00:00Isang mala-Olympics na aktividad ang idinaos para sa mga rescue team mula sa North Luzon.
00:06Layon itong palakasin pa ang efektibong pag-responde sa oras ng sakuna,
00:11silipin yan sa sentro ng balita ni Jezreel Kate Labizar ng PTV Cordillera.
00:19Pinaghandaan ng mga rescue unit, emergency responders at disaster management practitioners
00:25mula sa labing isang lalawigan at dalawang lungsod ng Regions 1, 2 at Cordillera
00:30ang kanilang paglahok sa kauna-unahang North Luzon Rescue Olympics sa Puntol, Apayaw.
00:36Nagkaroon man ng problema sa pag-e-ensayo ang mga kinatawan ng Quirino Province,
00:41kumpiyansa sila sa kanilang abilidad sa pakikipagpaligsahan sa iba't ibang rescue team.
00:46Pumunta kami dito, hindi lang po para makisama sa mga kasama natin na ibang mga municipality,
00:52pero nagpunta kami dito para manalo.
00:53Layon ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga rescue team
00:57sa pag-responde sa iba't ibang emergency sa pamamagitan ng gaganaping kompetisyon.
01:03Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang naturang kompetisyon para masanay ang rescue team
01:08sa aktual na sitwasyon kasabay ng mga sakuna
01:10para sa mabilisan at efektibong pag-responde sa iba't ibang emergency situation.
01:16The Rescue Olympics is not merely a competition.
01:19It is a training platform and learning opportunity for rescue teams and emergency responders.
01:25This aims to improve preparedness and rescue competencies among our emergency responders.
01:55Bukod sa kompetisyon, pagkakataon din ito para matipon-tipon ang mga rescue team
02:00para sa knowledge sharing, capability development at public awareness
02:05para sa disaster preparedness at emergency response.
02:09Naypatupad kahapon ang swift water search and rescue
02:12habang gaganapin naman ngayong araw ang amazing race at sky pilot maneuvering technique.
02:19Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.