00:00Sa gitna ng pagmahal ng mga produktong petrolyo na apektado ang mga bilihin,
00:04kanya-kanyang diskarte ang ilang may-ari ng karinderya o kainan para hindi sila malugi.
00:10Balitang hatid ni E.J. Gomez.
00:14Magkakatabi ang mga karinderyang ito sa tapat ng Marikina City Hall.
00:18Dagsa ang mga customer ng mga estudyante at empleyado ng munisipyo lalo na kapagtanghalian.
00:24Ayon sa mga nagtitinda, baka maapektuhan ang dami ng sineserve nilang pagkain
00:29dahil nagtaasan ang presyo ng mga rekado nitong mga nagdaang araw,
00:33kasunod ng pagtaas din ang presyo ng petrolyo.
00:36Itong mga past two weeks, unang-unang tumaas talaga is yung mga ingredients.
00:43Tapos yung sumunod na yung bigas, medyo tumaas siya ng 200.
00:49So apektado po talaga lahat.
00:51Tumaas din daw ng hanggang 50 pesos ang kada kilo ng ilang gulay.
00:55Ang LPG naman, nagmahal din ng 100 pesos kada tangke.
00:59Kaya ang mga nagtitinda sa karinderya, dumidiskarte na lang daw
01:03para hindi kailanganin itaas ang presyo ng kanilang paninda.
01:07Di naman kasi pwede rin tataasan, di rin pwede rin bababaan masyado
01:11kasi kami rin di maapektuhan.
01:12Kasi sa student mill din, nakabudget lang din yung pagano nila.
01:16Kaya ang gagawin nilang ganito, yung cut na lang din ng mga midsiguro,
01:20mabawasan na lang din siya.
01:21Yung takal na hindi naman sila kawawa at hindi naman kami kawawa,
01:26so parang fair ba?
01:27Tapos nag-a-adjust kami sa mga rekado.
01:30Since mababa talaga yung price pang estudyante,
01:33so kailangan na lang ano, pagdating ng mga estudyante,
01:36kailangan na ka-prepare na para mag-volume yung benta.
01:39Sa susunod na mga month siguro, baka mag-adjust ng presyo.
01:42Magpipili kita niya, kasi baka hindi na kayaanin.
01:44Pero sabi ng mga may-ari ng karinderya dito sa Malikina City,
01:48sa ngayon, hindi pa naman daw nila nakikitang magsasara
01:51o hihinto sila sa pagtitinda.
01:53Kung hihinto naman kami, saan naman kami kukuha ng araw-araw.
01:57So ang gagawin nilang namin, gagawa nilang kami ng paraan
02:00o discard diba, o magdadagdag kami ng ibang item
02:03para ma-survive namin.
02:05Isa pa sa mga discarte ng ilang may-ari ng karinderya
02:08ay yung pagkakaroon ng unli-inumin o unli-juice.
02:11Pambawi raw nila yan sa kaunting pagbabawas nila sa serving
02:14para mapanatili ang presyo ng kanilang mga budget meal.
02:19EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments