Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Isang ginang ang nawalan ng malay at kalauna’y nasawi habang nakapila sa pamamahagi ng ayuda sa Mandaue City. Ano ang sinasabi ng batas sa ganitong sitwasyon? Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ngayong marami tayong kinakaharap na taas presyo,
00:05lumulutang na naman ang mga usapin ng ayuda at mga subsidy mula sa gobyerno.
00:10Kaugnay dyan, nakakalungkot ang balitan ito.
00:13Isang ginang na nakapila sa ayuda sa Mandawi City,
00:17ang nawalan ng malay at kalaunay na sawi.
00:20Ang ginang nagbabakasakaling pumila sa pamahagi ng 5,000 piso ayuda
00:25para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino noong nakaraang taon.
00:30Sinubukang i-revive ang ginang, ngunit wala na itong buhay.
00:34Kakapanganak lang daw nito, 6 na buwan na ang nakalilipas.
00:38Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:41Ask me, ask Attorney Gabby.
00:50Attorney, ang pagkamatay ng ginang ay nangyari sa isinasagawang programa ng gobyerno.
00:55Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pangyayaring ito?
00:59Ano po ang habol ng pamilya ng biktima?
01:02Well, ang una nating dapat tanungin ay ano ba ang nangyari talaga?
01:06Ano ang naging dahilan kung bakit namatay o nasakta ng isang tao?
01:10Kailangan natin munang malaman kung ano ang dahilan
01:13o ang tinatawag na proximate cause na isang pangyayari
01:17bago natin mahatulan kung meron bang dapat managot.
01:20Sa kaso na ito, kailangan natin suriin kung meron bang koneksyon
01:23ang pamimigay ng ayuda sa nangyaring insidente?
01:27Meron bang pagkukulang o pagpapabaya ang organizers nito
01:30na sana ay napigilan o naibsan ang epekto ng pangyayari?
01:35Nagkakaroon lamang ng laibilidad kung meron pagkukulang o negligence
01:39o masamang intensyon na gumawa ng masama sa ating kapwa.
01:43Of course, mukhang wala namang masamang intensyon na makikita dito.
01:47Otherwise, magkakaroon na isang krimen.
01:49Pero, meron bang pagpapabaya o pagkukulang?
01:52Masasabi natin na sa isang pagkakataon, halimbawa,
01:56na biglang inatake sa puso,
01:58nagkaroon ng aneurysm o stroke ang isang tao,
02:00ito ay tinatawag natin hindi inaasahang pangyayari.
02:04At sa batas, ang tawag dito ay fortuitous event,
02:07mga pangyayaring hindi inaasahan o inaasahan man,
02:11hindi talaga maiiwasan at walang pagpapabaya sa parte ng ibang tao.
02:16At ang general rule po,
02:17walang liabilidad ng mga taong sangkot
02:19o nandun sa paligid sa isang pangyayari
02:22na dulot na isang tinatawag na act of God,
02:25force mature or fortuitous event.
02:27So, ang damages arising from loss or death,
02:30kumbaga, ay itchacharge na lang po natin to experience.
02:34At kasama na dyan ng isang hindi inaasahang
02:36pagcollapse na isang taong nakapila lamang.
02:39Of course, kailangan ng kumpletong investigasyon
02:42tungkol sa pangyayari,
02:43dahil kung meron ngang foul play,
02:45pagpapabaya o pagkukulang,
02:47merong dapat managot dyan.
02:49Pero, as a general rule,
02:51dapat din tayo ang lookout sa mga sarili natin.
02:54So, kung medyo masama ang pakiramdam natin,
02:57may karamdaman,
02:58ay nakuwag na po tayong pumila,
03:00lalo nga at magiging summer na
03:02painit ng painit ang panahon.
03:04Sa mga local government naman,
03:06responsibilidad po ninyo na siguraduhin
03:08ang kapakanan ng mga constituent ninyo.
03:11Kasama na dito yung crowd control,
03:14emergency at medical service,
03:16tamang pagsilong ng mga tao
03:18mula sa sikat ng araw.
03:20Hindi sapat na magbigay ng ayuda lamang,
03:22dapat siguraduhin na ito ay tama
03:24at safe na paraan.
03:27Ang mga usaping batas,
03:29bibigyan po nating linaw
03:30para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:33Huwag magdalawang isip.
03:35Ask me.
03:35Ask Attorney Gabby.
03:39Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
03:41sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:43Bakit?
03:44Mag-subscribe ka na dali na
03:46para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:49I-follow mo na rin ang official social media pages
03:52ng unang hirit.
03:53Salamat ka puso!
Comments

Recommended