00:00Mga kapuso, alam niyo bang tayo mga taxpayer ang nagpapasweldo sa mga opisyal ng gobyerno,
00:05kabilang yung mga nanalo sa katatapos lang na eleksyon 2025?
00:10Bula sa pondo ng bayan, narito ang sahod nila kada buwan.
00:15Ang mga senador at miyembro ng House of Representatives o mga kinatawa ng mga distrito at mga party list
00:20nasa ilalim ng salary grade 31 ayon sa Department of Budget and Management.
00:25Ang sweldo nila, mahigit 293,000 pesos hanggang mahigit 334,000 pesos kada buwan.
00:35Kung Senate President naman o kay House Speaker, mas mataas pa ang sahod dahil sila ay kabilang sa salary grade 32.
00:42Mahigit 347,000 pesos hanggang mahigit 398,000 pesos buwan-buwan.
00:49Kabilang naman sa salary grade 30, ang mga gobernador ng mga probinsya,
00:53ang sahod nila, mahigit 203,000 pesos hanggang 226,000 pesos.
01:00Magkakaiba naman ang sahod ng mga alkalde, depende kung saan sila mamumuno.
01:04Katulad sa mga gobernador, salary grade 30 ang mga city mayor,
01:08salary grade 27 hanggang 28 naman ang mga municipal mayor.
01:13Nasa mahigit 142,000 pesos hanggang mahigit 178,000 pesos yan kada buwan.
01:19Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
01:26Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments