's Rodrigo Roa Duterte.
00:30Patuloy na bakukulong sa International Criminal Court o ICC sa dahig Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang dinidinig ang reklamong Crimes Against Humanity laban sa kanya.
00:53Kasunod yan ang pagbasura ng Pre-Trial Chamber 1 ng ICC sa hiling ni Duterte na mabigyan ng pansamantalang paglaya o interim release.
01:03Sabi ng Pre-Trial Chamber, kailangan manatiling nakakulong si Duterte para matiyak na mapapaharap ito sa mga pagdinig, para hindi niya maharang o malagay sa peligro ang investigasyon at court proceedings, at para mapigilan na makagawa ng mga kahalintulad pang mga krimen.
01:19Hindi na kumbinsi ang Pre-Trial Chamber sa argumento ng depensa na dapat mapagbigyan ng interim release dahil sa humanitarian conditions, dahil sa edad nito, at kalagayang pangkalusugat.
01:32Hindi raw na ipakita ng depensa na hindi mabibigyan ng atensyong medikal si Duterte habang nakakulong.
01:38Dagdag pa ng Pre-Trial Chamber, ang sinasabi ng depensa na may cognitive impairment si Duterte ay speculative at walang basihan.
01:46Matatanda ang ding sinabi ng kampo ni Duterte na wala sa tamang kalagayan si Duterte para humarap sa paglilitis dahil sa cognitive problems o problema nitong makaintindi at makaunawa sa kanyang kinakaharap na reklamo.
02:01Sabi ng Pre-Trial Chamber, magkaibang issue ang fitness to stand trial sa usapin ng interim release.
02:08Matatanda ang pansamantalang pinagpaliban ang confirmation of charges hearing para kay Duterte para madetermina ng korte kung fit ito to stand trial.
02:17Hini rin kumbinsido ang Pre-Trial Chamber na hindi flight risk si Duterte tulad ng pinalalabas ng kanyang defense team.
02:25Simulat sa pool, kidnapping ang tawag niya sa pagkaaresto niya at pagkakakulong.
02:29Ang pamilya din daw ng dating pangulo hinaharang at binabatikos ang pag-aresto at pagkulong sa dating pangulo at ginigiit pa ang pag-uwi sa kanya sa Pilipinas.
02:41Patuloy rin daw ang pagkastigo sa mga proseso ng korte ng kanyang pamilya.
02:46Binigyang pansin rin ng korte ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte noong July 19 sa publiko na itatakas ang ama mula sa ICC Detention Center.
02:56Dine-delegitimize o minamalitraw nito ang mga proseso ng korte at sinasabi rin daw na may konsabahan ang korte sa gobyerno ng Pilipinas at gumagamit rin umano ng peking mga testigo.
03:09Pinunto rin ng Pre-Trial Chamber ang pagsabi ni VP Duterte na gusto ng kanyang ama na maibalik sa Davao kung mapagbibigyan ang interim release.
03:18Taliwas daw sa sinasabi ng depensa na mananatili ang nakatatandang Duterte sa estado kung saan siya i-re-release.
03:27May kakayahan raw ang pamilya at mga kaibigan ni Duterte para tulungan siyang makatakas sa pagkakulong at pag-usig ng korte.
03:35May panganib din daw na magiging banta si Duterte sa mga testigo laban sa kanya kung mapagbibigyan ang interim release.
03:42Binigyang bigat din ang korte ang mga sinabi ni Duterte noong kampanya na kung mahala lumuli bilang mayor ng Davao ay dodoblihin ang mga pagpatay.
03:52Ang abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman tinawag na eronyos o mali ang desisyon ng Pre-Trial Chamber.
03:59Inaapila na nila ang desisyon na ito.
04:02Sabi naman ni ICC Assistant to Council Attorney Christina Conti,
04:06nakahinga sila ng maluwag sa desisyon dahil pinakita nito ang respeto sa mga biktima
04:11at gayon din ang balanseng pagtingin sa argumento ng dipensa.
04:16Para sa GMA Integrated News, Sanima na Fran, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended