00:00Samatala, masamang loob dahil pinaasa lang daw sila.
00:03Ganyan naman ang saloobin ng mga choper na nagkikilos protesta ngayong umaga sa Pasig.
00:08At naroon live si EJ Gomez.
00:11EJ.
00:15Ivan, patuloy nga itong isinasagawang kilos protesta ng ilang choper dito sa Pasig City ngayong umaga.
00:21Bukod sa fair hike, panawagan nila sa gobyerno ang agarang pagtanggal naman sa excise tax.
00:28At iba't na pasakit daw para sa kanilang mga ordinaryong mamamayang na mamasada.
00:37Masama ang loob ng jeepney driver na si Marvin.
00:41Dahil sa aniyay, kakulangan ang suporta mula sa gobyerno para sa mga katulad niyang choper.
00:47Bukod daw sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis,
00:51ang gobyerno pinaasa lang daw sila sa aprobadong fair hike na ipatutupad sana ngayong araw.
00:57Sa pagbiyahiraw niya mula alas 4 ng madaling araw hanggang alas 9 ng gabi,
01:02aabot na lang sa 200 piso ang nauuwi niyang kita para sa pamilya.
01:08Nagkukumahog na raw siya kung paano bubuhayin ang kanyang pamilya,
01:11lalot may tatlong anak at apat na pamangkin pa raw siyang pinapaaral.
01:16Isa si Marvin sa mga choper na umaalma ngayon dahil sa hirap na kanilang dinaranas.
01:21Nito martes inanunsyo ng LTFRB ang pag-aproba ng taas-pasahe sa mga jeep at bus
01:27dahil sa sunod-sunod na big-time oil price hike.
01:31Pero kahapon, sinuspindi ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:34Ngayong umaga, ilang PUV drivers at miyembro ng grupong piston nga
01:39ang nagsasagawa ng kilos protesta dito sa Plaza Bonifacio sa Pasig City.
01:44Sana naman, Pangulong BBM, imbis na suspindiin mo yung peso per hike na yon,
01:53sana naman dinagdagan mo na bakit mo pa sinuspindi.
01:57Napakasama po ng loob namin noon, lalo nyo kami ginipit para tuluyan po kami mawala sa lansangan.
02:03Pero hindi kami po susuko hanggat may hanap buhay, hanggat nandiyan ang jeep namin,
02:08hanggat tumatakbo ang jeep namin, lalabanan namin ang panuksong programan yung ito.
02:13Sa hanay namin sa transport na ito nga, nagigipit na kami,
02:17nawala na kami na iuwi sa aming pamilya.
02:19Hirap na hirap na po ang sektor ng transportasyon sa lukuyan.
02:24Kaya yung sinasabi na hindi na papanahon, baka po pwede pag-isipan nila
02:28dahil talagang lahat apiktado dito sa pagtaas ng presyo ng petrolyo na ito.
02:34Ang hinihiling namin na kasagutan, ibasura na natin o alisin ang bat, yung ibat,
02:42oil deregulation law na dapat sana pamahalaan na ang magpapalakad
02:49o magtataguyod nitong kung paano at magkano ang itinataas na presyo ng petrolyo.
02:58Ivan, sa mga oras na ito ay tinikna yung araw pero sabi ng mga nakausap nating drivers ay wala sa
03:06kanila yun
03:07at tuloy yung kanilang protesta. Malaking sakripisyo daw itong ginagawa nila
03:11dahil ngayong araw hindi sila nakakapamasada at malaking kawalan yun
03:16para sa kanila na may mga binubuhay na mga pamilya.
03:18At sa mga puntong ito, nadagdagan na rin yung police visibility.
03:22Mismong si jepe ng Pasig Police ay nandito at meron na rin mga staff or officials
03:27mula mismo sa Peace and Order Department ng Pasig LGU.
03:31At yan ang latest mula rito sa Pasig City.
03:34EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
03:38Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:42Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments