00:00Inaasahang mararatify ng Kongreso ngayong araw ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Bongbong Marcos para suspindihin o bawasan
00:09ang excise tax sa langis.
00:11Pinag-aaralan na rin ang posibleng pagbasura sa Oil Deregulation Law sa gitna ng malaking problema sa langis ngayong may
00:17sigalot sa Middle East.
00:19May unang balita si Rafi Tima.
00:23Umaabot na sa mahigit sandaang piso ang bentahan ng kada litro ng petrolyo sa ilang lugar sa Luzon.
00:29Visayas
00:32at Mindanao
00:34Mga motorista ang unang tinamaan ng matinding epekto ng taas presyo.
00:38Pero dumadalo ito sa iba't ibang industriya at sektor.
00:42Ang ilang travel agency sa Nueva Ecija umaaray dahil bukod sa pagsipan ng gastusin, halos 50% ng kanilang mga
00:49kliyente ang nagkansila ng biyahe.
00:51Sa mga natilang proyekto naman, halos lugi ang bayad dahil naibook na bago pa magmahal ang mga bilihin.
00:58Karamihan kasi sa company namin ay ano eh, kumbaga kapag wala kaming biyahe, wala rin silang trabaho.
01:06For example, sa mga tour bed ko, yung mga driver.
01:09Ang kahilingan po sana namin is magkaroon tayo ng price freeze sa mga basic consumer goods.
01:16At the same time, mag-regulate tayo ng petrolyo.
01:21Ayon sa Department of Trade and Industry, nakausap nila ang dalawang putisang manufacturer at may mga nangakong
01:27hindi mo na magtataas ng presyo ng ilang basic at prime commodities sa loob ng 30 araw at yung iba
01:33ay sa loob ng 60 araw.
01:36Ang Department of Energy, naghahanap na ng iba pang mapagkukunan ng langis, crude demand o refined products.
01:42Ngayong linggo, nakaliniang pagpupulong sa ibang bansa kabilang ang Amerika, Canada,
01:46mga bansa sa South America, pati Brunei, China, Russia, India at Malaysia.
01:52Yun lang nga, mas malayo sila, tsaka mas matagal ang delivery.
01:57Dinitignan po namin lahat ng options.
01:59Nag-invite na kami ng mga gustong magbenta kung sino yung mayroong supply.
02:05Meron naman pero iba-iba yung kondisyon.
02:08So inaaral pa namin kung sino dapat ang kakausapin.
02:11Sa Senate Plenary, may maikling debate kaugnay sa panukalang pagbibigay ng emergency powers
02:15kay Pangulong Bongbong Marcos para suspindihin o bawasan ng excise tax.
02:19Tinanong ni Sen. Ping Lakson kung kailan mararamdaman ang epekto nito sakaling maipatupad.
02:24Ayon sa sponsor ng panukala na si Sen. Pia Cayetano,
02:28base sa kakailangan ng monitoring,
02:30aabutin ng 30 hanggang 45 araw bago ito maramdaman sa pump price,
02:35oras na ito ay ipag-utos ng Pangulo.
02:36Baka naman pwede isaan natin ng 2 weeks.
02:39After 2 weeks na nag-average siya ng $80 or more,
02:42mag-recommend na sila sa Presidente.
02:44Mag-meet na yung DBCC.
02:46Mag-recommend na sila sa Presidente para mas mabilis yung effect.
02:49It could reach 30 to 45 days kasi may stock na po ang mga oil companies,
02:55may nabili na sila.
02:57But as the days go on, mamomonitor naman natin yun
03:00kung paubos na yung stock nila gano'n
03:02and they're now buying without the excise tax din,
03:05then may chance naman na mas sooner mararamdaman.
03:10Sa botong 17-0, inaprobaan ito sa ikatlo at huling pagbasa.
03:13We can ask the House for a paper by count.
03:17We can ask the House to adopt the Senate version.
03:20Or if they will ask us to adopt their version,
03:22depende.
03:23Tingnan na sa period of interpellations namin.
03:25And then thereafter, we can ratify it.
03:28Naghahain na rin daw sa Senate President Tito Soto
03:30ng panukalang batas para ibasura ang Oil Deregulation Law
03:34at ibalik sa pamahalaan ang kapangyaryang
03:36i-regulate ang presyo ng langis sa bansa.
03:39Sa ngayon, hindi natin alam pagkano ba ang bili nila.
03:43Kailan nila binili?
03:45Two weeks ago? One month ago?
03:47Hindi natin alam eh.
03:48Pero kung wala yan, balik sa dati,
03:51may pakialam ang gobyerno.
03:53So if they do not agree with some of the points
03:57that we will be including in the excise tax law,
04:02then we will be forced to push for the repeal
04:06of the Oil Deregulation.
04:08Sinabi ng Malacanang nitong Martes
04:10na Kongreso ang magpapasya
04:12kung kinakailangang ipawalang visa
04:14ang Oil Deregulation Law.
04:16Kung maipapakita nila at
04:18ma-i-influensya nila
04:20sa pamamagitan ng kanilang pagbalangkas
04:23ng batas ang ating Pangulo,
04:25lahat po ng ikagaganda ng masa,
04:27hindi naman po tututulan ng Pangulo.
04:29Ito ang unang balita.
04:31Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
04:35Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:37Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
04:40at tumutok sa unang balita.
Comments