Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumadsad pa sa 10.6 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City ngayong araw.
00:05Ang bagong record low para sa Amihan Season na ito.
00:09Sa iba pang kalapit na lugar sa Benguet, may mga pananim na balot na ng andap.
00:13Nakatutok si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:21Frozen lettuce at frozen cabbage.
00:25Ganyan na ang pananim sa Kabayan Benguet dahil sa matinding lamig.
00:28Mas makapal ang yelo na bumalot na rin sa lupa.
00:31Pati ang sasakyan na ito na balot na ng frost.
00:34Pati mga pananim sa Barangay Paway sa Atok, tinamaan ng andap.
00:38Gumamit ang mga magsasaka ng water sprinkler para hindi masira at masayang ang mga pananim.
00:43Ngayong araw, 13 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa Latrinidad sa Benguet.
00:48Mas malamig sa kalapit na Baguio City na bumaba pa sa 10.6 degrees Celsius.
00:54Pinakamababa na yan sa lungsod mula ng magumpisa ang Amihan Season.
00:58Inaasahan pang lalamig dahil sa patuloy na pagbugso ng hanging amihan.
01:02Kaya nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Atok.
01:04Sa mga turistang aakyat at mamamasyal sa lugar,
01:07mainam na magpakonsulta muna sa doktor lalo na sa mga may iniindang sakit.
01:11Reminder lang po yung kapag po nasuutin pag ganitong malamig sa kayong pag-alam po nila na may health conditions po sila na mas magandang ikonsulta muna sa anilang mga physicians kung ano po mas kinakailangan lang gawin bago sila bumiyahin dito.
01:28Kahit sabihin naming malamig, pero pag nasi nila dito, iba pa rin yung resepsyon ng mga katawan nila sa weather ko namin dito.
01:36Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salvasio, nakatutok 24 oras.
01:43Naghain ng diplomatic protest ang China dahil sa mga pag-atake umano sa kanilang leader ni Commodore Jay Tariela ng Philippine Coast Guard.
01:52Ipinatawag din ang China ang Philippine Ambassador sa Beijing.
01:56Git naman ni Tariela, hindi panguudyok ang paglalahad kung sino ang bully at tunay na biktima.
02:04Nakatutok si JP Soriano.
02:09Sa speaking engagement na ito ni Philippine Coast Guard Spokesman for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tariela,
02:16makikita sa kanyang presentation ang mga karikature na ito ni Chinese President Xi Jinping.
02:21Ang naturang slide, may titulo na Why China Remains to be a Bully.
02:26Agad itong sinagot ng Chinese Embassy at sinabing sumusobra na raw si Tariela na naglulungsad umano ng malisyosong pag-atake sa leader ng China.
02:36Kasunod nito, naghain ng diplomatic protest ang China noong nakaraang linggo.
02:41Sinundan ito ngayon ng pagpapatawag ng gobyerno ng China sa Beijing kay Philippine Ambassador Jaime Flor Cruz at nagparating ng protesta.
02:50Pinadalhan namin ng mensahe si Ambassador Flor Cruz pero wala pa siyang tugon sa ngayon.
02:56Sa diplomatic community, may seryosong implikasyon ng ganitong pagpapatawag.
03:00Pero wala pang komento ang Department of Foreign Affairs o DFA na nakakasakop sa ating embahada sa Beijing.
03:07Giit naman ni Tariela sa GMA News Online, hindi provocasyon o panguudyo ang anyay transparency efforts para ilahat kung sino ang anyay bully at ang tunay na biktima.
03:18Hindi anya sila masisindak ng banta na patunay lang anya na efektibo ang transparency at mas takot ang China kapag alam ng mundo ang nangyayari kaysa sa international law.
03:31Sa social media na inaalmahan ni Tariela ang pagpapakalat ng China ng maling impormasyon at pag-iiba ng China sa mga nangyayari para palabasing Pilipinas pa ang may kasalanan.
03:43Pero ang pag-alma niya, hindi nagustuhan ng China kaya naghahain sila ng diplomatic protest kamakailan.
03:50May tila bantari ng China sa ilang individual sa Pilipinas na tumigil na sa umano'y panguudyo at panglilito saan nila'y tama at mali kung ayaw silang pagbayarin sa kanilang ginawa.
04:02Hindi lang sa Beijing kundi maging dito sa Pilipinas ay itinutulak ng Chinese Embassy ang naratibong may mga pag-atake at fake news na paninira umano sa kanila.
04:11Sabay-sabing hindi sila magiging pasensyoso o mananahimig.
04:16Umalma na dyan si Sen. Risa Anteveros.
04:19Sabay-sabing malinaw na ang pahayang ni Tariela at iba pang opisyal ng gobyerno ay paninindigan para sa national interest ng Pilipinas at para protektahan ng karapatan ng bansa.
04:30The Chinese Embassy is being a bad guest here dito sa Pilipinas.
04:35Dapat mas magpakita sila ng respeto sa kanilang host country sa atin.
04:39Ang pag-atake sa kanila ng Chinese Embassy ay paglabag sa Vienna Convention on Diplomatic Relations.
04:48Sumulat na si Anteveros sa DFA para hilingi na aksyonan ang mga ginagawang ito ng China.
04:54Masyado namang paviktim ang pag-uugali ng Chinese Embassy dito sa Manila.
04:59After all, sila po yung umaatake ng lasers at kung ano-ano pa sa ating mga uniform service sa silang nagtataboy sa ating mga mangingisda sa fishing grounds ng Pilipinas.
05:12Sagot sa kanya ng Chinese Embassy, ang embahada ay nagsisilbing tulay para sa pagsusulong ng pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
05:22Tumanggi ng magkomento ang DFA sa mga pahayag ni Tariela at Anteveros.
05:27Pero nauna nang sinabi ng DFA na buo ang suporta nila sa mga elected officials at government institutions na ginagawa ang kanilang tungkulin para depensahan ang karapatan ng Pilipinas.
05:38Ang tila mas matapang na pahayag ng Chinese Embassy ay nangyari nang pumasok na ang bagong ambasador ng China sa Pilipinas na pareho lang ang naratibong itinutulak sa isang pagtitipo nitong martes.
05:51If fake news are spread, if China is defamed or if hatred is incited, we will not remain patient and silent. We will push back firmly without any hesitation.
06:07Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
06:14Sa iba yung dagat, gusto umano ni na Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Vladimir Zelensky na magkaroon ng kasunduan para itigil na ang gera sa Ukraina.
06:27Ayon yan kay U.S. President Donald Trump na nakipagpulong kay Zelensky sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
06:37Nauna nagsinabi ni Zelensky na babiyahe lang siya papuntang Davos kung pipirma sila ni Trump ng mga kasunduan kaugnay sa U.S. security at post-war reconstruction.
06:49Sa Moscow, Russia, nakipagpulong si Putin sa U.S. envoys na sina Steve Wyckoff at Jared Kushner na saninlo ni Trump,
06:59kaugnay sa pagtatapos ng gera sa Ukraine.
07:02Nakatakdaling magkaroon ng trilateral meeting ang Amerika, Russia at Ukraine sa United Arab Emirates.
07:10May dagdag na 800 piso sa buwanang sahod ang mga kasambahay sa Metro Manila.
07:18Pero kapos pa rin para sa ilang kasambahay ang P7,800 na buwanang minimum wage.
07:25Nakatutok si Vona Quino.
07:27Mula P7,000 na buwanang minimum wage ng mga kasambahay sa NCR,
07:36simula February 7, 2026, magiging P7,800 na ito.
07:41Ito'y matapos aprobahan ng NCR Wage Board ang P800 na umento.
07:46Ayon sa Dole NCR, ikinonsideran nila sa desisyon ng inflation rate at iba pang gastusin ng mga kasambahay.
07:53Wala namang petition for wage increase but we opted to review the minimum wage ng ating mga kasambahay.
08:04Nung in-analyze namin ang data,
08:07ang nagiging sa P7,000 na yun yung current minimum.
08:11Nakikita po namin na less than P300 lamang yung take-home pay ng ating mga kasambahay dito sa NCR.
08:19Pero kung ang kasambahay na itago natin sa pangalang Marie ang tatanungin,
08:23kulang pa ang P800 na umento.
08:26Siya nga raw na P10,000 kada buwan ng sweldo.
08:29Hirap na pagkasahin dahil tatlong anak ang kanyang pinag-aaral.
08:33Hindi rin daw binabayaran ng kanyang amo ang kanyang mga social benefits tulad ng SSS at PhilHealth.
08:38Ang kasambahay naman na si Mary mapili,
08:51P8,000 ang buwan ng sahod na sapat naman daw dahil siya ay single pa.
08:56Ang kanyang employer handa naman daw taasan ang kanyang sweldo sakaling ipag-utos ng gobyerno.
09:13I do it pag kaya ko. Tinataasan ko talaga.
09:18After all, kunti lang naman.
09:24Life is difficult now.
09:26Yung P8,000 di nga nila kayang i-manage yun sa pamilya nila.
09:30Ang Dole NCR magsasagawa ng information drive kaugnay sa bagong minimum wage na mga kasambahay.
09:36Paalala nila sa mga employer.
09:37Mag-comply po sa bagong minimum wage.
09:41Kung talagang hindi nagbabayad, may sanction po or penalty laban dito sa ating mga employers na hindi sumusunod sa minimum wage order.
09:53Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
09:57Mga kapuso, posibleng maging maulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong weekend kaya magbaon ng payong kung lalabas.
10:09May nabuo kasing shear line o salubungan ng malamig na amihan at mainit na hangin mula po sa Pacific Ocean.
10:15Ayon sa pag-asa, mararamdaman ang efekto niya ngayong weekend hanggang sa simula ng susunod na linggo.
10:21Patuloy din ang pag-iral ng amihan sa malaking bahagi ng bansa.
10:24Kaya bumagsak sa 10.6 degrees Celsius, ang pinakamalamig na temperatura ngayong araw na naitalapo sa Baguio City.
10:31Samantala, inaasahang lalapit sa bahagi ng Midnanawang low pressure area na dating Bagyong Ada.
10:37Pero, hindi na nakikitang magiging bagyo ulit at posibleng malusa o na rin.
10:41Base sa datos ng Metro Weather, bukas may tiyansa ng hanggang katamtamang ulan sa eastern section ng Luzon at sa Karaga region sa Mindanao.
10:49Pagsapit ng linggo, posibleng lumawak at tumindi ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
10:54Asakan ang heavy and intense rains sa Samaran-Data provinces pati sa malaking bahagi ng northern Mindanao at Karaga lalo na sa gabi.
11:02Sa Metro, malila naman.
11:03Mababa ang tiyansa ng ulan ngayong weekend pero maging handa pa rin sa posibilidad ng pag-ulan.
11:08Patuloy pa rin umantabay para sa mga...
11:10Update!
11:15Happy Friday, chikahan mga kapuso!
11:18Challenge accepted sa mas pataas na level ng aktingan.
11:21Sina kapuso stars Dave Bornea, Chanel Agustin at Shane Saba.
11:26Bibida sila sa magpakailanman episode na tungkol sa pamilyang may special needs.
11:31May chika si Nelson Canlas.
11:32Starting the year with so much positivity, sina Dave Bornea, Chanel Agustin at Shane Saba.
11:42Bukod sa pagpupursige sa trabaho, gusto rin nilang makapag-share sa kapwa.
11:47Tulad ni Dave na putting his talent to good use by inspiring the next generation.
11:52Nag-turo ako ng dance sa mga kids.
11:55Yes, and then yun, nakakatawa lang kasi may skill, may passion, niti si-share ko sa mga kids, nakakatawa.
12:02And then parang nakikita ko yung younger self ko rin sa kanila.
12:07Speaking of inspiring others,
12:08Gaganap ang tatlo sa episode ng magpakailanman sa Sabado ng gabi na pinamagatang My Special Family.
12:16Isang pamilya na naging challenging ang buhay dahil sa mga anak na nasa spectrum o may special needs.
12:22Sa kanilang pagbibigay buhay sa kanilang mga karakter, sana raw ay makarelate at may matutunan ang maraming manunood.
12:31Very inspiring po siya kasi papakita po dito na kahit na may mga special needs sila.
12:38Kaya nila. Kaya nila. And kaya nila yung gawin yung mga ginagawa ng mga normal na tao.
12:46Makakasama nila sa episode sina Gardo Versosa, Isay Alvarez at Therese Balvar,
12:52directed by award-winning director Zig Dulay.
12:55Challenging siya for me kasi first time ko po magkaroon ng role na parang kailangan ko maging matured, maging strong,
13:02lalo na sa mga kapatid ko kasi may mga special needs sila.
13:06Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
13:11Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol sa Cagayan de Oro City.
13:16Isinilid ang walang muwang sa eco bag at sa kainiwan sa bubong ng isang bahay.
13:22Nakatutok si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
13:25Ito ang tumambad sa mga barangay tanod.
13:32Nambuksan ang isang eco bag sa Kalaanan, Barangay Kanituan, Cagayan de Oro City.
13:37Isang bagong silang na sanggol na may umbilical cord pa.
13:47Ang sanggol na nasa eco bag nakuha raw sa bubong ng isang bahay.
13:51Nadiskubre ito matapos marinig ng mga residente ang pag-iyak ng bata bandang alas 11 kagabi.
13:57Agad umano, dinala sa ospital ang baby para masiguro ang kalusugan at kaligtasan nito.
14:24Iniimbestigahan na ngayon ng Barangay Council ang pangyayari.
14:27Para makilala ang ina na nag-iwan sa bata.
14:30Nag-deploy na tag mga BSW.
14:34Arun nga amung sutaon.
14:37Kay naaman may datos nga na ay katursi ka mga nakay nga mama.
14:45Nga na-address ang mong likod.
14:47Kani makita man na to.
14:49Katursi sa bulan gud sa January 2 paengun sa isang kabulan nga kana.
14:55Nga muni sila ang mga manakay.
14:57Nguni ang mong ipantuan.
14:59Among paningawa ko sa Barangay Council nga dili na malangan.
15:02Among mahatag ang kumplito nga ditaan eh.
15:05Kay naaman na nga to.
15:06Kumplito man na nga itong Barangay Health Worker sa Barangay ganito.
15:09Ito ang nagliyok na sila tanan.
15:11Ito na umano ang pangatlong beses na may iniwan na bagong silang na bata sa kanilang barangay.
15:17Kani binuhatan kanin sa dili maayaw nga pangisip o wala sa iyong inchanto nga pangisip.
15:22Kay walay inahan nga makabuhat ni ini kung walay mga giagian nga problema ang maong inahan.
15:31Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, James Paulo Yap, Nakatutok, 24 Oras.
15:38Ibat-ibang paglabag sa matas trapiko ang sinita ng MMDA.
15:45Sa pagsuyod nila sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City,
15:49ilan sa mga hinuli ang driver na nagmaneho ng van kahit suspendido ang lisensya.
15:55At mga enforcer na iligal na nakaparada.
15:58Nakatutok si Darlene Kai.
16:02Tingitan nyo lahat.
16:03O, tingitan nyo.
16:04Hindi ako pa sinasabi.
16:05Pag wala ng driver, paaw nyo yan.
16:06Hindi mga ordinaryong motorista, kundi mga kabaro nila ang tiniketa ng MMDA officers
16:13dahil sa iligal na pagparada sa EDSA Cubao Corner, Monte de Piedad sa Quezon City.
16:17Matagal lang kasi mga gano'n.
16:20Alam mo na yung bawal pero marami na nung parang hindi.
16:23O, yun ang pagsabi niyo sir na huli din po kayo na mga tagsamahan ng ito.
16:28O, sayang magawa pa mo. May trabaho lang yun naman nila.
16:30We will implement the law fair and square.
16:32At lalong-lalo na po sa mga empleyado po natin at sa mga enforcers natin na tayo naman po nagpapatupad ng batas.
16:40Huli rin ang dalawang taxing ito na nagbababa at nagsasakay ng pasayro sa EDSA Cubao kahit may no-loading and unloading signage na.
16:47Kasi po, mayroong pasayro pumara doon. Tapos, sabi nung enforcer na babae, ano, pasok ko na lang pa gano'n.
16:58Inimpound naman ang sasakyan ng van driver na ito na iligal na nakaparada sa Endomingo.
17:02Minanayo kasi ito kahit suspendido na ang lisensya ng driver dahil sa naunang traffic violation.
17:08Tumangging magbigay ng panayamang driver.
17:10Once na your license is suspended, ano po yan eh, matikip po yan.
17:13Yung mga privileges within, hindi niyong pwede magamit.
17:16So, technically, lifted din po ang karapatan niya magmaneho ng sasakyan.
17:23Sinita rin ang mga tindahang extended hanggang bangketa.
17:26Binaklas ang isa sa Malabito Street sa Cubao.
17:31Okay lang naman kasi dapat lang naman talaga yun.
17:33Pero dapat equal, dapat lahat.
17:35Kasi hanggang dun yan, no.
17:37Di ba? Hindi lang naman dapat ako.
17:42Pinagtatanggal naman ang kahoy na patungan ng tindahang ito sa Si Benitez.
17:46Sinita rin ang mga pumwestong vendor sa bangketa ng Arayat Market.
17:53Pinagtatanggal ang mga panindang prutas at kinumpis ka ang mga basket na patungan.
17:58Makapuso kapag may mga nakahambalang dito sa bangketa o sa sidewalk tulad ng kiniklear nitong mga tauhan ng MMDA.
18:04Hindi nakakadaan yung mga pedestrian sa bahaging ito ng bangketa.
18:07Kaya dito sila dadaan sa kalsada.
18:09Makakasagabal sila sa daloy ng traffic.
18:11Bukod sa delikado, e bibigat yung traffic situation sa kalsadang ito.
18:17Pinakamalala pa naman sa buong asya ang pagsisikip ng trapiko sa Pilipinas ayon sa isang pag-aaral.
18:22Pangatlo naman sa buong mundo.
18:24Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai.
18:27Nakatutok, 24 oras.
18:29Magpakatigas ka na parang bato.
18:32Yan ang mensahe ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa karawan ni Senador Ronald Bato de la Rosa.
18:38Ayon kay Vice President Sara Duterte.
18:40Sabi ng vice na bumisita sa kanyang ama sa dahig na the lands.
18:44Nagpaabot ng pagbati ang dating Pangulo kay de la Rosa na mahigit dalawang buwanang nagtatago.
18:49Sa gitna yan ang usap-usapan pero hindi naman kumpirmadong ulat na may arrest warrant na laban kay de la Rosa mula po sa ICC.
18:57Kaugnay ng war on drugs.
18:58Nung siya pa ang PNP chief ng Administrasyong Duterte.
19:02Ayon naman sa abogado ni de la Rosa.
19:04Hindi pa niya nakakausap ang senador at hindi niya rin masagot kung nasa bansa pa ito.
19:08Handa o manu silang sumagot kung sakaling sampakan ng ethics complaint si de la Rosa.
19:13Dakil sa matagal lang hindi pagpasok sa senado.
19:15Umaasa silang kakatigan ng Korte Suprema ang inihain nilang petition for certiorari para kina de la Rosa at dating Pangulong Duterte.
19:23Probably if there is a decision by the Supreme Court on the matter clarifying the rules.
19:30And I think I can only predict that he might surface.
19:35Posibling dagdagan ang 10 milyong pisong patong sa ulo ng number one most wanted sa bansa na si Charlie Atong Ang, ayon po yan, sa DILG.
19:53Sabi ni Interior Secretary John V. Cremulia, labing apat na lugar na ang kanilang sinilip na posibleng kinaroroon na ni Ang, pero bigo pa rin siyang makita.
20:09Sa kabila ng pagsauli ng mga baril, hindi pa rin daw tatanggalin ng DILG ang bansag sa kanyang armed and dangerous.
20:16Sa dami ng kanyang bodyguard na puro armado.
20:20Kaugnay naman sa nawawalang high-powered firearm na M-16, sinabi ni Remulia na kailangang pirmahan ng negosyante ang affidavit of laws.
20:31Sa gitna ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon, may mga residente pa rin bumabalik sa 6-kilometer permanent danger zone.
20:39Ang dahilan at aksyon ng mga otoridad sa Pagtutok Live ni Oscar Oida.
20:44Oscar!
20:46Yes, Emil, maski nga mahigpit na ipinagbabawal, mayroon pa rin pabalik-balik sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone upang magpakain ang kanilang mga alagang hayop.
20:59Kaya kanina, pinangunahan na ng lokal na pamalaan ng Legazpi City ang paglilikas sa mga nasabing hayop sa mas ligdas na lugar.
21:07Halos tangay na ng kanyang baka si Ana Marie habang patungo sa itinalagang animal pooling site sa barangay Manibit sa Legazpi City, Albay.
21:20Hindi ko lang nakahaya, makakapagod.
21:23Extra challenge anyang dalin dito ang kanilang alaga mula sa dating kinilalagyan sa loob ng 6-kilometer danger zone.
21:32Pero mas maigin na raw ito.
21:34Sa baba kasi kahit konti may pagkain sila, may tubig.
21:37Kasi kung nasa itaas kami, walang tubig doon kasi puro na abo.
21:42Sa tulong ng lokal na pamalaan, nailigas kanina ng mga magsasaka ang kanilang mga alagang hayop para hindi na sila magpabalik-balik para puntahan ang mga alaga.
21:54Mahirap. Malayap kami ng mga alaga ng mga hayop.
21:58Umaga at tapon, tumataas kami dyan.
22:01Ngayon hindi na. Binaba na namin yung mga hayop namin.
22:05Mas magandang tumutulong sa amin.
22:07Sagot ng LGU ang bakuna, bitamina at pagkain ng mga alaga habang naroon sila.
22:16Kailangan maibaba talaga kasi kumusta yung asupre ng mga kakain po.
22:21E toxic yan. E lalo na po yung pag nalanghap.
22:27Bahagi ito ng paghahanda ng LGU para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kababayan
22:31sakaling itaas sa alert level 4 ang bulkang mayon.
22:35Pakiusap ng kinaukulan, wala na sana magpumilit pang bumalik sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
22:43Kung talagang hindi sila napagsabihan, since safety, we are after the safety.
22:50So dadalhin sila ng mga may uniform personal tayo na naan dyan sa tas.
22:55Nasa alert level 3 pa rin ang mayon.
22:58Nagpapaywatig ng mataas na antas na aktibidad.
23:01Ayon sa FIVOX, patuloy ang pagbuka ng lava dome at lava flow kasama ang minor strombolian activity o panakanakang maliliit na pagsabog.
23:12Patuloy ang volcanic wakes, pagguho ng bato at pagdaloy ng uson.
23:17Naobserbahan din ang banaag o crater glow, palatandaan ng aktibong magma sa loob ng bulkan.
23:24Na itala rin ang katamtamang pagsingaw ng may taas na isang daang metro mula sa crater na napadpad patungong Hilagang Kanluran at Kanluran-Hilagang Kanluran.
23:35Emile, basa nakuha natin impormasyon mula sa City Veterinary Health Office ng Legazpi City, umabot na sa 70 mga alagang kalabaw at baka ang nailikas sa mas ligtas na lugar.
23:51Ayon naman sa PDRRMO, bukod sa Legazpi City, ay ginagawa na rin daw yan sa iba pang bayan sa Albay.
23:58Emile, maraming salamat, Oscar Oida.
24:05Sa pagsisimula pa lamang ng taon, agad sinubok ang katatagan ng mga taga-katanduanes dahil sa mga pagulang nagdulot ang malawakang pagbaha doon.
24:16Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan, nagtungo ang GMA Kapuso Foundation doon upang maghatid ng tulong.
24:23Hindi pa man tuluyang nakakabangon ang probinsya ng Katanduanes mula sa pinsalang iniwan ng Super Typhoon U1 noong Nobyembre.
24:37Muli na naman silang nakaranas ng walang tigil na buhus ng ulan dulot ng share line na sinundan pa ng bagyong ADA nitong nakaraang linggo.
24:48Nung dumating yung ADA, more than 200mm kasi yung lumus na ulan dito sa amin.
24:54So nagkaroon tayo ng malawakang pagbaha, pagtaas ng mga ilog.
24:58And then sumabay pa po yung high tide.
25:01Sa barangay Almohela, sa bayan ng Viga, magigit isang linggong na isolate ang mga residente.
25:07Matapos umapaw ang spillway sa kanilang lugar na nagdulot ng mataas na pagbaha.
25:13Lagpas tao po, yung iba nga pong mga residente, lumalapit na po sa akin para po magkaroon ng pagkain sa aming lugar.
25:21Tegil din sa anak buhay ang mga magsasaka ng abaka doon gaya ni Violeto.
25:27Bukod kasi sa mahirap ito ibenta dahil walang madaanan, hindi rin sila makapagbilad ng abaka.
25:33Kapag nabasaraw kasi ito, sa halip na maibenta ng 80 pesos kada kilo, bababa ang presyo ng 50 to 60 pesos.
25:44Pagtag-ulan, nagiging marupok kasi hindi po natutuyo.
25:47Tis-tis muna kami kung talagang walang-ulanan, napipilitan kami maglumusong sa bukin.
25:53Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan, nagtungo ang GMA Capuso Foundation sa Catanduanes para mag-atid ng tulong sa mga apektadong residente.
26:03May 6,900 na individual ang nabigyan natin ng food packs sa Bayan ng Viga at San Miguel.
26:11Laking pasasalamat ko po talaga sa GMA Capuso Foundation dahil po ang aming barangay po talaga napansin kahit na papano, kahit na nandito na po kami sa Sulok.
26:21At sa mga nais mag-donate, maaari po kayong mag-deposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuan na loobod year.
26:30Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metrobank Credit Card.
26:38Ha? Muli na namang nanaygang bayanihan mga kapuso dahil nag-donate ang ADM Cares ng $100,000
26:48para sa mga kababayan nating lubhang na salanta ng Bagyong Tino noong nakaraang taon.
26:55Ang dorasyon na ito ay gagamitin sa ating School Development Project sa Cebu,
27:00kung saan handog natin ang matibay at komportabling silid-aralan para sa mga mag-aaral.
27:06To donate $100,000, courtesy of our mother company in Chicago,
27:19because in Cebu, because it is very near our plant.
27:23Our plant is located in Minglanilia.
27:26It's actually very important to show that it's something that we can share with our fellow men.
27:34Ang GMA Capuso Foundation magtatayo ng tatlong skwelahan pa sa earthquake-affected areas naman.
27:42Doon tayo pupunta sa Bogo City, sa Medellin at saka sa Daanbantayan.
27:48Tutulungan natin ang Cebu na makabangon.
27:53At taos, puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng donors na patuloy na nagtitiwala sa GMA Capuso Foundation.
28:02At taos, puso po kaming nagpapasalamat sa GMA Capuso Foundation.

Recommended