Skip to playerSkip to main content
Inilahad ng isa sa tatlong Pilipinong nabistong nageespiya umano para sa China kung paano siya ni-recruit para magbigay ng impormasyon kaugnay sa rotation and resupply mission (RORE) ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.


Sa kauna-unahan niyang pagpapainterview sa telebisyon, isiniwalat niya kung paano siya nakakuha ng impormasyon mula sa isang opisyal ng Philippine Coast Guard.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilakad ng isa sa tatlong Pilipinong na bistong nage-espia o mano para sa China
00:05kung paano siya nirecruit para magbigay ng informasyon
00:08kaugnay sa Rotation and Resupply Mission o yung RORE
00:12ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
00:14Sa kauna-una kanyang pagpapa-interview sa telebisyon,
00:18isiniwala siya kung paano siya nakakuha ng informasyon
00:20mula sa isang opisyal ng Philippine Coast Guard.
00:23Nakatutok si Chino Gaston.
00:28Sa isang secure military facility na kilala ko, si alias Danny,
00:33isang sibilyan na may negosyo sa Palawan.
00:35Hindi sinabi kung ano ang tunay niyang pangalan at nakatakip rin ang kanyang muka.
00:40Pero isa siya sa tatlong na bistong Pilipino na nage-espia daw para sa China.
00:46Hawak siya ngayon ng Armed Forces of the Philippines.
00:48Kwento ni Danny na contact siya ng kanyang foreign handler
00:51sa isang messaging app noong 2024 na nagpakilalang grupo
00:55ng mga journalist na nakabase sa US.
00:58Nagsimula ko sir dahil na contact nila ako by internet.
01:04Kasi nagpost ako sir doon sa ag-a-apply ko sa job part-time.
01:10Then nakuha nila ako doon sir, nag-contact sila sa akin.
01:14Bale, nauna sila mag-contact by WhatsApp.
01:19Doon kami nagsimula mag-usap.
01:23May pinakagawa silang mga ganito na simula nagtatanong-tanong
01:29kung ano yung mga kagamitan ng Philippine Coast Guard, ng Navy,
01:36which is ano naman sa internet available.
01:40So madali lang po yung mga napapagawa nila.
01:43Hindi naman mahirap para sa akin.
01:45And kumikita rin ako.
01:47Lalong nagka-interest raw ang kanyang foreign handler
01:50nang magpanggap siyang miyembro ng Philippine Coast Guard.
01:53Taong 2024, binigyan siya ng cellphone
01:55kung saan idinadaan ang lahat na komunikasyon.
01:58Yes sir, yung cellphone lang sir.
02:01Cellphone na mayroong laman na games.
02:05Special games na kailangan ng code
02:07para mapasok ko yung mismong communication na andan sa game.
02:13Tapos yung communication na pwede ka tumawag, pwede ka mag-text?
02:16Yes sir, pwede tumawag, pwede mag-text, pwede mag-send ang files.
02:22Tapos ikaw lang nakabukas?
02:24Ako lang siya nakabukas.
02:25Ano yung by fingerprint?
02:27By code.
02:28By code siya.
02:28Nang lumalim na ang impormasyong hinihingi,
02:32pumalit daw bilang handler si Peter
02:33na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Rotation and Resupply Mission
02:37o RORI ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
02:41Lumaki rin daw ang bayad.
02:42Ayaw niya sabihin kung magkano,
02:44pero abot daw ito sa daang libong piso.
02:46Anong sinasabi naman itong mga unders mo pag nagbibigay?
02:51Bala sir, interesado lang sila sir sa RORI ng vision,
02:56sa visit ng ibang bansa sa Palawan.
03:00Yung mga, sir, lalo na yung ASEAN,
03:03yan yan sir yung mga interesado siya.
03:06So siyempre sir, hindi ko naman ano yun,
03:09hindi ko alam talaga yun.
03:12Dahil nga sa malaki nga yung bibigay na pera,
03:17nagsimula na ako, sir, magkalkal ng mas malalim na impormasyon.
03:22Dahil dito, lumapit si Danis sa isang kaibigan na opisyal
03:25ng Philippine Coast Guard at palihim na kinuha na ng impormasyon
03:29sa pamamagitan ng pag-access sa messaging app at email.
03:32Dahil sa tiwala niya sa akin, sir,
03:35nakuha ko yung account niya.
03:37Bali, ang Android, sir, may dual messenger kasi.
03:41So, pwede ka maglagi ng dalawang account.
03:45Nakuha ko yung account niya,
03:47bali, hawak ko yung cellphone niya para lumabas yung authentication,
03:52hindi niya makita.
03:52So, dinidelete ko yun, sir, para di niya makita.
03:55So, hawak ko yung cellphone niya?
03:56Yes, sir.
03:57Hindi niya napansin?
03:58Hindi niya, sir, napansin.
04:00Nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Danny at Peter
04:03ng banggain ng China Coast Guard at BRP Cape Engano sa Sabina Shoal.
04:08Ilang araw lang, matapos magbigay siya ng schedule at detalya ng raw remisyon.
04:12Sising-sisirao si Danny sa nangyari,
04:14kaya nasingin niya ang kanyang foreign handler.
04:16Para sa akin, hindi yung coincidence, sir.
04:21Kasi, nabigay ko yung details ng raw remisyon.
04:26Doon binangga nila yung ano.
04:30Tapos, malaking halaga pa yung ibinigay niya sa akin.
04:33Siyempre, sir, kung iisipin mo, sir, asaglit yun sa kanya.
04:37Kasi, hindi siya, sir, nagbibigay ng ganong halaga sa akin.
04:40Dahil nagalit ako, nagbigay siya.
04:43Tapos, pumunta pa siya dito, sir.
04:45Para pakalmahin si Danny, nakipagkita sa kanya si Peter noong December 2024
04:50ang inakala niyang Amerikano mukha raw Asian.
04:54Nagpakilala raw itong Korean National na nakabase sa US.
04:58Yes, sir.
04:59Kasi, nung bago kami, sir, mag-meet ni Peter,
05:03sinabi niya sa akin na it's okay na makipag-meet daw ako
05:07kasi hindi lang daw ako yung mga hirang sa goberno na may meet niya.
05:13Na parang ganon din, no?
05:15No, yes, sir. Para mag-usap.
05:18O so, may iba siyang pamiting?
05:20Yes, sir.
05:21December no, 2025?
05:23Yes, sir.
05:23Tama ba, December 2024?
05:242024, sir.
05:25June 2025, nahuli si Danny ng mga otoridad
05:28sa pamamagitan ng Insider Threat Program ng gobyerno
05:31para tuntunin ang mga security leaks.
05:34Ayon sa AFP, patuloy ang kanilang counter-intelligence operation
05:38para malaman kung sino-sino pang mga Pilipino
05:41ang maaring bahagi ng spy network.
05:43It doesn't mean pag may nailabas kami,
05:46yun lang ang alam namin.
05:47There are active cages ongoing as we speak right now
05:50that are designed again to unearth yung lawak ng network nila dito.
05:57Naglabas ng hotline ng AFP para sa mga tao kagaya ni Danny
06:01na maaring napasama o di kaya naiipit sa ganitong espionage operations.
06:06Para sa GMA Integrated News,
06:08sino gasto na katutok 24 oran?
Comments

Recommended