00:00Kalaboso sa Las Piñas ang babaeng nagpapanggap umanong sekretarya ng isang abogado.
00:05Siya na rin umanong mismo ang pumipirma sa mga dokumento at nag-no-notaryo kahit hindi otorizado.
00:11Nakatutok si John Consulta.
00:17Nang matapos na ang transaksyon sa kanilang target, nagpakilala na ang NBI undercover agent.
00:24Dito na kinumpronto ng NBI Organized International Crime Division ang target ng kanilang operasyon.
00:57Ito pong subject natin ay nagpapanggap na sekretarya nitong abogado.
01:02Now, ang kanyang ginagawa po kapag may mga dokumentong ipinapakita sa kanya for notarization, siya na po ang pumipirma.
01:09Making it appear that the document was actually signed officially by the lawyer who filed the complaint.
01:16Pagkatapos, babayaran po siya for the services.
01:18Sumbong ng complainant na abogado, patong-patong na perwisyong kanyang inabot, matapos pikein ang kanyang pirma sa counterfeit ng notaryo.
01:26Masakit bilang abogado at ako po ay isang officer ng Integrated Bar of the Philippines sa Manila.
01:32Kasaloko yan, suspended yung notary ko dahil sa dami ng mga fake notaries na gumagamit po ng aking pangalan.
01:40Parang sampal sa aming muka na mayroong mga individual na gumagamit ng supposed ring trabaho na para sa amin lamang.
01:48Kinumpis ka ang mga gamit ng suspect tulad ng cellphone, dry seal at mga pangkatak na ginagamit sa peking notaryo.
01:55Diit ng suspect, akala raw niya legit ang kanilang non-appearance notary public na pinopromote pa niya sa social media.
02:02Attorney Rodriguez po, umingi po ko ng sawad sa nagawa ko.
02:08Hindi ko po alam na may natapakan na ang tao, may abogado na napahabak na dahil sa akin.
02:14Patong-patong na reklamo ang kakaharapin ng suspect dahil sa pamimike ng notaryo.
02:19Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 oras.
02:26Nagbabala si US President Donald Trump na pasasabugi ang pinakamalaking natural gas deposit sa buong mundo na pinaghahatihan ng Iran
02:38at Qatar.
02:40Yan anya ay kung ulitin ang Iran ang pag-atake nito sa bahagi ng gas field na nasa Qatar.
02:47Nakatutok si JP Suriano.
02:53Sa ikatlong linggo ng gera sa Middle East, nagbanta si US President Donald Trump na sisirain nito ang South Park's
03:01gas field ng Iran kung aatakihin pa ang pangunahing gas plant ng Qatar.
03:05Gayunman, may unang pag-atake na binanggit si Trump sa kanyang truth social.
03:11Dahil anya sa galit sa mga nangyari sa Middle East, ay inatake ng Israel ang bahagi ng South Park's gas
03:17field na nasa Iran.
03:19Maliit na bahagi lang nito ang tinamaan.
03:21Pero mahalaga ang gas field dahil ito ang pinakamalaking natural gas deposit sa buong mundo na pinaghahatihan ng Iran at
03:29Qatar.
03:30Gay-P Trump walang alam ang Amerika sa pag-atake at wala rin umanong kinalaman dito ang Qatar.
03:36Pero hindi anya niyan alam ng Iran na umatake sa bahagi ng pasilidad na pag-aari ng Qatar.
03:41Dagdag pa ng US President, wala nang gagawing pag-atake ang Israel sa South Park's field malibad kung umatake muli
03:49ang Iran sa Qatar.
03:50Kapag umabot sa ganyan, pasasabuginaan niya ng Amerika ang buong South Park's gas field.
03:56Sa kabila ng banta, sumumpa ang Iranian military spokesperson na gaganti sila sa mga responsable sa pag-atake sa kanilang
04:04energy infrastructure.
04:06Tinarget din ng Iran ang Riyadh, Saudi Arabia.
04:09Pero sinalag ng air defense systems ng Saudi ang apat na ballistic missiles ng Iran.
04:14This pressure will backfire. Will backfire politically. Will backfire, I believe, morally.
04:24And certainly, as we have stated quite clearly, we have reserved the right to take military actions if deemed necessary.
04:35Sa ngayon, mas pinipili pa rin daw ng Saudi Arabia ang diplomasya. Pero...
04:40If Iran doesn't stop immediately, I think there will be almost nothing that can re-establish that trust.
04:48Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soryag. Nakatuto, 24 oras.
04:56From ice cream scooper to leading man, proud na ibinahagi ni Michael Sager ang humble beginnings ng kanyang pamilya nang
05:04mag-migrate sa Canada.
05:06Inspirasyon niya ang kagustong magbigyan o mabigyan ng pamilya ng magandang buhay doon.
05:11Ang part 2 ng GMA Integrated News interviews sa lead stars ng Born to Shine, it's a chika ni Nelson
05:17Canlas.
05:22Rich kid, pagdating sa maraming rules, pero sa totoong buhay, wala raw ganun.
05:28Ipinagmalaki ni Kapuso star Michael Sager ang kanyang humble beginnings sa Canada nang mag-guest siya muli sa GMA Integrated
05:36News interviews.
05:37Hindi komportable ang buhay pag lumilipat a broda. I mean, as much as you say na nasa ibang bansa kami,
05:43just like them and like me, we started from scratch.
05:46Talagang walang-wala. So kailangan mga ganap ng trabaho, gumawa ka ng community, family and stuff like that.
05:52My parents are the reason, they're my role models kung bakit ako ganito ka-determined, kung bakit I'm so hungry
05:58for goals.
05:59At the age of 4, si Papa, he works 2 jobs, so does my mom.
06:04Until when I was a teenager, they were finding so many side hustles, as they say, na para lang masustain
06:10yung buhay, para maging komportable kami.
06:12Mula raw noon, naging malaki na ang kanyang pangarap na iangat ang buhay, pati na ng kanyang pamilya.
06:19At the age of 12, I auditioned to be an extra, because I wanted to have my own, parang allowance
06:25na for myself, so I don't have to rely on my parents.
06:27I got my first job at 16, and I told myself, Oma, pag-school ko na ako na bahala sa
06:32pamasahe ko.
06:35Anong trabaho to?
06:35As an ice cream scooper. Because of that, I really worked during school and then during the summer, nakapag-ipon
06:41po ako nun to buy my first car at the age of 17.
06:46And then after that, I worked in the retail store, selling shoes.
06:50Hindi man daw ordinaryo ito para sa isang nasa early 20s ng edad, pero tanggap daw niya ang naging paghahanda
06:58para sa kanya ng Panginoon.
07:00Sabi ko, siguro binigay na sa akin ito ng Lord, itong mahirap na challenge ito, para mas masimulan ko na
07:05agad.
07:06The time came na nabigyan ng opportunities, nabigyan ng projects.
07:10Sabi ko, hindi ko na ito sasayangin. I mean, they might say it's luck, but I really believe it's all
07:16hard work.
07:17Ngayon, paakyat na ang kanyang showbiz career.
07:20Nakabili na rin siya ng bahay na ipinagmamalaki niyang na-experience na ng kanyang pamilya.
07:27Lahat daw dumating sa tamang panahon.
07:30When I got evicted from Pinoy Big Brother, sakto, that was the day that they landed in the Philippines.
07:35I had no idea. I had no idea when they were coming.
07:37A week later, I was able to move into my house, and I'm so thankful for that.
07:42And they were able to see it.
07:43And they were able to live in it.
07:45We were able to build it together.
07:47Kumbaga, yung loob kasi empty-empty yun.
07:49How was the first night dun sa bahay niyo?
07:51Nakatulog kami sa sahig.
07:53Wala talaga, asing walang-wala.
07:54But wala, puno na yung bahay for me kasi yun dahil lahat ng family ko.
07:58Ang ilan sa kanyang mga true-to-life sacrifices at challenges para marating ang kanyang pangarap.
08:05Maaring makita sa kanyang karakter bilang Nate Lim sa inaabangang Afternoon Prime series na Born to Shine.
08:12Baliktambalan dito si na Michael at Stephanie at makakasama nila ang ilang previous generation icons.
08:19Alay daw ni Michael ang series sa kanyang pamilya na sinamahan siya sa hirap at ginhawa in pursuit of his
08:27showbiz dreams.
08:28I'm thankful that you're always here for me.
08:30At I love you.
08:33I'm so, so thankful na despite everything, you guys chose to support me in such a wild dream of entering
08:41showbiz.
08:42Teary-eyed.
08:45Proud moment.
08:47Proud moment.
08:47Nelson Canlas updated sa Shubiz Afinings.
08:52Makakapuso sa Cavite na tonton, ang lalaking isang dekada ng pinagkahanap matapos niyang manaksak o mano ng kainuman sa Pasig
09:00City.
09:00Narito po ang eksklusibo kong pag-tubo.
09:06In-stalk ng mga polis ang TikTok account ng babaeng ito.
09:10Makaraang makatanggap sila ng tip na ang content creator o manong ito ang kinakasama ngayon ng lalaking wanted sa isang
09:18kaso ng saksakan sa Pasig na nangyari noong 2016.
09:22At tumpak nga ang hinala ng polisya.
09:26Biglang lumitaw ang muka ng lalaking hinahanap nila nang muling mag-live sa TikTok ang kalibin niya.
09:33Noon na ikinasan ang polisya ang operasyon.
09:36Ikaw ay inareso namin sa visa ng Warantopares na ay binaba ng Regional Tri-Court Branch 71 ng Pasig City
09:44sa kasong frustrated murder.
09:47Sa tinutuluyan nilang bakay sa Imus Cavite, nadakip ang 50-anyos na suspect na wanted sa kasong frustrated murder.
09:55Abang sila yung nagiinuman, hindi pagkakaunawan, biglang nilang inundayan ng saksak ang biktima.
10:03Pagkatapos noon ay nagtago na.
10:05Patuloy namin sinusubukang makuha ang panig ng suspect.
10:08Para sa German Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Oras.
10:15Extended hanggang bukas ang pamahagi ng ayuda para sa mga tricycle driver kahit holiday.
10:21Sa day 3 kanina, maraming pa rin wala sa listahan ang dapat mabigyan at may mga sumbong na sinisingil para
10:30maabutan ng tulong.
10:33Nakatutok si Ian Cruz.
10:38Nabigo noong Martes pero sumakses ngayong Webes ang mga tricycle driver ng Batasan Toda sa Quezon City na nakakuha ng
10:475,000 pisong ayuda kanina.
10:49Masaya po.
10:49Ah, nagpapasalamat ako at nagkaroon din.
10:52Napakalaking bagay kasi malaking tulong yan sa amin bilang ano eh, bilang driver eh, bilang nagmama niyo.
10:59Halos na, kasi napakalaking ngayon, napakataas ngayon ng ano ng gas eh.
11:03Pero di gaya nila, may mga muling pumila pero nabigo dahil wala pa rin sa listahan.
11:09Sa abalam, malaki eh. Dahil hindi ka makabiyahe. Pag magbiyahe ka na kunti lang, wala kang pera na madala sa
11:18pamilya mo.
11:19Sabi na mga chuper, hanggang bago magtanghali, inaasikaso pa ng namumuno sa Batasan Toda kung paano makaka-payout ang nasa
11:29isang daang chuper.
11:30Nasa 30 tricycle driver din sa katuparan Toda ang di nakatanggap ng ayuda.
11:35Wala na naman. At least, magtyaga-tyaga, baka magkaroon. Hindi na lang natin idaan to sa init.
11:43Sa Paranaque, may inihabol rin halos isang libong chuper sa listahan.
11:48Kasi pinipilit po namin na maipasok sila within the day. Para po by that day din po, maibalik po ng
11:55DSWD sa amin na clean na po yun
11:58and then i-schedule ko na po yun for the following day para po magbigyan na sila ng payout.
12:02Yung mga nakatanggap ng ayuda sa ikatlong araw ng rollout, ikinatuwa ang mabilis anilang sistema.
12:09Pang bibili po ng gasolina, tapos yung iba pambiling pagkain, ulam.
12:16Papadala ko sa ano, pambili ako. Pambili ako po. Pambili ng gamot niyo yung papa ko kasi stroke na siya
12:25eh.
12:26Pagtitiyak ng DSWD, kahit haliday bukas, tuloy ang pamamahagi ng tulong.
12:31Hindi nila kailangan mangamba kasi bukas may special, meron pa rin tayong continuous payout sa Quezon City.
12:38So masasama naman sila ulit doon.
12:41Ang ibang LGU, kailangan lamang doon mag-request ng special payout day.
12:46Paalala pa ng kagawaran, walang bayad sa pagkuhan ng ayuda.
12:50Kung kayo ay tricycle driver at merong nanamantala doon sa sitwasyon,
12:55hiningan kayo ng processing fee, huwag kayong mag-atumiling dumiretso dito sa DSWD.
13:00Kahit sa Facebook account namin, iimbestiga namin at parurusahan natin kung napatunayan natin na may naningil at nanamantala doon sa
13:08proseso.
13:08Ayon sa DSWD, sa susunod na linggo naman sisimulan ang pamahagi ng 5,000 pisong ayuda para sa motorcycle taxi
13:17riders,
13:18TNVS drivers, jeepney drivers at delivery service drivers.
13:23Sabi ng DSWD, hintayin daw ang schedule mula sa LTFRB.
13:28Pag-aaralan pa ng DSWD at DOTR kung daragdagan ang ayuda ng mga driver ng pampasaherong jeep.
13:36Kapag natapos na ang DSWD sa pamahagi ng ayuda sa mga chuper dito sa Metro Manila,
13:42dadako naman sila sa labas ng NCR.
13:45Sisimulan daw ito sa malalaking syudad at sa mga kalapit nitong bayan.
13:49Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, Bentec 4 Horas.
13:54Dati namang kontrolado ng gobyerno ang presyo ng langis
13:58at pinopondohan pa ang diferensya ng World Oil Price at presyo sa Pilipinas,
14:03ang Oil Deregulation Law na bumago niyan.
14:06Pinababasura ng ilan pero kakayanin ba yan?
14:09Ang iba't ibang argumento ng mga eksperto at mga mababatas,
14:13pakinggan sa pagtutok ni Jonathan Andal.
14:19Bago ang 1998, gobyerno ang may kontrol sa presyo ng langis sa Pilipinas.
14:24Ang malakihang paggalaw ng krudo noon sa world market
14:27hindi agad ipinapasa sa mga lokal na gasolinahan
14:30at pinupunan muna ng Oil Pride Stabilization Fund o OPSF na itinatag noong 1984.
14:37Pinupondohan niya ng iba-ibang buwi sa langis,
14:40sobrang kita at savings ng oil companies.
14:43At kung sobrang mura ng pag-import ng langis,
14:46hindi agad ibinababa ang presyo nito sa lokal na merkado
14:48para ipunin at ilagay rin sa OPSF.
14:52Gayunman, lugi ito dahil sobra-sobra ang iminamahal ng langis sa world market
14:57at pinupunan ng subsidy mula sa kaban ng bayan o bulsa ng mga Pilipino.
15:02Na bago yan ng maisabatas ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.
15:09Inalis sa gobyerno at binigay sa mga oil companies ang kontrol sa pagpipresyo.
15:14Dapat nakasunod yan sa world prices.
15:16Pero tingin ng ilan, kagustuhan kumita ng mas malaki
15:20ang nagdidikta ng kanilang presyo imbis na mismong gastos lang.
15:24Panawagan nila, ibasura ang oil deregulation law.
15:28Hindi siya pwedeng iwan sa merkado, lalong-lalo na hindi pwedeng iwan sa kamay ng mga negosyante
15:33na gagamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan para kumita.
15:37Ang transportasyon ng Pilipinas, 95.5% na nakadependes sa langis.
15:42Kabilang yan ang mga sinasakyan natin papuntang tarabaho
15:46at yung mga nagde-deliver ng mga produkto.
15:48At ang sources ng enerhiya ng Pilipinas, kabilang ang kuryente,
15:52mahigit kalahate ay nakadependes sa langis.
15:55Hindi siya regular na nakalakal. Yung langis ay napaka sa tehikong produkto.
16:01Pero tanong ng House Energy Committee, saan kukuha ng pondong pampuno
16:05sa diferensya ng langis sa world market para mura pa rin ang presyo sa Pilipinas?
16:09Yung ating budget ngayon na 6.9 trillion.
16:162 trillion nun o utangin pa natin.
16:19We are short of funding our national expenditure program.
16:22Para mura pa rin ang langis sa Pilipinas kahit mahal sa buong mundo,
16:27ipangungutang yan at babayaran natin.
16:29Kasi tayo babayad ang tax.
16:31Kung itataas yung tax para lang mabayaran yung mas mahal na langis.
16:36Which means na hindi mapagpatayo ng mga kalye, mga tulay, mga sekwela
16:45dahil napunta dun sa pagbayad ng utang.
16:48Gumaganaan niya ang oil deregulation dahil nagkukumpitensya ang mga kumpanya.
16:53Kaya nga may mga mas murang langis.
16:55Hindi naman daw laging may krisis sa Middle East para alisin ang oil deregulation.
17:00These things na mga extraordinary events like this,
17:03tatanggalin mo just for an extraordinary event like a war.
17:07Parang doesn't make sense.
17:09Ganyang extraordinary event ang bataya ng isinusulo ngayong bigyang kapangyarihan ng Pangulo
17:14na alisin ang excise tax.
17:16Pwede lang yan kung isang buwan ng $80 per barrel ang average na presyo ng langis.
17:21Pero sabi ni Senate President Tito Soto,
17:23If they do not agree with some of the points that we will be including in the excise tax law,
17:31then we will be forced to push for the repeal of the oil deregulation.
17:37Kung mapapakita nila at mai-influensya nila sa pamamagitan ng kanilang pagbalangkas ng batas ang ating Pangulo,
17:46lahat po ng ikagaganda ng masa, hindi naman po tututulan ng Pangulo.
17:50Pinare-repaso na rin ang Energy Secretary ang oil deregulation loop.
18:10Transparency rin lang naman ang gusto ng Ibon Foundation
18:12para makita talaga ang gastos ng oil companies
18:15mula sa pagbili ng krudo hanggang sa pagproseso nito papunta sa mga gas station.
18:19Ni-request na namin yan sa gobyerno, ni-request na rin ang action namin sa my oil companies tadi pa.
18:25Hindi nila ni-reveal ang pricing nila kasi proprietary.
18:29At under the oil deregulation law, tinanggal ng gobyerno ang kanyang otoridad na i-demand na isa publiko yun.
18:36Maling akalaan nila na isipin ang deregulation ay tungkol lang sa pagpako sa halaga ng langis sa world market.
18:42Pwede rin silipin kung sobra-sobra na pala ang kita ng mga kumpanya.
18:46Kumpara sa totoo nilang gastos, bagay na nawala nang ipasa ang oil deregulation law.
18:51Ang laki ng epekto sa presyo ng bilihin, sa handak buhay na napakaraming Pilipino.
18:56Para may transparency tayo lahat.
18:59Because I do believe, if people understand the pricing and they are confident about the pricing,
19:07then they will accept the price.
19:09Kung mahal man yan, eh mahal talaga siya.
19:11Kung mura, mura siya.
19:13But we need to revisit.
19:15Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
Comments