Skip to playerSkip to main content
Dalawang linggo bago ang Semana Santa, kalbaryo na agad ang hatid ng mega oil price hike sa mga biyahero.
Tumaas na ang pasahe sa mga provincial bus, at susunod ang taas-singil sa mga city bus! Iminungkahi naman ng ilang kongresista na magpatupad ng libreng sakay sa tren!
Narito ang report ni Ian Cruz.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Two Mondays on the Semana Santa, Calvario na agad ang hit ng Mega Oil Price Hike sa mga biyahero.
00:06Tumaas ang pasahe sa mga provincial bus at susunod ang taas-singil sa mga city bus.
00:11Iminungkahin naman ang ilang kongresista na magpatupad ng libreng sakay sa tren.
00:16Narito ang aking report.
00:21Maraming turista ang napapamahal sa Baguio.
00:25Pero mas mahal na ngayon ang pag-akyat doon.
00:28Taas pasahe kasi ang bumungan nitong weekend sa mga pasahero ng provincial buses,
00:34mapa-ordinary o air-conditioned, kahit yung mga deluxe at luxury bus.
00:40Dahil sa provisional increase, ang biyahing Baguio mula sa ilang terminal sa Cubaw,
00:45umaabot na ng P760 ang pasahe sa regular bus mula sa dating P641.
00:53Ang first class na dating P1,038 na sa P1,136 na.
01:01Iba-iba ang singil depende sa kumpanya ng bus.
01:04Malaking problema yan sa estudyanteng si Kisha na lingguhang umaakit ng Baguio mula Quezon City.
01:11Medyo mabigat po, especially as a student.
01:14So, mukhang sa everyday expenses, dumadagdag po po yung increase doon sa bus.
01:20Sa PITX o Paranaque Integrated Terminal Exchange,
01:24nasa 200 pesos ang itinaas ng pamasahe Palayte.
01:28Magiging 200 pesos naman pag ginubatan albay.
01:32Kaya si Lisa, na biyahing ginubatan, nag-ordinary bus na para makatipid.
01:38Ang taas pasahe naman sa city buses, pinaplan siya na bago i-anunsyo bukas ayon sa LTFRB.
01:45Iba ang fare structure ng metro buses compared sa provincial buses.
01:51Iba rin yung expense basket ng provincial buses compared to the city bus.
01:56Hindi siya na-design. Pero sino mas magiging mataas? Provincial or city?
02:00Hindi na ito bukas.
02:03Dahil sa pool ang mga tsuper sa pagmahal ng petrolyo,
02:06bukas hanggang Webes, mamahagi ang DSWD ng 5,000 pisong ayuda
02:11sa 139,000 tricycle drivers sa Metro Manila.
02:16Sabi ng DSWD, posibleng sa lunes ang bigayan ng ayuda sa mga jeepney driver
02:21at isusunod ang iba pang public utility vehicle drivers.
02:26Ang instruction ng ating presidente,
02:29kailangan multiple times kung tumagal pa ito.
02:32139,000 will cost the government around close, close to 700 million pesos.
02:38So nakahanda na yan.
02:39Inaayos na rin daw ng Transportation Department
02:42ang paglalabas ng 2.56 billion pesos na pondo
02:45para sa fuel subsidy ng operators at drivers ng public utility vehicles.
02:50Bagaman may ayuda at fuel subsidy sa transport sector,
02:55inaasahan nilang may transport groups pa rin hihirit ng fare hike.
03:00Ang purpose kasi naman po ng fare hike is more of sustainability.
03:06To ensure na meron tayong transportation,
03:10we really have to strike a balance between approving and giving a fare hike
03:15and also the capability of our commuters to pay the supposed fare hike.
03:22Pero para sa piston at iba pang progresibong grupo,
03:26di sapat ang ayuda lang.
03:29Dapat daw ibasura ang oil deregulation law.
03:33Nagkasa sila ng nationwide strike sa Webes, March 19.
03:385,000 sa naabot, halos kulang pa ng 2 days
03:43na para ibang krudo namin sa aming mga sasakyan.
03:46Mariresol ba ba yung kasalukuyang kalagayan ng siktor ng transportasyon?
03:51Ilang kongresista naman ang naghahain ng resolusyon
03:54na nagmumungkahing magpatupad ng libreng sakay sa mga tren sa Metro Manila,
03:59ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3
04:02para makagaan sa gastusin ng milyong-milyong commuter.
04:06Wala pang tugon dito ang DOTR.
Comments

Recommended