Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinalikas na ang ilang residente sa Camarinas Sur bago pa man tumama ang Bagyong Opong.
00:05Abala rin sa paganda ang mga nasa iba pang bahagi ng Bicol at Visayas.
00:10At mula sa Legazpi Albay, saksila si JP Soriano.
00:16JP?
00:18Pia mga kapuso, mahina hanggang malalakas na pag-uulan ang naranasan dito sa Legazpi Albay
00:23at bagamat bukas pa talaga maramdaman ang efekto ng Bagyong Opong sa Bicol Region
00:28e nag-umpisa na pong ilikas ang ilan nating kababayan.
00:31Partikular po Pia, doon sa mga nakatira sa barangay Mabinit sa Legazpi rin
00:36na nasa loob ng 6km permanent danger zone ng Mayon Volcano
00:40na ilikas na po sa ginagawang preemptive evacuation bilang paghahanda nga sa Bagyong Opong.
00:46At ilang pamilya na may kasama pang mga sanggol ang dinala sa evacuation center dito sa Legazpi
00:51bit-bit nila ang kanilang mga gamit kabilang na ang mga tubig, gumot at ilang damit.
00:56Ayon sa ilang residente, bukod sa malakas na hangin na may banta rin daw ng lahar
01:01galing Mayon Volcano.
01:09Malakas na ulan ang sumalubong sa Nabuacamarinesu kaninang hapon.
01:13Kaya ang mga residente sa barangay San Luis agad-agad na inakyat sa mataas na bahagi ng bahay
01:19ang kanilang gamit gaya ni Eden.
01:22Nakabalot na rin sa supot ang ilan sa mga ito.
01:25Nangangamba kasi siyang biglang bumaha sa kanilang barangay tulad noong October 2024
01:30nang tumama ang Bagyong Christine.
01:33As in madbilis po, segundo lang po.
01:36In 30 minutes talagang lampas tao.
01:39Ngayon lahat na po sila, konti-kunting ulan lang po lahat na yan nakarnagre-ready na.
01:44Ang ilang residente nagkabitan ng kahoy sa kanilang bintana para raw hindi mabasag at pasukin ng tubig.
01:51Para sabi daw malakas na sabi mag-prepare.
01:57Kabilang ang bayan ang nabwa sa flood-prone area sa probinsya.
02:01Kaya di may iwasang mapatanong ng mga residente.
02:04Hindi raw ba dapat may solusyon na sa isyo ng baha?
02:07Lalot bilyon-bilyong piso ang mga inilaan sa mga proyektong pipigyudsa na rito.
02:12Bilang Pilipino, tayo lahat, tayo nagbubuwis.
02:15Kawawa naman yung mga Pilipino. Kawawa naman yung taga-nabwa para kaming kawa.
02:20Doon natitipon ang tubig.
02:23May bagong gawang evacuation center sa barangay San Luis na kayang tumanggap ng hanggang dalawampung pamilya.
02:29Open po ade yung evacuation center.
02:33Namin po, pwede po sa ading tumasko.
02:36Naghahanda na rin ang mga taga-naga city.
02:39Naglagay na ng mga kahoy at pangharang sa bintana ang ilang hotels at opisina.
02:44Habang pansamantala rin isinara ang ilang establishmento.
02:48Nagpatupad na ng preemptive evacuation sa buong Kamarinesur.
02:5224 oras din ang operasyon ng Emergency Response Office ng probinsya.
02:56Inihanda na rin ng mga taga-Philippine Army ang mga backup na linya ng komunikasyon para sa kanilang operasyon.
03:02Nagsimula na rin maghanda sa Virac Catanduanes.
03:06Ang ilang establishmento isinara na at hinarangan na rin ng mga kahoy para hindi madamay sa posibleng epekto ng bagyo.
03:14Iniangat naman ng mga mangingisda sa Sorsogon ang kanilang mga bangka para hindi maabutan ng malakas na alon.
03:21Todo bantay ang Sorsogon PDR-RMO na inihanda na rin ang kanilang rescue equipment.
03:29Bukod sa mga pagulan, malakas na hangin at alon naman ang naranasan kanina sa Giwan Eastern Samar.
03:36Nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng forced evacuation para sa mga coastal barangay, lalo na sa Victory Island.
03:43Ayon sa PDR-RMO, nakahanda na ang kanilang mga gamit pang rescue, gayon din ang evacuation center at food packs.
03:52Sa Catbalogan City, nakastandby na rin ang Deployable Response Group kung sakaling manghingi ng assistance ang mga LGU.
04:00Pansamantala rin itinatigil ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandaga.
04:04Nakaalerto na rin ang mga otoridad sa Ormok City, Leyte.
04:08Handa na raw ang kanilang rescue team at evacuation center.
04:11Nakataas naman sa Blue Alert ang Cebu PDR-RMO sa posibleng epekto ng bagyong opong.
04:17Ang ilang opisyal ng PDR-RMO nag-inspeksyon sa ilang bus terminal.
04:23Suspendido naman ang biyahe ng mga barko kaya stranded ang ilang pasahero.
04:27Apektado sa kanselasyon ang mga galing at patungo sa mga lugar na mayroong storm signal.
04:33Abiso ng Cebu Ports Authority sa mga stranded na pasahero.
04:36Huwag manatili sa pier dahil po sila itong maapektuhan ng hangin at aloy.
04:42At Pia, mga kapuso, balik po tayo dito sa probinsya ng Albay.
04:48Ayon sa Albay Information Office,
04:50aabot sa 24,000 na individual ang mga naidikas na sa iba't ibang evacuation center
04:56bilang paghahanda nga po sa bagyong opong.
04:58Suspendido rin po ang klase sa private at public school
05:02at ipinagbabawal po ang paglalayag sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat dahil sa bagyong ito.
05:08At live mula sa Legasp City Albay, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
05:14Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended