00:00Patuloy ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapanatili sapat ang supply ng langis at pagkain sa bansa.
00:07Ang detalye sa report ni R.R. Tubise.
00:12Sa gitna ng lumalalang krisis sa langis, dulot ng sigalot sa gitnang silangan,
00:17tiniyak ng pamahalaan na may mga hakbang na ginagawa para mapanatili ang supply ng langis at pagkain sa bansa.
00:23Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., ang gobyerno ay aktibong nagahanap ng alternative sources ng langis
00:29habang pinapahaba ang oil stockpile ng Pilipinas.
00:32Yung mga stockpile ng Pilipinas na nasa ibang bansa ay pinermiso na namin na iuwi na para magamit natin,
00:41para pahabain yung ating stockpile in business, sabihin natin 30 days, pakabain natin ng dalawa, tatlong buwan.
00:49And that's what we are working on.
00:50Patuloy din ang suporta ng gobyerno sa transport sector sa pamamagitan ng pagpapaliba ng fair hike
00:56at pagbibigay ng karagdagang subsidy upang hindi malugi ang mga chopper at mga operator.
01:01Tadagdagan naman natin ang tulong sa kanila para hindi naman sila malugi.
01:06Lalong-lalo na parating ang Holy Week. Maraming alam naman natin, napakaraming mabiyahe para hindi mabawasan ang biyahe.
01:14Iginiit din ang Pangulo na kinakailangan bilisan ang mga hakbang para makasabay ang bansa sa walang katiyakang galaw ng presyo
01:20ng langis.
01:21We are trying to find different methods para makapagbigay ng subsidy, para makapagbigay ng tulong.
01:30The problem is masyadong malikot ang presyo ng langis.
01:35Patuloy din ang pagbabantay ng gobyerno sa presyo ng mga bilihin lalo na sa pagkain.
01:39Ang binabantayan na lang natin ngayon ang presyoan. Dahil sa pagkain, mas marami tayong magagawa.
01:46Pwede natin, nagahanap kami ng paraan pa para ibaba ang presyo ng pagkain.
01:52Sa kabila ng mga hamon, tiniyak ng Pangulo na may sapat na supply ng langis at pagkain habang nagpapatuloy ang
01:57paghahanap ng mga solusyon upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino.
02:02Samantala, palalawakin din ang pamahalaan ang mga programang pangkalusugan.
02:06Sa lahat ng PhilHealth, kung maalala ninyo yung 60 billion na lipat sa budget, ay ibinilik namin ang 60 billion.
02:19So now the PhilHealth is an additional 60 billion. So magkapag-expand tayo ng mga programang.
02:25RR Tubise para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments