- 4 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Nagsimula na ang pagdinig ng House Justice Committee para himayin muli ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte/ Tinatalakay ngayon ang magiging ground rules ng hearing proper
-VPSD: Ginagamit lang ng House Justice Committee ang pagdinig para magsagawa ng aniya'y fishing expedition ang Kamara laban sa kanya
-Ilang jeepney driver, hindi muna pumasada para pumila sa P5,000 cash aid/ Pamamahagi ng P5,000 cash aid sa mga tsuper ng jeep sa Marikina, inilipat sa March 28 para ayusin pa ang listahan
-Ilang pasahero, na-stranded dahil sa kakaunting bumibiyaheng jeep kasabay ng pagbibigay ng P5,000 cash aid sa mga jeepney driver
-State of National Energy Emergency, idineklara ni PBBM/ Krisis na ang epekto sa Pilipinas ng giyera sa Middle East, ayon sa ilang senador/ DOE: P10B pondong puwedeng ipambili ng dagdag na langis, hindi magagamit nang hindi aprubado ng Kongreso; Sen. Legarda: Hindi sana kami nag-break kung sinabi ninyo/ DOE Sec. Garin: Ilang airlines, may fuel supply na aabot hanggang 38 araw
-Mahigit 100, arestado sa isang sabungan na nagsasagawa raw ng online sabong
-74-anyos na lalaki, patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Pinayag
-Panloloob sa isang bahay sa Brgy. Ugac Sur, nahuli-cam; P20,000 cash at cellphone, tinangay
-Motorcycle rider, patay matapos mabangga at magulungan ng dalawang motorsiklo
-Lalaking wanted para sa kasong frustrated murder noong 2010, nahuli/ Akusado sa frustrated murder noong 2010, itinangging sangkot siya sa krimen
-Easterlies, nakaaaapekto pa rin sa bansa
-Ilang Sparkle artists, lumahok sa workshop ng Sparkle GMA Artist Center in partnership with Repertory Philippines
-Presyo ng manok sa Marikina City Public Market, bahagyang nagmura dahil sa maraming supply/ DA: Presyo ng manok, posibleng pumalo sa P300/kg kapag nagpatuloy ang mega oil price hikes
-30 bahay, nasunog sa Brgy. Western Bicutan/
Simbahan sa Brgy. Halapitan, nasunog dahil sa naiwang nakasinding kandila
-Estudyanteng tumatawid sa pedestrian lane, na-hit-and-run ng motorsiklo
-Rider, patay nang sumalpok sa kasalubong na pickup sa Sumulong Highway
-2 lalaking umawat sa away, nasaksak; isa sa kanila, dead on arrival sa ospital
-PBBM sa pag-ground ng mga eroplano dahil sa jet fuel shortage: "That's a distinct possibility"
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-VPSD: Ginagamit lang ng House Justice Committee ang pagdinig para magsagawa ng aniya'y fishing expedition ang Kamara laban sa kanya
-Ilang jeepney driver, hindi muna pumasada para pumila sa P5,000 cash aid/ Pamamahagi ng P5,000 cash aid sa mga tsuper ng jeep sa Marikina, inilipat sa March 28 para ayusin pa ang listahan
-Ilang pasahero, na-stranded dahil sa kakaunting bumibiyaheng jeep kasabay ng pagbibigay ng P5,000 cash aid sa mga jeepney driver
-State of National Energy Emergency, idineklara ni PBBM/ Krisis na ang epekto sa Pilipinas ng giyera sa Middle East, ayon sa ilang senador/ DOE: P10B pondong puwedeng ipambili ng dagdag na langis, hindi magagamit nang hindi aprubado ng Kongreso; Sen. Legarda: Hindi sana kami nag-break kung sinabi ninyo/ DOE Sec. Garin: Ilang airlines, may fuel supply na aabot hanggang 38 araw
-Mahigit 100, arestado sa isang sabungan na nagsasagawa raw ng online sabong
-74-anyos na lalaki, patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Pinayag
-Panloloob sa isang bahay sa Brgy. Ugac Sur, nahuli-cam; P20,000 cash at cellphone, tinangay
-Motorcycle rider, patay matapos mabangga at magulungan ng dalawang motorsiklo
-Lalaking wanted para sa kasong frustrated murder noong 2010, nahuli/ Akusado sa frustrated murder noong 2010, itinangging sangkot siya sa krimen
-Easterlies, nakaaaapekto pa rin sa bansa
-Ilang Sparkle artists, lumahok sa workshop ng Sparkle GMA Artist Center in partnership with Repertory Philippines
-Presyo ng manok sa Marikina City Public Market, bahagyang nagmura dahil sa maraming supply/ DA: Presyo ng manok, posibleng pumalo sa P300/kg kapag nagpatuloy ang mega oil price hikes
-30 bahay, nasunog sa Brgy. Western Bicutan/
Simbahan sa Brgy. Halapitan, nasunog dahil sa naiwang nakasinding kandila
-Estudyanteng tumatawid sa pedestrian lane, na-hit-and-run ng motorsiklo
-Rider, patay nang sumalpok sa kasalubong na pickup sa Sumulong Highway
-2 lalaking umawat sa away, nasaksak; isa sa kanila, dead on arrival sa ospital
-PBBM sa pag-ground ng mga eroplano dahil sa jet fuel shortage: "That's a distinct possibility"
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you so much for watching.
00:31Mainit na balita, nagsimula na ang pagdinig ng House Justice Committee para himayin muli ang dalawang impeachment complaints laban kay
00:39Vice President Sara Duterte.
00:41Tinatalakay ngayon ang magiging ground rules ng hearing proper.
00:44Bukod sa ground rules, nakasahan ding dedesisyonan ng komite ang mga nakabimbing musyon, kabilang dyan ang pagpapasutina sa financial records
00:53ng BSE.
00:54Wala sa pagdinig ngayon si VP Duterte gaya ng naon na nang sinabi ng kanyang kampo.
00:59Ang ipapagdetalya sa pagdinig, yahatid namin maya-maya lang.
01:07Ayon mismo kay Vice President Sara Duterte, ginagamit lang ang pagdinig ng House Justice Committee para magsagawa ng anyay fishing
01:15expedition ang kamara laban sa kanya.
01:18Sa isang pahayag, sinabi ng BSE na ang imbitasyon sa kanya na dumalo ay tila para makabuo ng naratibo na
01:25magkakaroon ng mini-trial.
01:27Hindi naman daw kinakailangan personal na dumalo roon ang isang respondent ng impeachment complaints.
01:33Nagsumiti na siya ng kanyang tugon sa mga reklamo.
01:35Wala na raw dapat pang gawin ang kumite kundi ibasura ang dalawang impeachment complaints na anyay malinaw na kulang ang
01:43ebidensya.
01:44Dagdag ng BSE, inuuna pa ang politika kaysa sa kapakanan ng mga Pilipino.
01:51Sa ibang balita, mga tshiper ng jeep ang binibigyan ng 5,000 pisong ayuda mula sa DSWD.
01:57Sa Quezon City, may ilang jeep to driver na hindi mo na pumasada para maagang makakuha ng cash aid sa
02:02Quezon Memorial Circle.
02:04Malaking bagay raw ang ayuda dahil sa pagpapakarga na lang napupunta ang malaking porsyento na kanilang kita sa pamamasada.
02:12Ganyan din ang ginawa ng ilan sa mahigit 2,000 tshiper ng jeep sa Maynila, pati na sa payout center
02:17sa Mandaluyong at Pasay.
02:21Sa Marikina naman, sa halit na ngayong araw, rescheduled for Sabado ang pamamahagi ng cash aid sa mga tshiper ng
02:28jeep.
02:28Sabi ni Mayor Maan at Chidoro, kinausap pa kasi nila ang mga jeep ni Association at LTF-RB matapos malamang
02:34may ilang jeep ni driver na wala sa listahan.
02:37Ayon sa mga driver, malaking tulong ang ayuda ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
02:45Maraming pasahero ang na-stranded kaninang umaga sa Quezon City, particular po sa bahagi ng Filcoa, kunsaan nakaabang na sa
02:52kalsada ang mga pasahero.
02:53Ilan sa kanila na late na raw sa trabaho dahil sa kakaunti lamang ang mga bumiyahing jeep.
02:58Ang ilan kasing jeep ni driver, piniling hindi mamasada ngayong araw kung kailan sinimulan ang pamamahagi ng 5,000 pesos
03:05na cash aid mula sa DSWD.
03:30Isang taong nasa ilalim ng State of National Energy Emergency ang Pilipinas, bunsun po ng gyera sa Middle East.
03:37Ang ilang senador, itinuturing ng krisis ang epekto sa bansa ng gulo.
03:41Balitang hatid ni Marisol Abduraman.
03:47Sa gitna ng epekto sa bansa ng gulo sa gitnang silangan, nagdeklara ng State of National Energy Emergency si Pangulong
03:55Bongbong Marcos.
03:56Sa ilalim ng Executive Order No. 110, itatatag ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o Uplit.
04:05Layan nito masiguro na sapat ang supply ng enerhiya sa bansa.
04:09Hindi matitigil ang delivery ng pangulang serbisyo, patuloy na paggulong ng ekonomiya at pag-alalay sa mga mamamayan, particular sa
04:17vulnerable sectors.
04:19Isang taong efektibo ang kautosan.
04:21Bago pa man ilabas ang Executive Order ni Pangulong Marcos, krisis na ang tawag ng mga senador sa epekto sa
04:28bansa ng gulo.
04:29Dapat aminin na ng Malacanang, gano ba talaga kabigat ang sitwasyon?
04:35At ano na ba ang eksaktong plano ng gobyerno?
04:39We must first admit that there is a crisis for us, for all of us, to act with urgency.
04:47And we must admit that it can't be the usual way things are.
04:52Huwag na tayo lost in translation or nagmamaang-maangan na may krisis.
05:01Until we define it as a crisis, we will not act in record time to save our people.
05:12Sa pagdinig ng Senate Committee on Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy or Protect,
05:20nagkasingilan kaugnay ng hanggang 10 billion pesos na pondo ng Philippine National Oil Company pambili ng dagdag na langis.
05:27Pero hindi pa raw ito magamit dahil kailangan ng basbas ng kongreso.
05:31We want to activate yung funds ng GOCC natin to be able to address yung inventory natin in country to
05:41keep it at a healthy level.
05:43Ayon mismo sa Department of Energy, sumulat sila sa kongreso na nakabreak ngayon.
05:48Hindi po mag-break ang Senado kung sinabi niyong kailangan ng congressional approval ang paggamit ng PNOC ng kanilang pondo.
05:58Because it's important na hindi tinuturo sa atin na nag-break tayo kaya ang PNOC hindi makagamit ng kanyang pera.
06:05That's unfair.
06:06Eh ang sekretary nga ninyo wala dito eh.
06:09Kung anong pamamulitik ang ginagawa na naman ang sekretary nyo.
06:12Wala noon sa pagdinig si Energy Secretary Sharon Garin na nagpasabing hindi makadadalo.
06:17Pero dumating din siya kinahaponan matapos sanapin ni Senador Ligarda.
06:22Tinanong siya tungkol sa pahayag ng Pangulo na posibleng matigil ang paglipad ng mga eroplano dala sa kukulangan ng jet
06:28fuel.
06:29Cebu Pacific and Pal, they have a combination of suppliers, Petron and also they import it on their own.
06:37Their inventory is around 38 days.
06:4038 days and they have confirmed, we asked them if they want us to help them procure additional fuel
06:46for the next month, meaning on May.
06:50They have already secured confirmation of their next order.
06:54I think it was South Korea.
06:57Sabi ni Garin, ang ginagawa nila ay pina-follow up ang orders sa pamamagitan ng government to government na ugnayan.
07:04Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:10Sa ibang balita, ni Raid na mga otoridad ang isang sabungan sa Tondo, Maynila dahil umunong sa iligal na online
07:16sabong.
07:17May ikitsandaan na naaresto kabila ang mga tumataya, pati ang mga operator at teller.
07:22Nadat na din ang otoridad ng mga panabong na manok, ganyan din ang mga computer na ginagamit sa online operations.
07:28Walang naipakitang dokumento sa pulis siya ang mga operator.
07:32Hindi nabigyan ang pagkakataon ng media na makausap ang mga inaresto.
07:35Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group,
07:39mahaharap ang mga suspects sa reklamong paglabag sa Anti-Gambling Law at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.
07:45Bawal ang online sabong sa bansa simula noong 2022.
07:51Ito ang GMA Regional TV News!
07:56Patay ang isang senior citizen na lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
08:03Ayon sa Bureau of Fire Protection, Kayapa, nasunog ang panggatong na mga kahoy na nasa kusina ng bahay.
08:10Nang mapansin iyon ng misis ng biktima, agad niyang inilikas palabas ang kanyang mister na natutulog doon.
08:17Pero gumapang pabalik ng bahay ang lalaki para kunin ang mga personal niyang gamit.
08:22Doon na siya nakulong at nasawi.
08:25Ayon sa mga otoridad, natagalan ang pagresponde sa sunog dahil liblib ang lugar.
08:30Halos dalawang oras ang biyahe mula sa bayan at wala silang malapit na kapitbahay.
08:35Walang pahayag ang misis ng biktima.
08:39Hulikam ang panuloob sa isang paupahang bahay sa barangay Ugaksur sa Tuguegaraw, Cagayan.
08:46Nakikita o makikita ang pagdaan ng lalaking niyan na may bitbit na bag pasado alas 5 ng umaga nitong biyernes.
08:53Nang mapansin ang CCTV, bigla niya itong ibinaling sa kanan.
08:58Ayon sa nanungupahan sa bahay, nahuli ng kanyang kasama sa bahay ang pagkuhan ng suspect sa kanyang wallet.
09:05Agad tumakas ang lalaki, tangay, ang wallet na may 20,000 pisong cash at isang cellphone.
09:11Iniimbisigahan pa ng pulisya ang insidente.
09:17Hulikam sa Cebu City.
09:19Nabangga ang motorsiklong iyan ng isa pang motor.
09:22Tumilapon ang delivery rider na natumbok at nagulungan ng isa pang motorsiklo.
09:27Patay ang delivery rider.
09:29Sugata naman ang rider na unang nakabangga at mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
09:36Sumuko kaluunan ng nagmamaneho ng motor na nakagulong sa biktima.
09:39Dahil minor na edad pa, inilipat ang kustodiyan niya sa isang social worker.
09:47Naaresto sa Bulacan ang isang lalaking wanted sa kasong frustrated murder sa Nabotas noong 2010.
09:53Maraming itinanggit ng akusado na sangkut siya sa krimen.
09:57Balitang hatid ni James Agustin.
10:03Sa pandibula ka natunto ng pulisyang 45 anyo sa lalaking wanted sa kasong frustrated murder.
10:09Isinilbi sa kanya ng maoperatiba ng Nabotas City Police Station ang bitbit nilang areswaran.
10:14Ayon sa pulisya, labing anim na taong nagtago ang akusado na nagpalipat-lipat pa umano ng lugar.
10:20Ang trabaho niya ngayon doon, nung bago namin makuha, is nasa sa construction.
10:24So, ang uwi niya rito, mostly every week.
10:28Kaya lang, nung chinek namin nauna, nung nakaraang buwan, matagal, two weeks, minsan isang buwan bago umuwi.
10:35Sa imbisikasyon, February 2010 na mangyari ang krimen sa isang KTV bar sa Nabotas.
10:40Ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga lalaki na uwi sa paumari, sugatan ng lalaking biktima.
10:46Parang nagkaroon ng nagkakursunadaan, ngayon nagpang-abot doon sa loob ng bar.
10:53So, nagkaroon ng suntukan, pero napasipay naman sa loob.
10:57Yung mga suspect natin, lumabas.
11:00So, naiwan yung mga itong grupo ng biktim natin.
11:04Yun pala is, paglabas ng ating biktim, inabangan sila.
11:08Kaya paglabas, so binaril itong ating biktima, tinamaan dito sa may chick, lumabas.
11:16Sabi ng akusado, wala siyang kinalaman sa krimen.
11:19Nagtatrabaho lang daw siya noon bilang pedicab driver.
11:21Sakay ko lang yung pasayero yung bumaril.
11:25Pasayero ko lang po yun, sir. Pero kilala ko yun.
11:27Nababa ko po sa ano yun, sa KTV bar.
11:32Kasi walang bariya.
11:34Walang bariya siya para sa akin.
11:36Pinabili niya ako ng sigurilo sa labas.
11:39Magpasok ko ng loob, may gulo na huron.
11:41Doon na ako nangyari, hindi ko na alam kung ano nangyari.
11:43Nang kapag-return of warrant na ang polisya at hinihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
11:48Patuloy namang tinutugis ang isa pang akusado sa kaso.
11:52James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:00Pusibling muling makaranas ng extreme caution level na damang inito heat index sa ilang lugar ngayong Merkoles.
12:06Ayon sa pag-asa, posibling pumalo sa 41 degrees Celsius ang heat index sa Katarma, Northern Samar.
12:1140 degrees Celsius naman sa Sambuanggat, Cotabato City.
12:15Habang 34 degrees Celsius ang posibling heat index dito sa Quezon City.
12:20Paalala pong muli, posibling makaranas ng heat cramps o kaya heat exhaustion ang sinumang magbababad sa ganyang katinding init.
12:27Kaya kung kayo po ay nagtatrabaho sa ilalang ng init ng araw, sumilong paminsan-minsan, magpahinga at uminom ng maraming
12:34tubig.
12:35Sa kabila niyan, may ilang lugar pa rin ang posibling ulanin.
12:39Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, magkakaroon ng light to moderate rain sa ilang panig ng Southern Luzon, Visayas
12:45at Mindanao.
12:47May chance na rin ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
12:50Ayon sa pag-asa, mainit na easterlies ang naka-apekto pa rin sa bansa.
13:00Wednesday latest, magamari at pare.
13:03Sumabak sa intensive training ang ilang sparkle artists sa workshop in partnership with Repertory Philippines.
13:11Facilitated yan ang Repertory Philippines Actress and Director na si Cara Baredo.
13:16Chika ni Miss Cara, goal ng workshop na mabigyan ang artists ng tools in acting.
13:22Dahil may similarities naman daw ang pag-arte sa teatro at TV.
13:26Makatutulong din daw ito na ma-enhance ang kanilang skills at talents, lalo na sa storytelling in its truest and
13:33realist form.
13:34Present sa movement ang Sparkle Teens na sina Ellie Cruz, Aljon Banaira, Jordan Lim, Andre Fajardo, Isa Uy at Megan
13:43Dionisio.
13:50Sa gitna ng mega oil price hikes, nagbabala ang Department of Agriculture na posibleng sumipa sa 300 pesos per kilo
13:57ang karning manok sa palengke.
13:59Magkano na nga ba ngayon yan?
14:01Alamin sa Balitang Hatid ni EJ Gomez.
14:07Kung para nitong nagdaang linggo, mas bumaba ng 3 pesos hanggang 5 pesos ang presyo ng kada kilo ng manok
14:14na ibinibenta sa Marikina City Public Market.
14:17Ang dating sariwang buong manok na 153 pesos hanggang 155 pesos, 150 pesos na lang ngayon.
14:26Ang chilled or frozen whole chicken naman, ibinibenta ng 155 pesos, mas mura na ng 5 pesos hanggang 8 pesos
14:35sa dati nitong presyo.
14:37Ang choice cuts naman, bumaba rin at ngayon ay nasa 160 pesos hanggang 170 pesos kada kilo.
14:44Ang filet, aabot naman sa 220 pesos ang kada kilo.
14:49Sabi ng tenderong si Edward, marami raw kasi ang supply ngayon, kaya mas bumaba pa ang presyo.
14:55Yun sa mahal na araw siguro, kaya bumaba pa siya.
15:00Pero after siguro nito, papalo na ng dataas siguro yan.
15:03Sinabi ng Department of Agriculture sa Senado kahapon, maaaring pumalo sa 300 pesos ang kada kilo ng manok sa gitna
15:11ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
15:15Basihan ng DA, ang worst case scenario kung aapot sa $200 per barrel ang presyo ng langi sa world market.
15:23Malaki raw ang efekto nito sa mga supplier ng manok tulad ni Edward.
15:27Sa amin talaga putok yung pagtaas ng supplier talaga.
15:34Pag sobrang taas na siguro, bawas na lang ng order.
15:37May pangamba rin ang tenderang si Amelia na baka raw mabawasan sila ng customer.
15:43Ngayon, yung prosen, $155, gamit $150, kahit papano, sumasabay.
15:48Pero pag umabot po sa ganun presyo, may harapan na kami magbenta.
15:52Tsaka yung customer ramen sa kantin, mapupunta sa prosen.
15:56Mga bawasan din sila ng mabibili dahil nga ganun kataas ang presyo.
16:01Ang mamimiling si Mary Ann na arawang namamalengke, nangangambang hindi kayanin ang budget ang mahigit $300 pesos ng kada kilo
16:11ng manok.
16:12Well actually, hindi na. Sobrang mahal na siya. So siguro, diskarte, bawas na lang talaga. Yung 1 kilo, kalahati na
16:19lang.
16:20Kung minsan may nabibili naman na ano, yung sa labas, yung luto na, siguro yun na lang talaga.
16:25Yes, luto mo lang na lang. Yung yung pinakang possible solution na lang. Mas mura naman.
16:30Ayon pa sa DA, sa isa ring worst case scenario na kanilang inilatag, posible rin daw tumaas ang presyo ng
16:37karneng baboy kasunod ng manok.
16:40EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:45Eto na ang mabibilis na balita.
16:50Sumiklabang sunog sa isang residential area sa barangay Western Bicutan sa Taguig.
16:54Nagsimula ang sunog pasado alas 7 kagabi.
16:57Ayon sa Bureau of Fire Protection Taguig, 30 bahay ang nasunog at halos 50 pamilya ang apektado.
17:03Aabot sa 1 milyong piso ang halaga ng pinsala.
17:07Pasado alas 9 kagabi nang tuluyang mapula ang apoy.
17:12Isang simbahan naman ang nasunog sa barangay Halapitan sa San Fernando, Bukidnon.
17:17Nagtulong-tulong ang mga bumbero at ilang residente sa pagpula sa sunog.
17:21Malaking bahagi ng simbahan ang naabok dahil gawa ito sa light materials.
17:25Sa inisyal na report, posibleng nagsimula ang apoy sa nakasinding kandila sa altar na iniwan matapos ang ginawang misa.
17:32Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog.
17:38Huli kam sa Cotabato City.
17:40Tumatawid ang dalawang istudyante sa pedestrian lane nang mabangga ng motorsiklo ang isa sa kanila.
17:46Nakatayo naman ang nabanggang istudyante at lumapit sa motorsiklo.
17:50Inakbensya ng rider at kinausap sa grid at saka umalis.
17:53Nagtamu ng sugat sa braso at mainiindang sakit sa katawan ang biktima.
17:57Patuloy ang embestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang nang-hit and run na rider.
18:04Huli kam sa Antipolo Rizal ang pagsalpok na isang motorcycle rider sa kasalubong nitong pick-up.
18:10Nasa wipo ang rider.
18:11Balitang hati ed ni EJ Gomez.
18:15Kuha sa dashcam na ito ang mabilis na takbo ng motorsiklo.
18:20Sa isa pang kuha, kita na ang motorsiklo ang bumangga sa isang pick-up sa kabilang lane.
18:26Tumila po ng rider sa kalsada.
18:29Nasa pool din sa CCTV ng Antipolo LGU ang aksidente.
18:35Nangyari yan sa pakurba at pababang bahagi ng sumulong highway sa pranggay Santa Cruz, Antipolo City nitong linggo.
18:42Nagdulot ng traffic ang aksidente.
18:45Duguan ang rider ng madatna ng Antipolo City Fire and Rescue.
18:50Wala na po siyang pulso po ma'am, tapos hindi na po siya gumagalaw, hindi siya nagre-respond.
18:55Purong ulo po talaga yung naano sa kanya eh, na pinsala po talaga ma'am.
18:59Yung helmet po ma'am, wasak eh.
19:01Tapos yung motor niya, wasak din po ma'am, yung harapan.
19:04Base raw sa pahayag ng kasama niyang rider.
19:07Grabe daw po ang tuling niya, tapos kasunuran po sila.
19:09Body, pag ano po ma'am, pagkakurbada ma'am, na wala na po ng balance, bumangga na po sa pick
19:16-up po.
19:16Opo, nakita po mismo, ng kasama po, na nakamotor din po.
19:21Nagkasalubungan po sila sa curve part ng pangsada.
19:26And then, nag-overshoot po itong driver ng motorcyclo.
19:30Nabangga niya po yung sasakyan.
19:33Sa lakas ng impact, nayupi ang unahang bahagi ng pick-up.
19:37Nasila ang side mirror at nagkabasag-basag ang windshield nito.
19:42Pinagtulong ang buhati ng rescuers, ang rider para itakbo sa ospital.
19:47Doon na siya ininiklarang patay.
19:49Ayon sa Antipolo Police, dayo sa lugar ang rider, na taga Pila, Laguna.
19:55Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng lalaki.
19:58Susubukan pa namin kunan ang pahayag ang driver ng pick-up.
20:02Nagkaareglo raw ang dalawang panig ayon sa polisya.
20:05Hindi na rin daw magsasampan ng reklamo ang mga kaanak ng rider laban sa pick-up driver.
20:11Aminado mo naman po sila na yung motor talagang may kasalanan.
20:16Nagkasunduan sila na yung driver ng sasakyan,
20:19sasagutin niya po yung gastos sa pagpapalibing, sa mga na-damage po.
20:26Pinag-iingat ng mga otoridad ang mga motorista,
20:29particular ang mga dayo dito sa lugar,
20:31sa pagtahak ng bahaging ito ng sumulong highway,
20:34na madalas daw pangyarihan ng mga aksidente.
20:37EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:42Ito ang GMA Regional TV News.
20:48Patay ang isang lalaki kasunod ng Rambol sa Pagadian, Zamboanga del Sur.
20:52Nangyari ang kaguluhan sa bahagi ng Seaside Boulevard sa Barangay Santiago nitong lunes.
20:57Nakunan ang video ang pagtumba sa kalsada ng lalaking nakapulang damit.
21:02Napaupo naman ang isa pang lalaki.
21:04Nakatayo kalauna ng lalaki nakapulang damit hanggang bumagsak uli siya.
21:09Ang napaupo ng mga lalaki, pinaupo muna sa isang silya.
21:13Dinala sila sa ospital, pero ang nakapulang lalaki,
21:15idinekla lang dead on arrival.
21:18Base sa investigasyon, may away ng dumating sa bar ang dalawang lalaki.
21:22Umawat lang daw sila hanggang masaksak.
21:25Pinutugis na ng pulis siyang suspect sa pananaksa.
21:316 na taga-Bacolod City ang sumamang pakiramdam matapos kumain ng tahong at iba pang lamang dagat.
21:37Nakuha na nila ang mga ito sa dagat na sakop ng Barangay Singkang Airport.
21:41Inadobro nila ang seafood at pinagsaluhan sa tanghalian.
21:45Sumakit ang tiyan, nagsuka at nanginig daw ang anim sa mga kumain.
21:49Tatlo sa kanila ang naospital.
21:51Batay sa pinakahuning bulitin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong March 12,
21:56wala namang umiiral na red tide alerts sa Bacolod City.
22:00Makikipaugnayan daw sila sa kanilang regional office kaugnay sa mga nagkasakit.
22:04Kumuha na ng samples sa Bacolod City Health Office para matukoy kung lamang dagat nga ba ang dahilan ng pagkakasakit
22:10nila.
22:11Nagbabala rin ang lokal na pamahalaan na iwasan muna ang pagbibenta at pagkain ng mga shellfish sa lugar.
22:18Dati ng paalala ng BIFAR sa tamang paghandle ng shellfish,
22:21i-brush ang mga ito para maalis ang putik at iba pang uri ng dumi.
22:25Ilayo ang mga ito sa matinding init at contaminants gaya ng mga produkong petrolyo para ligtas na makain.
22:33Bistado ang iligal na operasyon ng isang hair transplant clinic sa Makati City.
22:38Bukod po sa walang permit, wala rin lisensya ang mga banyagang nagpapakilalang doktor.
22:46Balitang hatid ni John Consulta, Exclusive.
22:52Katatapos lang ng hair transplant procedure sa isang pasyente
22:56nang pumasok ang reading team ng NBI Special Action Unit sa klinik na ito sa Makati City.
23:01Arestado ang anima Turkish national at isang Pilipinong receptionist.
23:05We received a report that this clinic is being operated by a foreign national posing as a doctor.
23:13Mga hindi mga lisensyadong doktor dito, walang permit to operate itong klaseng business kaya inuni natin ito.
23:21P220,000 ang singil kada pasyente para sa medical procedure na inaabot ng limang oras.
23:27Tumambad sa reading team ang mga gamot at anesthesia na ginagamit umano sa hair transplant.
23:32Delikado ito kasi mayroong safety issues. Baka mamaya magkaroon ng mga infection.
23:38Hindi dapat nila ito ginawa ng walang katumbas ng mga permit or licenses to operate dito sa atin.
23:45Nakaharap ang mga inaresto sa reklamang paglibag sa RA-2382 o Medical Act at Philippine Pharmacy Act.
23:51Tumagin magpa-unlock ng panayam ang mga dayuhan.
23:53Mag-ingat tayo, alamin maigi kung sino yung inyong kausap, kung talaga ba sila ay otorizado o may lisensya para
23:59gumawa ng mga procedures na ganito.
24:01So, John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:07May distinct possibility o hindi raw malayong mangyari na pagbawalan ang pagbiyahe ng ilang eroplano sa gitna ng gulo sa
24:13Middle East
24:13ayon kay Pangulong Bongbong Marcos sa isang panayam.
24:16Dahil yan, sa kakulangan ng supply ng jet fuel dulot ng gera sa pagitan ng Iran at nagsanig puwersang Amerika
24:22at Israel.
24:24Sabi ni Pangulong Marcos, nagsabi na ang ilang bansa na hindi nila kayang mag-refuel ng aircraft
24:28kaya mapipilitan ng mga eroplanong bumibiyahe na magkarga ng jet fuel na sapat para sa paglabas at pagbalik sa bansa.
24:36Umaasa naman daw si Pangulong Marcos na hindi ito mangyari.
24:39Nagsabi na ang Philippine Airlines na may sapat silang supply ng jet fuel, kabilang ang para sa mga pangmahabang biyahe.
24:46Susubukan pa namin kuna ng panig ng iba pang airline sa bansa at ng Civil Aviation Authority of the Philippines.
24:53Ipinadala na sa Office of the President ang panukalang magbibigay ng emergency power sa Pangulo para suspindihin o bawasan ng
25:00excise tax.
25:01Sa langis, sa ilalim ng panukala po pwedeng gamitin ang Pangulo ang emergency powers kapag isang buwan ng $80 o
25:08higit pa ang kada barrel ng Dubai Crude Oil.
25:11Nauna nang sinabi ng Department of Economy Planning and Development o DepDev na hanggang 6 pesos kada litro ang mababawa
25:19sa presyo ng diesel kapag sinuspindi ang fuel excise tax.
25:23Hanggang 10 pesos kada litro naman sa gasolina.
25:31Kaugnay sa lagay ng ekonomiya at mga inaasahan pang senaryo ngayong mataas ang presyo ng langis,
25:36kausapin natin si Department of Economy, Planning and Development, Undersecretary for Policy and Planning, Rose Marie Idilion.
25:42Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
25:46Yes, magandang umaga po naman at magandang umaga sa lahat ng mga naloon.
25:51Paano niyo po ilalarawan ngayon yung kasalukuyang lagay ng ekonomiya ng ating bansa sa gitna ng krisis po sa petrolyo?
25:58Yeah, ngayon nga, marami tayong mga dinadaanan ngayon.
26:04And not just the Philippines, pati yung actually buong mundo ito.
26:09So ang kailangan po natin talaga is magkaisa tayo, magkaroon tayo ng coordinated na approach
26:16para malabanan natin ito, para we can weather po itong situation na ito.
26:23Paano ba makakatulong itong national energy emergency na ay pinatapad ng Pangulo?
26:31Opo. So ang mangyari po dito is it actually bestows on the President yung power para magkaroon pang,
26:42mag-call siya for, yun nga yung coordinated actions and calling also on the private sector.
26:50Or coordinated actions, ano naman po yun, lagi naman po yung nandyan for the government.
26:56Pero ito po, kasama yung mga local government units, kasama rin po yung mga private sector
27:02na magtulung-tulungan po tayo para maibsa natin itong challenge na ito ngayon sa atin.
27:09Sa forecast po ng DepaDev, hanggang magkano yung taas presya sa diesel kapag umabot sa $200 per barrel yung krudo
27:15sa world market?
27:16Tataabot po ba kaya ito sa $200?
27:20Sa ngayon po, kasi ito pong scenario na ginawa namin, yung scenario 5,
27:28ito po, ang request po ito ng Senado na what if magiging $200 per barrel na average po ito for
27:37the 180 days.
27:38So, kumbaga yung average na yun, mangyayari for 180 days.
27:42So, ang nakikita namin na napalo nito sa diesel is in terms of average po,
27:51mula March is sa mga nasa 110 pesos po on average.
27:58So, ibig sabihin po, merong magiging mas mataas dito na presyohan,
28:04meron din magiging mas mababa.
28:06Pero yun nga, nakikita namin sa ngayon, kasi nasa March 25 na po tayo, no?
28:12So, tingin namin medyo remote na yung possibility na ito,
28:17kasi nga ultimo sa world market, kahapon mataas yung naging trading,
28:22pero kanina po, nag-ease na naman po yung trading, bumaba na naman po yung trading price
28:29ng ating sinusundan na Dubai Crude Oil.
28:33Bukod po dun sa pagharang ng transportation sa Strait of Hormuz,
28:38espekulasyon ba ang dahilan kung bakit napakataas talaga nitong presyo ngayon ng krudo?
28:45Kasama po yung uncertainty.
28:48Kasi nga, ang nangyayari din dito, dahil sa uncertainty na baka magtagal pa itong situation na ito,
28:55meron pong mga ibang mga batsa na dinadamihan na nila yung kanilang reserves, no?
29:02So, nag-i-stack na sila.
29:04And that means, yung free na lang, yung available na lang talaga,
29:09lumiliit yung supply na yan.
29:11And that drives up prices.
29:13Pero yun nga, nakita natin yung kahapon, dahil may mga announcements si Donald Trump
29:21and may mga news na there's already a diplomatic route that is being taken.
29:30So, nag-ease po ulit yung market.
29:32Kasi again, nabawasan yung uncertainty.
29:36Isa po ito sa talagang nakakapaggalaw ng mga presyuhan natin.
29:41Ay paulit-ulit po na panawagan ng nasa transport sector.
29:44Alisin na raw yung fuel excise tax at value added tax.
29:47Ano pong tingin nyo sa panawagan yan?
29:49Ito po ano, masusin naman po itong pinag-aaralan.
29:53Salamat din po sa Kongreso na binigay yung flexibility na yun sa executives.
29:59So, it will be upon the recommendation nga po ng DBCC.
30:02So, dahil meron na nga po certification na it has increased, no?
30:09Yung nag-breach na yung sinasabi natin na $80 per barrel.
30:14So, ula muna na po, kailangan din, syempre, yung legislative process tapos na nga po sa Kongreso.
30:22So, nandun na po sa executive secretary para aralin po yung batas and then maging pirmahan, effective.
30:33May mga ganun pa pong proseso na.
30:35So, basta, ano po ito?
30:39It's an option that is certainly on the table.
30:43Kung Dep-Dev po ang tatanungin, ano pong recommendation nyo?
30:46Gamitin ka agad itong emergency powers na ito?
30:51Kwan po yan?
30:52Depende nga po sa magiging kalakaransa ngayon, no?
30:56Kasi ang gusto rin namin mangyari is we will have enough buffers.
31:01Una muna, isiguraduhin natin yung supply.
31:03Magkaroon tayo ng enough na stocks nito.
31:07Tapos, ang isa pa rin is kailangan din masiguraduhin din natin
31:12na meron tayong enough funding para dun sa mga subsidiyan na kakailanganin.
31:18Especially dun sa mga sectors na very vulnerable dito sa fuel price increase.
31:24Pero certainly, kapag halimbawa po talagang nagiging malaking, very prolonged na,
31:33talagang kailangan na po talagang gamitin lahat ng mga options necessary.
31:39At dahil po dito sa crisis na ito, ano pong inaasahan yung epekto nito?
31:42Sa inflation ngayong Marso?
31:44Yeah.
31:45For March, ang tingin namin dito, kasi nga, also, we're coming up from a low base, no?
31:51So, pwede pong mag-breach tayo ng ating target band.
32:00Pero, tingin namin kasi yung presyuhan ng mga pagkain,
32:05medyo ano po ito, medyo stable, no?
32:09Especially yung mga meat prices natin.
32:11So, ang kailangan na lang po is to make sure na wala pong magiging huwag ngayari, no?
32:18Para maging stable po yung supply natin, pati nga pati na presyuhan natin.
32:25E pati po yung palitan ng piso at dolyar, apektado eh.
32:28Nakikita nyo ba magtagal sa bandang 59 hanggang 60 pesos, huwagit pa, yung piso?
32:33At kung magtutuloy-tuloy, ano pong magiging epekto nito sa ekonomiya?
32:40Yung pong mga ano, yung day-to-day na nagiging exchange rate na ito,
32:45at ito po talaga market forces, talagang laki din po ng kinalaman nito sa Middle East crisis,
32:53yung nga pong nakikita natin na uncertainty in the market.
32:57Kasi syempre, pag dumadami yung mga ibang bansa rin na bumibili ng langis,
33:04dumadami rin po yung demand sa langis kasi nga it's being traded in dollars.
33:10We have a few that is being traded in yuan, pero by and large it's still in dollars.
33:16Pero ngayon nga po na nag-east yung tension at bumaba yung presyuhan ng Dubai Crude Oil,
33:23on rin po, medyo nag-strengthen po, nakarecover ng konti yung peso natin.
33:28So, ang importante po na masabi natin is we have enough reserves of the dollar,
33:35at masusi po ang very vigilant po ang ating bankos central dito.
33:41Meron po silang binabantayan na ban na kapag halimbawa sobrang naging volatile yung market,
33:49kaya naman po na umaksyon ang bankos central dito.
33:54Ikabilang po nga sa short-term measures yung pag-ibigay ng cash aid at fuel subsidy.
33:58Hanggang kailan po ito kaya ng pamahalan at hanggang kailan ito dapat gawin?
34:02Depende rin po sa magiging kalakaran.
34:06At yun po nga po ang ilalatag namin dito sa yung binuun na uplift committee ni Presidente.
34:13So, we will have, para mabilis yung ating aksyon, we can actually agree on triggers.
34:19Para kapag halimbawa umabot sa ganitong presyuhan, so ito yung mga triggers.
34:24Ito yung mga ilalabas natin na measures.
34:27Tapos, again, meron din po tayong, siyempre, magiging trigger na kung kailan naman natin babawiin yun.
34:34So, lahat po ito ilalatag natin in the coming days.
34:39Okay, abangan po natin yan. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
34:43Wala pong ano man.
34:44Dep-Dev Undersecretary, Rosemary Idillon.
34:53Hinabol at pinalo ng ilang lalaki ang isang capibara sa Rio de Janeiro, Brazil.
34:58Sa kuha ng security camera, kitang ilang beses nilang hinampas ang hayop gamit ang stick at bakal.
35:05Naaresto ang walong sospek, kabilang ang dalawang minor de edad.
35:08Nagpapagaling na ang capibara sa isang wildlife care center.
35:11Nagtamo ito ng head trauma, pamamagas sa paligid ng kaliwang mata, internal bleeding at mga injury sa likod.
35:18Libre lang gumala si Rio de Janeiro ang mga capibara na pinakamalaking rodent sa buong mundo at kilala sa pagiging
35:23chill o kalmado.
35:30Papayagan na raw ng Iran ang pagdaan ng ilang non-hostile vessels sa Strait of Hormuz.
35:35Ito raw yung mga sasakyang hindi dapat sangkot o sumusuporta sa anumang acts of aggression laban sa Iran.
35:42Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Iran, dapat makipag-ugnayan muna ang mga barko sa Iranian authorities bago sila
35:49dumaan sa Strait of Hormuz.
35:51Naiparating na raw ang impormasyon ito sa United Nations Security Council at sa International Maritime Organization.
35:58Kasunod ng pag-atake ng Amerika at Israel, isinara noon ng Iran ang Strait of Hormuz kung saan dumaraan ang
36:0620% ng oil at liquefied natural gas supply sa buong mundo.
36:11Samantala, hulikam sa tire, Lebanon, ang pagbagsak ng airstrike mula sa Israel.
36:17Bahagi po yan ng hakbang ng Israel para okupahin ang timog na bahagi ng Lebanon hanggang Litani River para makabuo
36:24ng tinawag nilang defensive buffer.
36:28Ayon sa grupong Hezbollah, lalaban sila para pigilan ang hakbang na yan ng Israel.
36:36Samantala, update po tayo sa pamimigay ng 5,000 cash aid sa mga jeepney drivers at mga kaugnay na isyo
36:41na yan.
36:42Kauusapin po natin si Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez.
36:46Magandang umaga po at welcome sa Balitang Hali, sir.
36:49Hi, good morning po, Ma'am Connie and Sir Rafi. Salad po ng nanonood ng iyong program.
36:53Opo, again, may mga driver muli, mga jeepney driver naman this time.
36:58Ang nagre-reklamo po na wala na rin sila sa listahan po ng ayuda ng DSWD.
37:03Baka po maulit yan, ganyang problema, pati sa fuel subsidy mula po sa DOTR.
37:09Paari po ba niyong makwento sa amin? Ano po ba ang ginagawa niyong hakbang para hindi na ito maulit?
37:15Inaayos po natin ngayon. Tama po. Naka-tanggap po tayo ng maulat na may mga ibang drivers po na hindi
37:22po nasama dito ngayon sa ating payout ng AX po,
37:26yung naman libo ng DSWD.
37:28Ang sinasabi po ni Secretary Rex Gajalian, huwag po sila mangamba.
37:32At yan po i-aayusi naman po namin sa pagkipag-coordinate din sa mga operators, mga drivers.
37:37May mga iba't ibang rason din po na sinasabi natin na baka hindi sila naisama sa listahan sapagkat baka may
37:44double entry.
37:45Kulang yung mga information na binigay.
37:48Ganun pa man, ang sabi po ni Secretary Rex Gajalian, hindi lang naman po ito yung huli at unang araw
37:54ng pagbibigay ng mga ayuda,
37:56we will coordinate with them also as to the complete list once we validated it
38:01at para magkaroon tayo ng special day ng payout din para sa mga hindi naisama sa araw na po nito.
38:06At kailan po matatanggap at paano ba yung sistema po ng payout sa fuel subsidy mula po sa DOTR?
38:13Saan po pupunta yung mga operator at super na rin?
38:16Nagsimula na po tayo ng ating fuel subsidy program po.
38:20Ang ginawa po natin ngayon, ang method of distribution po ay sinasabi natin meron na po tayo yung fuel subsidy
38:27card.
38:28Existing po yan para si mga operator.
38:30Kung wala silang fuel subsidy card, nakipag-ugnayan na po tayo sa mga e-wallets natin.
38:36Ang GCash at Paymaya.
38:38Kaya inikayat natin ang ating mga driver kasi ito po yung unang pagkakataon na isasama natin sila sa payout.
38:45Kasi for the past years po ang naisasama lang yung operator.
38:48So magbigay sila ng kanilang information, bank account sa ating operator o sa LTFRB.
38:56Upang sa ganun, hindi na po nila kailangan pumila pa at hindi maantala ang kanilang biyahe.
39:01Meron din tayong sinasabi nga bank transfer o yung mga manager's check para pinamadali lang namin,
39:07pinapabilis namin ang ating pag-i-implement ng subsidiya at mayroong mga iba't ibang option.
39:13Now in the event po na wala po silang mga GCash o wala silang mga Paymaya e-wallets,
39:18wala din silang mga bank accounts, magsasagawa din po tayo ng actual payout,
39:24yung mismong cash ang ibibigay natin.
39:27At ngayon po sinasalang natin mabuti yung listahan,
39:31pero ang utos po talaga ng Pangulo ay dapat walang maiwan po.
39:34At lahat mabibigyan.
39:36Ito po, kanina po, naka-experience na mga pasahero po na hindi nakasakay,
39:42particular na po dyan sa Commonwealth Avenue,
39:45dahil nasa Ayuda Payout daw yung mga jeepney driver.
39:47Hindi po ba nakita ng inyong kagawaran, sir,
39:50na posibleng wala hong makapasada kung pipila nga naman sa Ayuda yung mga driver?
39:55Bukod pa syempre doon sa efekto nitong mataas na gasolina
39:59na talagang na-force po sa kanina talaga na magkaroon na ho ng ibang mga trabaho?
40:05Tama po, ang una nga pong pinag-usapan dati is that we will do the payout by scheduling po.
40:11Kasi alam namin kapag sinimulan natin, and that's in coordination with the SWD.
40:15Kasi nga kapag ganito mangyari, malamang po nasa pila sila ng payout at walang maamasada.
40:20So when I received the report this morning po around mga 7.30 o 7 o'clock,
40:25na may mga talagang pasahero na nagaantay pa dito sa may kaabaan ng Commonwealth at saka Circles,
40:30we deployed po ng mga sinasabi nating libreng Sakai government assets,
40:36mga buses po natin from Coast Guard and Everett,
40:38para po kahit papaano may masakyan po sila.
40:41So ang nangyari po ngayon, may master list po usually kung sino po yung makakapunta at dapat makakatanggap.
40:49So ang nangyari lang po ngayon, kahit na wala sa master list, pumunta sila para sa payout.
40:55So yung mga inaayos po natin ngayon.
40:57I see. Okay.
40:57At sa panayan po namin sa Mega Manila Consortium,
41:01sa mga bus po dito sa Balitang Hali,
41:03ay hiling nila yung moratorium sa monthly amortization po sa mga modern jeep.
41:08Ano po ang gagawin ng inyong kagawaran dyan?
41:11Actually po, inatasan na rin po ang LTFRB na may ipabugnayan tayo sa dalawang banko na I think na yun
41:17po yung tinutukuyan nila.
41:18Yung land bank at saka DBP na kahit papaano na dito sa panahon ng kaguluhan ito,
41:24sa pagtaas ng presyo na lang,
41:26ay bigbigyan sila ng moratorium nga po.
41:28So so far po, sumulat na rin po ang DBP sa atin.
41:32And I think okay naman ang reception nila.
41:35So ngayon po, may ipag-ugnayan pa kami sa land bank
41:38na baka they can give the same concession po at understanding
41:42also para sa ating mga naghikayat ng modern jeep ni po natin.
41:48I see. At yung grupo naman pong laban TNVS,
41:51sinabi ho rin nila dito sa aming programa na tingnan daw sana na mga otoridad
41:56yung ipinapataw na komisyon ng TNCs,
41:59yung mga kumpanya po na nagpapatakbo sa TNVS.
42:02Ano po ang plano nyo dyan?
42:03It's more of coordination po sa TNC po natin.
42:08That is something as a private po between the two.
42:11Yung commission po private between the TNVS and the TNC.
42:16Pribadong pag-uusapan.
42:17Ganun pa man.
42:18Kung kailang, ang LTFRB naman po ay handang mag-intervene
42:23para kahit pa paano makausap natin itong mga TNCs
42:26na sa mga panong ito,
42:27baka naman bawasan nila yung kanilang mga komisyon.
42:30At alam ko po, merong mga ibang TNC na without us intervening,
42:34ay ginawa na rin po nila yan.
42:36Kung meron pa kami kailangang kausapin at to encourage them
42:40to be more lenient on their commissions po,
42:44ay gagawin naman po namin yan.
42:45Secretary Lopez, maraming salamat po sa inyong oras.
42:49Thank you po, Ma'am Connie. Salamat po.
42:50Yan po naman si Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez.
42:56Update tayo sa pamamahagi ng 5,000 pisong ayuda
42:59para sa mga cheaper ng jeep.
43:01Live mula sa Quezon City, may ulat on the spot si Joseph Moro.
43:05Joseph!
43:09Raffi, sa tanghaling, tapat ay dagsapa rin yung mga jeepney drivers
43:14na nandito sa Quezon City Memorial Circle
43:17na para makakuha sana ng 5,000 ayuda mula sa DSWD.
43:22Pero marami, tulad ng mga nasa likod ko ngayon,
43:25ay wala sa listahan.
43:27Kanikanina, Raffi, bago tayo umere,
43:29ay may isang driver ang biglang inatake at nangisay
43:36tapos ilang segundo pa bago siya na-respondehan
43:41ng mga naka-duty dito na TTMD.
43:44Nagkaroon pa ng konting panahon bago dumating
43:47ang isang ambulansya para makuha ang nasabing driver.
43:53Marami rito, Raffi, sa Quezon City
43:56ay kaninang umaga pa nakapila
43:59at ngayon nga ay tanghali na,
44:01mainit na yung sigat ng araw
44:03at nagtataka sila kung bakit wala ang kanilang mga pangalan
44:07sa listahan.
44:08Marami sa mga driver ay nandito kaninang umaga pa.
44:11Dumating naman dito kanina
44:13itong si DSWD Secretary Rex Gatchalian
44:16para makita yung sitwasyon ng mga driver
44:19pero bago yan yung nangyaring insidente kanina.
44:23At ayon kay Secretary Gatchalian,
44:26ngayon na nakarating na sa kanya yung problema
44:28sa Quezon City na marami sa mga jeepney drivers
44:31ay wala sa listahan.
44:33Nakakausapin na niya yung LTFRB
44:35at yung mga LGU
44:37para sila na ang magpipino
44:39ng mga pangalan
44:41ng mga drivers.
44:44Nakakausapin yung mga Jeepney Operators Drivers Association
44:47para once and for all
44:49ay ayusin na yung listahan.
44:51Narito ang pahayag ni Secretary Gatchalian.
44:57Hayaan muna natin na matapos itong buong araw ng payout
45:00we'll run the numbers
45:01kasi apparently, sabi ng mga ibang drivers
45:05may mga sinamit sila direct sa LTFRB
45:07na hindi dumaan sa LGU.
45:09Marami.
45:10So LTFRB naman ang meron noon.
45:13So bottom line, what we'll do is
45:15actually at 11, I'm meeting LTFRB again
45:17we'll form a special team bawat LGU
45:20para i-reconcile per LGU per Jodah.
45:30Mga kapuso, nanawagan nga po ang gobyerno
45:32na magtipid-tipid sa langis
45:34at kuryente sa gitna po ng gyera sa Middle East.
45:37Paano nga ba makakatipid
45:38kung kasabay pa niyan ang tag-init?
45:41Kaya ang tanong natin sa netizens
45:42ang sabi mo sa mungkay ng isang mambabatas
45:45na bawasan ng mall hours
45:46bilang bahagi ng pagtitipid
45:48ng enerhiya?
45:49Ayon kay Aldrian de la Vega
45:53marami ang mawawala ng trabaho
45:55kung iiklian ang oras ng mga mall.
45:58Sentimento rin para sa mga empleyado
46:00ang punto ni Gessa Serrano.
46:02Anya, kung babawasan ang oras ng mga mall
46:04hindi ba maaapektuhan
46:06ang sahod ng mga manggagawa?
46:08May suggestions naman si Peter Fraginal
46:11dapat daw palakasin ang paggamit
46:13ng renewable energy
46:14kesa sa mga produktong petrolyo.
46:16Makatutulong din daw ang transport-oriented,
46:19compact at walkable urban design
46:20para sa commuters.
46:22Pwede rin daw subukan
46:23na mga mall na magsara ng isang araw
46:25sa isang linggo
46:26para makatipid sa kuryente
46:28ayon kay Ray Mark Sarmiento.
46:30Mga kapuso,
46:31magkisali sa aming online talakayan
46:33sa iba't ibang issue.
46:34Kung may nais din kayong maibalita
46:36sa inyong lugar,
46:36mag-PM na
46:37sa Facebook page
46:39ng Balitang Halit.
46:49Sabi nga po sa kasabihan,
46:50necessity is the mother of invention.
46:53Relate sa ganyan
46:54ng tatlong magkakaibigan
46:55sa Tagkawayan, Quezon.
46:56Dahil sa walang prenong oil price hike,
46:58may invention sila
46:59para may rollback
47:00ang sakit sa bulsa.
47:02Diba Mars?
47:03Ay, yan ah.
47:06Kung malapit o dumadaan ka sa relis,
47:08malamang ay pamilyar ka sa mga trolley.
47:10Diba?
47:11Alam mo bang may small
47:12but terrible version yan?
47:14Yan po ang skateboard
47:15na pang-relis
47:16na mga taga-barangay
47:17mangyaw.
47:19Mangayaw.
47:20Nabuoyan ang tatlong magkakaibigan
47:21gamit ng mga scrap na kahoy
47:23at ilang mechanical parts.
47:25Sa padjak at tulak lang,
47:26malayo raw ang kahahantungan.
47:29Nakatipid na,
47:30nakakardyo exercise pa.
47:32Perfect daw ito
47:33para sa mga gustong magtipid.
47:36Wow na wow!
47:38Galing, eh?
47:39Kailangan lang may balance ka.
47:41Oo,
47:41kung bawal yan sa mga katulad kong medyo.
47:44Ito po ang balitang hali,
47:46bahagi kami ng mas malaking misyon.
47:48Ako po si Conley Season.
47:49Makikitima po.
47:49Asamang nyo rin po ako,
47:50Aubrey Karampe.
47:51Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
47:53Mula sa GMA Integrated News,
47:55ang news authority
47:55ng Filipino.
48:02My boy,
48:03I'm to is out to be back.
Comments