Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Higit 300 OFWs na ni-repatriate ng pamahalaan mula sa Saudi Arabia, dumating na sa bansa | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00...at dumating na sa bansa kahapon ang ikalawang batch ng mga Pilipinong sinundo ng pamahalaan sa Middle East.
00:05Tiniyak naman ang pamahalaan na tuloy-tuloy ang gagawing pag-repatriate ng mga Pilipino na gusto nang umuwi ng bansa
00:11dahil sa gera sa gitnang silangan.
00:14Ang detalya sa report ni Denise Osorio.
00:19Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang Chartered Philippine Airlines Flight PR8502 mula Riyadh, Saudi Arabia.
00:27Sakay ng eroplano ang 343 pasahero.
00:31328 dito ay mga OFW at kanilang mga dependent, kabilang ang mga baby at toddler.
00:38Kabilang sa mga nakauwi ang mga distressed OFW mula sa mga bahay kalingan ng pamahalaan.
00:43Gayun din ang mga humiling na makauwi dahil sa tension sa region.
00:47It's important to keep Filipinos out of harm's way.
00:51Yan, di ba? Naalala nyo yung press briefing ng ating Pangulo.
00:54Yan ang pangunahin niyang tagubilin or emphasis.
00:58The safety of Filipinos.
01:00And kasama dyan, katuwang dyan yung effort ng host government.
01:05Isa sa mga nakasakay sa chartered flight si Janet Tevor.
01:08Isang OFW na halos hindi na umabot sa listahan ng mga nakauwi ayon sa OWA.
01:13May mga pasaherong hindi nakatuloy sa biyahe dahil sa mga aberya sa kanilang mga papel, tulad ng exit clearance.
01:19Kaya kinailangang punuin ang mga nabakanteng pwesto at nakasabay si Janet bilang isang chance passenger.
01:26Matapos ang halos tatlong buwan pananatili sa shelter dahil sa ilang kahirapang dinaranas mula sa kanyang mga dating employer.
01:33Naging huling pasahero si Janet.
01:35Kahapon lang talaga ma'am kasi hindi kami iniwan ng mga opisyal doon.
01:39Gusto nila makasakay talaga kami.
01:42Nakasabay talaga ako ma'am last na talaga last passenger.
01:45Mababait po sila na ma-staff.
01:47May pagkain po, nang mabigay ng hygiene, lahat po ng concern mo.
01:52E ano po nila.
01:53Sinalubong ng DMW, OWA, DOH, DSWD at ng kanilang mga support team para agad na maasikaso ang mga repatriates.
02:01May nakahanda rin tulong para mapadali ang kanilang pag-uwi sa kanika nilang mga lalawigan.
02:07Kabilang na ang bus fares at local flight tickets, pansamantalang matutuluyan kung kinakailangan, at iba pang post-repatriation assistance.
02:15Sa loob ng isang linggo, halos isang libong OFW na ang natutulungan makabalik sa bansa sa pamamagitan ng mga chartered
02:22flight, commercial flight, at iba pang hakbang ng pamahalaan.
02:35May nakahanda rin na servisyong medikal para sa mga dumarating, kabilang ang paunang pagsusuri, gamot, at mag-refer sa mga
02:42pasilidad na maaaring magtuloy sa kanilang gamutan.
02:45Nakatutok rin ang DOH sa mental health ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya, lalo na sa mga dumaan
02:52sa matinding pangamba at stress.
02:53Kaya kailangan una muna meron tayong psychological first aid, doon nalalaman kung merong evident or yung latent, kumbaga, later magmamanifest.
03:05So doon po makikita kung saan siya dapat i-refer.
03:10Meron kasi yung kailangan ng hindi lang counseling, meron ding gamot talaga, kailangan, or meron yung kailangan tala dalhin sa
03:18facility.
03:19So depende doon sa evaluation.
03:21Bukod sa agarang tulong, may mga nakahanda rin na programa para sa reintegration ng mga umuuwing OFW, kabilang ang hanap
03:29buhay, pagsasanay, at iba pang uri ng suporta.
03:32Nakatakdang dumating ang 50 mga OFW na nanggaling ng Kuwait.
03:36Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended