00:00Umaasa po ang ilang importer na mabibigyan sila ng insentibo sa buwis o di kaya subsidy ngayong bumulusok sa pinakamahinang
00:07level sa kasaysayan ang halaga ng piso contra dolya.
00:11Nagsanap po ang palitan sa 60 pesos and 10 centavos sa gitna ng mga pag-atake sa ilan sa pinakamalalaking
00:17oil facility sa gitna ng silangan.
00:20Saksi, si Jamie Santos.
00:26Pinalikas ang mga empleyado nang sumiklabang malaking sunog sa bahagi ng South Park's gas field sa Iran.
00:32Ayon sa Iran, Israel ang nasa likod ng airstrike na tumama-umano sa mga tangke ng gas at bahagi ng
00:38refinery.
00:39Ang South Park's gas field ay bahagi ng pinakamalaking natural gas deposit sa mundo kung saan kahati ng Iran ang
00:46Qatar.
00:48Ang Iran nagbantang gaganti laban sa mga responsable sa pag-atake sa kanilang imprastruktura.
00:55Nagbabala rin silang pupuntiriyahin ang ilang prominenteng oil and gas facility sa Saudi Arabia, UAE at Qatar.
01:07Kasunod nito, napaulat ang mga missile strikes sa direksyon ng oil facility sa Riyad.
01:12We have reserved the right to take military actions if deemed necessary.
01:19And if the time comes, the leadership of the kingdom will take the necessary decision.
01:27Gayun din sa Ras Lafan Industrial City sa Qatar, ang pangunahing gas facility roon.
01:33Kinundin na ng Foreign Ministry ng Qatar ang pag-atake.
01:36Dalawang opisyal ng Iranian embassy ang edineklara na nilang persona ng grata at pinapaalis na sa bansa.
01:43Hindi inaako ng Israel ang pag-atake sa South Park's.
01:47Pero sa isang post sa Truth Social, sinabi ni US President Donald Trump na inatake nga ng Israel ang South
01:53Park's gas field.
01:55Anya, wala raw alam ang Amerika o ang Qatar sa pag-atake.
01:58Giit ni Trump, wala nang pag-atake ang gagawin ng Israel sa South Park's field, maliba na lang kung aatakihin
02:06ng Iran ang Qatar.
02:07Kung magkaganon ayon kay Trump, pasasabugin ang Amerika ang buong South Park's gas field.
02:13Ayaw raw niya itong gawin pero hindi raw siya mag-aatubili kung aatakihin ang supply ng liquefied natural gas ng
02:20Qatar.
02:20Sa gitna ng mga pag-atake sa oil facilities sa Middle East, nagsara ang palitan kanina sa 60 pesos and
02:2710 centavos, pinakamahina sa kasaysayan.
02:31Unang beses na sumampa ito sa 60 peso level.
02:34May punto pa sa intraday trading na umabot ito sa 60 pesos and 40 centavos mula ng sumiklabang gulo noong
02:40February 28.
02:42Nasa 58 peso level hanggang 59 peso level ang palitan.
02:45Ayon sa profesor at ekonomistang si Emanuel Leico, unang mararamdaman ang epekto nito sa pagtaas ng presyo ng mga inaangkat
02:54na produkto.
02:56Kasi ang mga inaangkat natin, ang ginagamit natin ay tuyar.
03:02So ang ibig sabihin niya ay mas maraming peso ang kailangan para makabili tayo ng mga ini-import natin sa
03:09lakas.
03:09Anya, bagaman hindi ang gulo sa Middle East ang rason ng pagsadsad ng piso, ito ang rason sa pagtaas ng
03:16presyo ng petrolyo na binibili natin sa pamamagitan ng dolyar.
03:20Bagamat magkaiba, ito po ay magka-related ito. Ang demand natin sa dolyar ay lalong lumalaki kaya pumili na ang
03:31piso.
03:31Isa sa direktang apektado ng pagsadsad ng piso ang mga importer. Tumaas rin ang kanilang gastos dahil sa nagbahal na
03:38petrolyo.
03:38Apektado rin ang kanilang sales dahil kakaunti ang bumabalik sa malls at restaurants habang marami ang nananatili sa bahay.
03:46Sa ngayon, di pa sila nagtataas ng presyo dahil may dati pa silang stock.
03:50Ngayon kaya pa, pero two weeks from now, maraming mga negosyante kataas ang presyo yan dahil may mga bago na
03:57kami mga inventories at mga stocks na parating
04:00na sure po, andun po yung effects ng pagtaas ng logistics and transportation costs.
04:06Umaasa rin ang mga importer na makakatulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng tax incentives o subsidy, lalo't masaramdam nila ang
04:14epekto ng mahinang piso, bagamat nakikinabang naman dito ang mga exporter.
04:19Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong Enero, mas malaki ang iniimport ng Pilipinas kesa ine-export.
04:26Ayon kay Philippine Exporters Confederation Incorporated President Sergio Ortiz Luis, inaasahan na raw nila na aabot sa lagpas 60 pesos
04:34ang foreign exchange rate.
04:36Ang importante niya, hindi mabilisan ang pagbagsak ng piso at hindi ito lubhang makakaapekto sa inflation ngayon.
04:43What is important is that it doesn't come very fast, yung depreciation ng peso, and it doesn't create inflation.
04:55In this case, hindi siya mabilis, and I don't think it would create inflation.
05:02May kapangyarihan ang Banko Sentral ng Pilipinas na makontrol ang paggalaw ng halaga ng piso sa pamamagitan ng pagbili ng
05:10dolyar o pagbenta nito mula sa dollar reserves ng bansa para hindi masyado sumipa ang forex.
05:16Pero sa isang pahayag kahapon, sinabi ng BSP na batay sa flexible foreign exchange rate policy,
05:22ang iniiwasan lang nila ay ang malakihang paggalaw ng palitan ng piso na maaring makaapekto sa inflation.
05:29Hindi raw nito pulisiya na maipako ang piso sa iisang level.
05:32Kapag mataas ang halaga ng dolyar, mas malaki ang naiuwi ng mga pamilyang tumatanggap ng dollar remittance.
05:38Pero para sa ilan sa kanila, bale wala ang inilaki ng padala kung mabilis naman ang pagmahal ng bilihin.
05:45Walang kwenta. Mas maganda pa kung ibaba na lang para bababa din ang mga bilihin.
05:53Nakakaawa yung mahirap na, lalong naghihirap.
05:56Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
06:02Mga kapuso, maging una sa saksi.
06:05Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments