00:00Sa bawat karera ng mga atleta, may mga bayaning nakaantabay handang surumisponde sa oras ng pangailangan
00:06para masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro.
00:10Alamin ang istorya ng mga medical responders ng National AIDS Group Triathlon 2026
00:15sa report ni teammate Jamay Cabayaka.
00:22Sa bawat karerang tinatakbo ng mga atleta, kaakibat nito ang walang humpay na kapaguran at pawis,
00:30alang-ala sa paggamit ng medalya at tagumpay.
00:34Mula sa paglangoy, pagbibisikleta at pagtakbo sa ilalim ng tirik na araw,
00:40tila isinusugal nila ang lakas at tibay ng kanilang mga katawan.
00:45Pero sa likod ng matinding hamon na ito, may mga taong tahimik na nagbabantay,
00:51handa sa anumang sandali na may mangyaring hindi inaasahan.
00:55Sila ang mga taong nagbibigay ng agarang gabay at kalinga sa mga atleta sa oras ng pangailangan.
01:02Isa na rito si John Carlo Ramos, 31 anyo sa Emergency Medical Technician.
01:08Siya ang head ng Emergency Medical Services sa National AIDS Group Triathlon
01:13na ginanap sa Subic Bay kamakailan.
01:15Hindi biro ang responsibilidad ng kanilang team dahil sila ang unang tutugon
01:20sakaling may disgrasya o emergency sa kompetisyon.
01:25Inaalagahan po natin yung safety ng mga athletes.
01:29So number one, yung kapag dito sa finish line,
01:34kaya nandirito yung medical post.
01:36Kapag may agad na kailangan na emergency, yun yung tututukan namin.
01:41So katalasan naman mga strain, sprain, yun lang naman.
01:46Then heat exhaustion, mga nahilo.
01:49Karaniwang mga kaso na kanilang tinutugunan ay mga basic medical response
01:54tulad ng mga sugat, pagkakadapa o mga atletang nakaramdam ng pagkahilo.
01:59Karamihan din sa mga kaso ay heat exhaustion.
02:02Sa ilang minuto o oras na pagbabad sa matinding init,
02:06maaring malagay sa panganib ang kalusugan ng mga kumakarera.
02:10At kung may mga sitwasyong hindi na kayang tugunan sa lugar ng kompetisyon,
02:15agad na dinadala ang mga atleta sa ospital para sa mas masusing gamutan.
02:21Dito nga sa area na to, sinasalubong ng mga medic ang mga finishers
02:26at i-check ang kanilang kalagayan pagkatapos ng karera
02:30at tulungan silang makapag-cool down ng maayos.
02:33Minsan tinatakpo ng, kung wala kami, minsan sa marshal,
02:37then the marshal is, siya yung magsasabi-sabi na kailangan ng medical.
02:45Ngayon pag nakita naman namin, kami na mismo lalapit.
02:48Tapos tatanoy namin sa atleta kung magtutuloy o hindi.
02:52Kasi nasa kanila, kung gusto nila ituloy, then aantabayanan lang namin.
03:00Nakapwesto ang medical team sa bawat istasyon ng karera.
03:04At gaya ng mga atleta, handang tiisin ng mga medical responders
03:08ang pagod at init, makasiguro lamang na may agarang tulong sa oras ng pangangailangan.
03:14Nakahanda ang bawat medical kit, ambulansya at ang kanilang tapang
03:19at kahandaan sa pagligtas ng buhay.
03:22Mahalaga siya kasi, siyempre, ang larong ito is
03:25kaya nangangailangan talaga ng emergency services.
03:29Number one, kasi yung safety ng mga tao at yung mga atleta,
03:33yun yung inaalagaan natin.
03:34So kung walang mga medical, walang magbibigay ng toon ng pansin
03:38pagdating sa mga first aid sa kailangan ng mga atleta.
03:41Sabi nga, sa emergency, we expect and we ready for any worse scenario
03:48kaya ready yung lahat ng tip.
03:53May tuturing na matagumpay ang ginampanan ng mga responders sa araw na ito
03:57pero hindi raw sa lahat ng sitwasyon ganito ang pagkakataon.
04:01Sila ang mga bayaning hindi man umaakyat sa podium
04:05pero singhalaga ng mga kampiyon sa larangan.
04:11Jamay Kabayaka para sa atletang Pilipino para sa bagong Pilipinas.
Comments