00:00Mga kapuso, arestado ang 7 Chinong nag-iimbak ng mga toxic waste mula sa mga baterya ng mga sasakyan at
00:07e-bike sa San Simon, Pampanga.
00:09Bukod sa nakalalason, masama rin ang mga ito sa kalikasan. Narito ang aking pagtutok.
00:19Patong-patong na reklamo ang nakarating sa PNP-CIDG, kaya sinalakay ang mga warehouse na ito sa San Simon, Pampanga.
00:27Ang tumambad sa mga operatiba.
00:30May nangyayari nga na iligal na pagtutunaw ng mga baterya dito. Matataas ang pangder, may gate, at sa katotohan nga
00:38may kontato, may gwardya pa.
00:40So hindi basta-basta nakakapasok ang ating mga operatiba.
00:43Hindi bababa sa 15 million pesos na halaga ng mga baterya ng kotse at mga e-bike ang narecover sa
00:49raid.
00:50Dinampot naman ang inabutang 7 Chinese, kabilang ang umanoy promotor ng iligal na operasyon.
00:55Nag-ipag-coordinate na po tayo sa Bureau of Immigration para malaman natin kaanong status.
01:01Sa investigasyon, yung chemical element na lead ang pinuntiriyal ng grupo sa mga baterya na kanila rin daw mabilis na
01:08naibibenta.
01:09Lubhang delikado dahil bukod sa posibleng maging sanhi ng pagsabog o sunog, may masama rin itong efekto sa kalusugan ng
01:16tao pati sa kalikasan.
01:17Walang kumento ang mga dilakip na maaharap sa kasong paglabag sa Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control Act
01:26of 1990.
01:28Para sa GMA Integrated News, Emile Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments