Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinangalanan na ng Philippine Air Force ang 6 nilang tauhang sinawimpalad sa pagbagsak ng helicopter sa Loreto Agusan del Sur.
00:08Saksi si Chino Gaston.
00:14Halos naabo ang Super Huey helicopter na ito ng Philippine Air Force
00:18dahil sa tindi ng pinsala ng pagbagsak nito kahapon sa kabundukan ng Loreto Agusan del Sur.
00:24Pilot error, kundisyon ng helicopter o masamang panahon ang mga posibilidad na iniimbestigahan ng investigation team ng Air Force.
00:33Anila bago magtanghali kahapon nang lumipad mula Davao City patungong Butuan ang helicopter.
00:40Kasabay nito ang dalawang Black Hawk at isang Bell helicopter para sana pag-aralan ang pinsalang dulot ng Bagyong Tino.
00:46They took off from Davao going to Butuan and ito po, kasama po nila ay tatlong other aircraft.
00:55While they were going to, on their way to Butuan, nag-loose po ng communication with the Super Huey
01:04which prompted po yung other aircraft na hanapin po sila.
01:09Walang nakaligtas sa anim na sakay ng helicopter, may ranggong kapitan ang pinakasenyor sa kanila.
01:15Sumasa ilalim pa rin sa forensics ang mga sunog na labi para matukoy kung sino mismo ang bawat isa bago iuwi sa kanika nilang bayan.
01:26Taong 2011 nang makuha ng 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force ang helicopter na nabiling refurbished mula Amerika.
01:35Isaan nila ito sa pinakagamit at reliable na air asset ng Air Force at kumplento sa maintenance.
01:41Hindi po natin sinabi na kunyari po meron po tayong mission, you really have to fly it kahit anong mangyari.
01:48We take the safety of our air crew very seriously and we allow the flights.
01:59Basta maayos lang po yung parameters which is the wind condition is okay and the aircraft is also fully mission capable.
02:07Pero habang gumugulong ang investigasyon, grounded muna ang ibang Huey helicopter ng Search and Rescue Group ng Air Force.
02:15Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
Comments

Recommended