Skip to playerSkip to main content
Posibleng masindak na naman ang mga motorista sa pagsipa lalo ng presyo ng petrolyo dahil sa krisis sa gitnang silangan! Kaya si Pangulong Marcos, hihiling daw sa Kongreso ng kapangyarihang magbawas ng buwis sa langis. May report si Joseph Morong.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Possibly masindak na naman ang mga motorista sa pagsipa, lalo ng presyo ng petrolyo dahil sa krisis sa gitnang silangan.
00:08Kaya si Pangulong Marcos hiniling daw o hihiling daw sa Kongreso ng kapagyarihang magbawas ng buwis sa langis.
00:16May report si Joseph Morong.
00:21Sa gitnang silangan, galing ang karamihan ng langis na inaangkat ng Pilipinas.
00:26Pero ang supply na dumaraan sa Strait of Hormuz, ang kipot sa pagitan ng Iran at Oman na iipit ngayon
00:32sa Gyeran ng Iran at Alyansang Amerika-Israel.
00:35Pangamba ng Energy Department kung magmahal ang kudo ng $20 per barrel.
00:39Magkakaroon pa tayo ng probably 7 to 10 peso per liter na magiging increase.
00:46Instead of one time, baka pag-usapan yung over a series of adjustments weekly or a number of days.
00:58At nagawa na hoon natin ito recently dun sa nangyaring Israel-Iran missile conflict.
01:07Sa Pilipinas, kung ang average global price sa tatlong sunod na buwan ay $80 per barrel o higit pa, automatic
01:14na suspendido ang fuel tax ayon sa batas.
01:17Pero sa sitwasyon ngayon, hihiling daw si Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso na bigyan siya ng kapangyarihang magbawas ng buwis
01:24sa langis.
01:24It is not going to be a permanent measure. It will be something that we will dispose of as soon
01:30as the crisis is over.
01:32Sabi ni House Speaker Bojie, di makikipag-ugnayan sila sa Senado para pag-aralan nito at ma-amiendahan ang batas
01:38kung kinakailangan.
01:39Bukas di makipag-usap ang Senado.
01:41Pag-usapan namin kung paano, siyempre ako, on a personal opinion, basta't makakatulong, siyempre payag ako.
01:51Pero ang mga tsyuper na mga pampublikong sasakyan, fair hike ang hirit.
01:56Gaya ng mga P2P bus, sa sampung taon na raw hindi nagtataas pasahe.
02:00Ayon sa LTFRB, kapag lumala pa ang tensyon sa gitnang silangan, ay mapipilitan silang itaas ang pamasahe sa halos lahat
02:08ng pampublikong transportasyon.
02:11Handa rin daw umayuda ang gobyerno. May dalawat kalahating bilong pisong fuel subsidy raw sila.
02:16Pati mga negosyante ng gulay nagpapahihwating ng taas presyo, lalot nakadepende sa langis, ang kanilang mga makinarya at patubig sa
02:24bukid, pati transportasyon.
02:26Minsan po pinapasa din po sa presyo ng gulay.
02:30Doon po pinabasa, pag tumaas po yung diesel, tataas din po yung gastos po namin.
02:34Kaya mapipilitan din po kami minsan itaas yung presyo ng gulay ng konti.
02:38Tinitingnan din ang epekto ng oil price spikes sa kuryente.
02:41Kahit sabi ng DOE, iilan lamang ang mga planta ang pinatatakbo ng langis.
02:46There will be indirect impact kasi the shipping cost of importing other fuels like coal for example might be affected.
02:56Sa ngayon, sabi ng Pangulo, sapat ang imback na langis ng Pilipinas pero payo pa rin niya magtipid.
03:02We encourage the use of public transport, you know, private vehicles.
03:06Punuin naman ninyo yung sasakyan ninyo, huwag yung isang tao lang ang kumagamit.
03:10A Labor Department hinihimok ang mga employer na ipag-work from home muna ang mga empleyado para makatipid.
03:17Sa Cebu, ipinag-utos sa Governor Pambaricuatro na magbawas ng non-essential travel ang mga tauhan ng Kapitolyo,
03:24exempted sa utos ng pagtitipid ang mga may kinalaman sa Emergency and Essential Services.
03:29Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:32Music
03:34Music
03:35Music
Comments

Recommended