Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, August 16, 2025:
Bata nakunang nagko-control ng manibela habang nakakandong sa driver | Lisensiya ng driver sinuspende ng LTO
Lamay naperwisyo ng baha | Lalaking tinangkang sumagip ng taxi sa ragasa, nasawi nang matangay
2 dayuhan patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Malate, Maynila
Tauhan ng Quezon City Hall na umano'y fixer naaresto
Kaso ng dengue tumaas, kaso ng leptospirosis bumaba ayon sa DOH
2 sugatan sa sunog sa residential area sa Brgy. Buli, Muntinlupa
Senado at Kamara mag-iimbestiga na sa mga maanomalyang flood control project
Indian nat'l na wanted sa Qatar dahil sa panloloko arestado sa Pangasinan
NBI Dir. Jaime Santiago nagbitiw sa puwesto dahil daw sa mga naninira sa kanya
Mga katutubong laro isinabuhay sa Kadayawan Festival
6 na kabataan kabilang ang isang menor de edad, arestado sa pagbebenta online ng vape na may marijuana umano
Disgrasya sa probinsya: Tricycle nasalpok ng pickup truck | Truck nang-araro ng bangkulong | Motorsiklo at kotse nagsalpukan
GMA Gala 2025 tagged posts nagtala ng 1 billion views
Huni ng makulay na black-naped oriole, tila alarm clock ng isang babae mula Camarines Norte
LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR | Habagat nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Rollback sa diesel at price hike sa gasolina, posible sa susunod na linggo
Gov. Aurelio Umali pinatawan ng 1-year suspension without pay ng Office of the Ombudsman
Heart Evangelista isinusulong ang awareness sa mga sakit na maaring makuha ng mga pets
Breakfast with a view sa Banaue Rice Terraces sa Ifugao
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Bata nakunang nagko-control ng manibela habang nakakandong sa driver | Lisensiya ng driver sinuspende ng LTO
Lamay naperwisyo ng baha | Lalaking tinangkang sumagip ng taxi sa ragasa, nasawi nang matangay
2 dayuhan patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Malate, Maynila
Tauhan ng Quezon City Hall na umano'y fixer naaresto
Kaso ng dengue tumaas, kaso ng leptospirosis bumaba ayon sa DOH
2 sugatan sa sunog sa residential area sa Brgy. Buli, Muntinlupa
Senado at Kamara mag-iimbestiga na sa mga maanomalyang flood control project
Indian nat'l na wanted sa Qatar dahil sa panloloko arestado sa Pangasinan
NBI Dir. Jaime Santiago nagbitiw sa puwesto dahil daw sa mga naninira sa kanya
Mga katutubong laro isinabuhay sa Kadayawan Festival
6 na kabataan kabilang ang isang menor de edad, arestado sa pagbebenta online ng vape na may marijuana umano
Disgrasya sa probinsya: Tricycle nasalpok ng pickup truck | Truck nang-araro ng bangkulong | Motorsiklo at kotse nagsalpukan
GMA Gala 2025 tagged posts nagtala ng 1 billion views
Huni ng makulay na black-naped oriole, tila alarm clock ng isang babae mula Camarines Norte
LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR | Habagat nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Rollback sa diesel at price hike sa gasolina, posible sa susunod na linggo
Gov. Aurelio Umali pinatawan ng 1-year suspension without pay ng Office of the Ombudsman
Heart Evangelista isinusulong ang awareness sa mga sakit na maaring makuha ng mga pets
Breakfast with a view sa Banaue Rice Terraces sa Ifugao
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Sa videong ito na naka-upload sa Facebook page ng Department of Transportation,
00:44isang bata ang nagko-control ng manibela ng sasakyan habang nakakandong sa lalaking driver.
00:49Maririnig sa background ang pambibigay ng instruction ng ilang tao.
00:52Kanan, kanan, kanan, kanan, kanan, kanan, kanan, kanan, kanan, dito.
00:56Ayon sa pahayag ng Transportation Department, nangyari ang insidente sa parking ng isang mall sa Paranaque noong August 12.
01:04Ay, maski pa.
01:06Gate ng DOTR labag sa batas na paghawakin ng manibela ang isang bata.
01:10Unang-una bawal yun.
01:13Hindi mo pwedeng pagmanayohin yung bata mong anak na wag ang student permit.
01:17Tapos ano lang, tapos musmus pa.
01:20Agad naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office o LTO laban sa driver ng sasakyan.
01:26Pinagpapaliwanag ang driver kung bakit hindi siya dapat sampahan ng mga reklamo.
01:30Kabilang ang paglabag sa Section 4 ng Republic Act 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act.
01:36Kung saan nakasaad na bawal umupo sa unahan ng sasakyan ang isang batang edad labindalawa pababa.
01:41Lalo kung umaandar ang sasakyan, maliban kung pasok siya sa height requirement.
01:46Makakasuan ang driver ng isang motor vehicle na lalabag dito.
01:49Sa guidelines ng LTO, alinsunod sa batas, nakaupo dapat ang mga bata sa Child Restraint System o Booster Seat na akma sa kanilang edad.
01:57Sa RA 11229, hanggang 12 years old ang edad ng mga batang bawal umupo sa unahan ng sasakyan.
02:04Pwede lang ang minor de edad sa front seat kung ito ay may height na 4 feet 11 inches.
02:08At dapat ay properly secured ng seatbelt.
02:11Kasi ang problema sa pagiging pasaway, kung may maaksidente, may madidisgrasya,
02:17baka hindi kang mawagansi ka ng lisensya, baka may kurong pang kasama yun.
02:23Pinasusrender na ang lisensya ng driver na suspendido na ng siyam na pong araw.
02:27Alas 11 ng umaga, sa August 20, pinapapunta ng LTO ang driver ng sasakyan sa kanilang opisina sa Quezon City upa magpaliwanag.
02:34Sinisikap pa naming hanapin at makunan ng pahayagan na turang driver.
02:38Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok, 24 oras.
02:44Kabi-kabilang baha at pagguho ang naitala sa ilang bahagi ng Cebu dahil sa matinding ulan.
02:49At sa Mandawe, isa ang natangay ng baha habang tinatangkang masagip, saragasa, ang isang taksi.
02:58Nakatutok si Femery Dumabok ng GMA Regional TV.
03:06Tulong-tulong na ang mag-anak na ito sa Mandawe City, Cebu para ilipat sa mataas na bahagi ng bahay ang nakaburol na kabaong.
03:14Naabutan kasi sila ng matinding baha sa gitna ng lamay.
03:20Ang lola naman nilang natutulog, pinagtutulungan din nilang buhatin ng abutan ng baha ang kanyang hinihigaan.
03:27Ayon sa Mandawe City, RRMO, nasa mahigit anim na raang pamilya ang apektado sa baha dahil sa pag-apaw ng butwa nun river.
03:36Sa Barangay Paknaan, isa ang nasawi matapos matangay ng baha.
03:40Sinubukan naman ang habulin ng biktima noon ang isang taksi.
03:44Inakala raw nito na may sakay ang taksi kaya sinubukan niya itong iligtas.
03:49Pero kasama siyang natangay ng baha.
03:54Matinding ulan din ang naranasan sa Cebu City dahil sa localized thunderstorms.
03:59Umapaw ang sapa sa isang barangay roon.
04:02Rumaragasa rin ang tubig sa Guadalupe River na nagdulot ng pagkasira ng footbridge.
04:07Sa Barangay Pulang Bato, isang parte ng riprap sa gilid ng sapa ang nasira dahil sa baha.
04:14Sa inisyal na bilang ng Cebu City Social Welfare Office,
04:17nasa mahigit sa daan at tatlongpong pamilya ang apektado ng baha sa Cebu City kagabi.
04:23Bukod sa baha, may naitala ring landslides.
04:27Ang bahay na ito, pinasok na ng gumuhong lupa.
04:30Ligtas naman ang limang residente sa bahay.
04:34May lupa rin na humambalang sa kalsada.
04:37Kaya halos apat na oras stranded ang ilang motorista.
04:41Nakapagsagawa na ng clearing operations.
04:42Para sa Jamie Regional TV at Jamie Integrated News,
04:48Femery Dumabok, nakatutok 24 oras.
04:52Inibisigan ngayon ang motibo sa pagpatay sa dalawang dayuhan sa Malate, Maynila.
04:59Itinomba po sila ng riding in tandem.
05:02At nakatutok si Jumar Apresto.
05:04Dead on the spot.
05:07Ang dalawang foreign national na yan matapos tambangan sa bahagi ng Malvar Street, Malate, Maynila,
05:12mag-aalas 11 kagabi.
05:14Ang mga biktima, malapitang pinagbabaril ng riding in tandem.
05:18Base sa kuha ng CCTV na ipinakita sa atin ang mga tauhan ng Manila Police District.
05:22Makikita ang dalawang biktima na nakasakay sa isang taksi.
05:25Pinababa sila ng dalawang salarin at agad na binaril at kinuha ang kanila mga gamit.
05:30Sabi ng isang saksi, nakatambay sila nang marinig ang ilang putok ng baril.
05:35Pagtingin namin, may dalawa ng nakabulagta.
05:40Yung isa, kinukuha yung mga gamit ng nakabulagta.
05:45Wala silang parehas helmet, tapos parehas silang naka-face mask, naka-sumbrelo.
05:52Tumanggi munang magbigay ng aktual na kopya ng CCTV ang barangay habang gumugulong ang investigasyon.
05:57Pero base sa kanilang monitoring sa CCTV, agad na hinabol na mga nagpapatrolyang polis ang riding in tandem.
06:03Ang baliang umabol po na natin dun sa riding in tandem is mga temaryo po.
06:12At meron pa pong sumunod na dalawang polis na tumatakbo lang po.
06:16Nag-exit po sila ng Adriatico, going to ng Alonso Adriatico po.
06:23Ang baliang labas po nun, sir, Bocobo na po, Antagos.
06:27Ayon sa Manila Police District, parehong nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang dalawang biktima.
06:32Napagalaman din ang polis siya na isang lalaking marketing staff ng isang club ang kasama nila sa loob ng taksi bago mangyari ang krimen.
06:39Ito raw ang nag-alok sa mga biktima na magtungo sa kanilang bar.
06:42Dinala siya sa tanggapan ng MPD para sumailalim sa investigasyon.
06:46Hindi pa malinaw kung saan galing ang mga biktima bago ang pamamaril.
06:49Dalawang basyon ng bala ng hinihinalang 9mm pistol ang narecover sa crime scene.
06:53Inaalam pa ng motoridad kung ano ang nationality ng mga biktima dahil walang ID na nakuha sa kanila.
06:59Pero isang opisyal ng Manila Korea Town Committee ang nagtungo sa crime scene.
07:03Patuloy naman ang backtracking at hot pursuit operation ng polisya para mahuli ang riding in tandem at malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.
07:11Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto, nakatutok 24 oras.
07:18Maging bisiga ang Quezon City LGU matapos mahuli ang isang tauhan sa City Hall na fixer o manon ng mga papeles.
07:25Napeke pa.
07:26Ang isang na biktima niya na wala ng milyon-milyong piso.
07:30Nakatutok si Katrina Son, exclusive.
07:32Inakalang mapapadali ang paglalakad ng mga papeles.
07:50Pero sa huli, nalagasan ng milyon-milyon si May, di niya tunay na pangalan.
07:56Dahil iyan, sa babaeng nagpakilalang taga City Hall na anyay handa raw lakari ng mga kailangang permit
08:02para muling buksan at ma-renovate ang kanilang dialysis center na nagsara nitong pandemic.
08:08Sabi po niya, ay ano, tamang-tama dahil malakas ako sa City Hall, sa accounting department ako nagtatrabaho.
08:14Ako yung humahawak ng payroll ng mga taga City Hall.
08:18Nagtiwala raw siya sa kagustuhang matapos agad ng renovation.
08:22Pero panay raw ang hingi sa kanila ng sospek ng pera.
08:25Pinipilit din daw silang mag-advance ng renewal permit.
08:29Kung hindi, baka ipasara raw ang dialysis center.
08:33Dahil nagdududa na raw si May,
08:35pina-verify niya sa Quezon City Hall ang mga hawak nilang permit galing sa sospek.
08:40Ang resulta, peke ang mga dokumento.
08:43Laking panlulumo ni May dahil umabot na sa mahigit 4 na milyong piso ang nakubra sa kanila.
08:50Wala na po kami ang trabaho nung kapatid ko kasi kami nagtatrabaho eh.
08:55Yung life savings po, pamilya namin ang puna na po doon.
09:00Kaya nagpatulong na sila sa mga otoridad.
09:02Sa isang fast food restaurant sa Quezon City, doon kinatagpo ang babaeng sospek.
09:08Inabutan siya ng brown envelope na ang laman, marked money na nasa 800,000 pesos.
09:15Umalis sa glit ang babaeng inabutan ng sobre.
09:17Pero pagbalik, nilapitan siya at hinuli ng mga operatiba.
09:21Ang sospek, napagalamang Accounting Aid 3 sa Accounting Department ng City Hall.
09:35Ayon sa mga otoridad, matagal na raw itong ginagawa ng sospek.
09:38Pag natunogan niya yung isang building ay nagpaparenovate or kailangan na isang permit, lalapitan niya.
09:45Tapos mag-offer siya ng mag-assess, mag-assess, mag-process na lahat ng dokumento.
09:50Tapos sihinga niya ng pera.
09:54Tapos una, ratakutin niya muna na ito ay malaki ang penalty niyo.
09:58Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek na nahaharap sa mga reklamong robbery extortion at estafa.
10:05Inaalam din kung may kasabot siya sa City Hall.
10:08Giyit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
10:11Hindi nila kinukonsinte ang korupsyon at handa raw silang umaksyon sa anumang irregularidad o paglabag ng kanilang mga tauhan.
10:19Hindi rin anya kailangan ng fixer para kumuha ng mga permit dahil maaari na raw malakad ang mga iyan online.
10:27Pwede rin daw tumawag sa kanilang hotline.
10:30Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, Nakatutok 24 Horas.
10:37Tumaas ang bilan ng mga kaso ng dengue sa bansa sa loob lang ng dalawang linggo matapos ang habagat at mga sunod-sunod na bagyo nitong Hulyo.
10:46At sa DOH, may gitlabin limang libo ang mga naitalang kaso ng dengue nitong July 13 to 26 kung kailan naramdaman ang epekto ng habagat at ng mga bagyong kising, Dante at Emong.
10:59Pitong porsyento itong mas mataas sa may gitlabing apat na libong kaso noong June 2 to July 12.
11:07Sa mga kaso ng leptospirosis, mula sa halos dalawang daang kaso araw-araw noong August 3 to 9,
11:13bumaba sa sampu kada araw ang naitalang kaso nitong August 10 to 14.
11:18Sa ngayon, halos apat na libong kaso ng leptospirosis ang naitala mula June 8 hanggang August 14.
11:25At nananatili pong naka-alerto ang mga DOH hospital at halos 15 leptospirosis fast lanes sa buong bansa.
11:38Laki ng sunog!
11:41Nagliparan ang mga alipat po dahil sa laki ng sunog sa isang residential area sa Muntinlupa.
11:47Ay sa mga bumbero, sumiklabang sunog sa barangay Buli bago mag-alas 4 ng umaga.
11:52Mabilis kumalat ang apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
11:57Inabot ng mahigit isang oras ang pag-apula sa sunog na umabot ng ikalawang alarma.
12:03Ayon po sa barangay, dalawa ang bahagyan na sugatan at dinala sa ospital.
12:08Inaalam pa kung ilang pamilyang apitado, gayon din ang sanhi na apoy at ang halaga ng pinsala.
12:16Sisimulan na ng dalawang kapulungan ng kongreso ang kanika nilang imbisigasyon sa mga maanumalyang flood control project.
12:26May hamon pa kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isiwalat ang mga dokumento at mga pangalan na mga sinasabi niyang sangkot sa katiwalian.
12:37Nakatutok si JP Sariano.
12:38Mahiyang naman kayo.
12:44Sa gagawing imbisigasyon ng Kamara para tukuyin ang mga mambabatas na umano'y sangkot sa maanumalyang flood control projects ng gobyerno.
12:52Kabilang sa mga iimbitahan ng House Try Committee ng Public Accounts, Public Works at Good Government, si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
13:00Disclose, sino po yung 67 lawmaker contractors na binabanggit niya in the last couple of weeks na saan po yung mga dokumento.
13:09He has to be able to do it under oath.
13:12Kasi araw-araw na po niya yung sinasabi, up until today, it has been the fourth week.
13:18It's been more than a month.
13:20Wala pa rin pong pangalan.
13:21Wala pang bagong tugon si Magalong sa sinabi ng Kamara, pero dati na niyang sinabi na handa siyang isumiti sa Pangulo ang mga pangalan at ebidensyang meron siya.
13:31Sabi dati ni Magalong, kalimitang moro-moro o gawagawa lang anya ang bidding sa mga flood control project.
13:38Kadalas ay nananalo anya ang mga paboritong kontraktor na mga politiko na anya'y mabilis magbigay ng kickback ang karamiwang mga nananalo.
13:46Ayon anya sa mga mismong nakausap niyang kontratista sa 100% na project cost, 25% umano ang ibibigay sa Committee on Appropriations ng Kongreso.
13:58Sa kabuan, ayon kay Magalong, nasa 30% na lang ng budget para sa proyekto ang natitira at nagagastos.
14:07Tanong noon ni Magalong, paano magiging patas ang imbistigasyon ng Kamara kung mga kabaro nila ang sinasabi ni Magalong nasangkot?
14:14Sabi ni Ridon, may mekanismong susundin ang komite.
14:19Ibibigay ho natin yung karapatang sumagot sa mga kinatawan po na ito.
14:24Dapat ipasa na po ito sa isang independent third party probe para lang ho maging malinaw na wala ho tayo nga dapat pagtakpan.
14:35Isa rin sa posibleng mapasama sa imbistigasyon, ang campaign donation sa mga mambabatas na masasangkot.
14:41Titignan daw kung galing ito sa mga sangkot na kontraktor.
14:45Bukod sa Kamara, sisimula na rin ang Senado ang imbistigasyon nito sa parehong issue.
14:51Sabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Rodante Marcoleta sa martes na gagawin ang imbistigasyon.
14:57Sa isang pahayag, aminado si Marcoleta na hindi raw magiging madali ang imbistigasyon nito.
15:02Lalo't bilyong-bilyong pisong halaga na mga proyekto ang sangkot dito.
15:07Pero inaasahan daw niya ang kooperasyon ng mga magiging resource person at ang publiko.
15:13Para sa GMA Integrated News, JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
15:18Arestado sa Pangasinan ay isang Indian National na nasa notice ng Interpol.
15:25Wanted po siya sa Qatar dahil sa umano'y panluloko.
15:28At nadiscovering nakakuha pala siya ng lehitimong Philippine passport.
15:34Nakatutok si John Consulta.
15:35Laking gulat ng 49-anyos na Indian National na ito nang arestuin siya ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit o FSU
15:49pagkatapos dumalo sa isang hearing sa Lingayang Pangasinan nitong Huwebes.
15:53Ayon sa FSU, may red notice sa Interpol ang dayuhan dahil sa kanya umano'ng panluloko sa mga pinanggalingang bansa.
15:59Based sa Interpol red notice niya, I wanted siya sa Qatar dahil sa panluloko niya.
16:05Sinasabing nagpapanggap siya na isang businessman or opisyal ng isang malaking kumpanya
16:10kung saan nag-o-order siya ng mga electronic gadgets at appliances.
16:15Pag nakuha niya itong mga in-order niya ay bigla na lang siyang maglalaho.
16:20Pero ikinagulat ng BI ang kanilang natuklasan
16:23nang mag-backtrack sa naging aktibidad ng dayuhan mula nang pumasok ito sa bansa noong 2016.
16:29Napag-alaman din nga natin na gumagamit na rin siya ng Philippine passport.
16:34So dahil nga po siguro nakakuha siya, based sa ating research,
16:39nakakuha po siya ng late registration, kaya po nakakuha siya ng genuine na Philippine passport.
16:45May kipag-ugnayan din po tayo sa DFA at sa PSA
16:48para malaman po kung paano po siya nak-acquire po nitong Philippine passport.
16:53Dagdag ng BI, may nakarating sa kanilang impormasyon na meron rin na biktimang Pilipino ang dayuhan.
16:59Dahil nga po may local case po siya dito sa atin,
17:02hihintayin po natin matapos yun at maporosahan siya dito
17:06bago po natin siya mapa-deport or mapa-extradite sa Qatar.
17:11Sinusubukan pa namin makuda ng pahayag ang dayuhan na nasa BI Detention Facility sa Taguig.
17:16Para sa GMA Integrated News,
17:18John Consulta, nakatutok 24 aras.
17:21Nagbitiyo sa pagiging direktor ng National Bureau of Investigation si retired Judge Jaime Santiago.
17:29Nakasaad sa kanyang resignation letter na irrevocable o hindi na mababawi ang kanyang pagbibitiyo.
17:36At kay Santiago, mayroon na niya mga detractor at ibang nakakainteres sa kanyang posisyon
17:41na walang tigilan niya sa paninira sa kanya.
17:44Nagsimularo ito noong una siya maghahe ng courtesy resignation
17:48bilang pagtalima sa direktiba noon ni Pangulong Bongbong Marcos.
17:52Epektibo ang kanyang irrevocable resignation kapag may itinalaga ng kapalit
17:57para raw hindi magambala ang operasyon ng NBI.
18:02Nagpasalamat din si Santiago sa anya'y pribilehyong maglingkod sa Administrasyong Marcos Jr.
18:08Sinusubukan ng GMA Integrated News na kumuha ng karagdagang informasyon mula kay Santiago,
18:13kao ngayon ang mga binanggit niya sa kanyang sulat.
18:16Kinopema naman ang Malacanang na nagsumitin ng resignation si Santiago
18:20pero hindi pa sila sumasagot kung tinanggap na ng Pangulo ang pagbibitiyo.
18:27Festival mode ngayon sa Davao City, dasa Kadayawan 2025.
18:32At kanina po, ilang katutubong laro ang muling isinabuhay.
18:36At mula sa Davao City, nakatutokla si Janney Esteban ng GMA Regional TV.
18:43Janney!
18:47Yes, Pia, ibinida ng labing isang ethno-linguistic group
18:52ang kanilang mga katutubong laro ngayong araw para sa Dula Kadayawan.
18:56Buhay na buhay ang mga katutubong laro sa People's Park sa isinagawang Dula Kadayawan sa Davao City ngayong araw.
19:07Isa ito sa mga highlights sa Kadayawan Festival.
19:10Tampok ang mga laro ng labing isang ethnic groups sa lungsod.
19:13Isa na rito ang larong aaro o karang relay ng indigenous people.
19:19Kailangang nakapatong ang mga paa sa karang na gawa sa kahoy na magsisilbing paa at magpapabilisan sa pagtakbo.
19:25Sa unang tingin, aakalain mong simpleng laro pero kailangan mong aralin ang pagbalanse bago ito makabisado.
19:32Sa kabila ng modernong panahon, nilalaro pa rin daw ito ng kabataan ng tribong matigsalog.
19:54Nagpalakasan naman ang mga lumahok sa Bubuntog o Tog of War.
19:58Palakasan ng braso ang larong ito. Mag-uunahan ang magkabilang grupo sa paghilan ng lubid.
20:04Ang unang makalampas sa linya, ang siyang mananalo.
20:09Nagpabilisan din sila sa pagbayo ng palay o tinatawag na bibinayo.
20:13May paunahan din na makagawa ng apoy gamit ang tuyong kawayan o tutaringki kung tawagin.
20:18Ang mga grupong moro naman, nagpabilisan sa pagkudkod ng gata ng nyog na tinatawag na kakurkur.
20:26Na ata sa modern world tapos focus na tanahan sa gadget, very important na i-introduce na ito ni Balik sa ito mga younger generations.
20:34Silang lahat nagkakaisa sa pagpapanitiling buhay ng kanilang kultura at tradisyon, sa kabila ng hamon ng modernisasyon.
20:42Pia, ngayong gabi nakatakda ang konsyerto Kadayawan.
20:50Handa na nga yung itablaro rito sa Rizal Park para sa isang selebrasyon ng musika at pagtatanghal.
20:56Bukas naman ay matutunghayan ang mga makukulay na float sa pamulak at ang street dance competition o ang indak-indak.
21:04Mula rito sa Davao City, happy Kadayawan. Balik sa iyo Pia.
21:09Happy Kadayawan at baghang salamat.
21:12Gianni Esteban ng GMA Regional TV.
21:14Arestado sa Quezon City ang anim na kabataan, kabilang ang isang minod edad,
21:20dahil sa pagbebenta online ng VIP, na mayroon umanong mariwanan.
21:25Nakatutok si Jonathan Nanta.
21:27Pero natutok pa natutok.
21:30Sumulod ka lang dito, wala sumulod ka lang.
21:32Ito ang bybas operation ng CIDG at DTI sa mga kabataang nagbebenta umanong ng VIP
21:38na may hinihinalang mariwana sa isang kondominium sa Quezon City.
21:416 ang arestado, edad 25 ang pinakamatanda, 17 ang pinakabata.
21:47Mga estudyante pa sila, grade 12 hanggang 3rd year college.
21:51Itong klaseng mga vape na ito na may cannabis content ay pinagbabawal.
21:55Ito ay binibenta po sa online, one month ang ating surveillance dito.
22:01Ang mga market nila ay halo-halo eh, yung mga party goers, mga youth.
22:06Bukod sa vape na may hinihinalang marijuana, may nakumpis ka rin party drugs na ecstasy
22:11at tatlong sa shay ng hinihinalang shabu.
22:13Ang siste, sabi ng CIDG, kapag may buyer, paaakitin ito sa condo unit
22:18at minsay, doon na rin nagsesesyon.
22:21Todo tanggi naman ang mga nahuli.
22:23Hindi po.
22:26Nag-i-staycation lang po kami.
22:28Wala po talaga akong alam doon kasi nag-drop lang o dumaan lang ako doon.
22:34Hindi ko nga sila kilala eh.
22:35It's so alarming na baka talamak na ito sa ating mga kabataan.
22:42So, maging mapanuri po sa lahat ng mga ginagamit ng anak.
22:46Baka pala itong ibang klaseng vape na pala ang ginagamit ng inyong mga anak.
22:52Nandito naman pala sa packaging ng vape na ito na may cannabis content ito.
22:56Tingnan nyo po ito ma'am. Alarming po ito.
22:59Sunod na hanapin daw ng CIDG ang supplier ng mga kabataang ito.
23:03Sabi ng CIDG, posibleng smuggled ang mga hindi rehestradong vape.
23:07Sasampahan ng reklamong may kaugnayan sa droga ang mga nahuli.
23:11Ang minor de edad idudulog ng CIDG sa DSWD.
23:15Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
23:21Hulikam sa Batangas ang pag-araro ng truck sa isang bangkulong na ikinasawi ng isa.
23:26Sa bataan naman, dalawa ang nasawi na ang nasalpok ng pickup at bumangga pa sa poste ang isang tricycle.
23:32Ang mga disgrasya sa probinsya sa pagtutok ni Darlene Cai.
23:39Duguan at nakaipit pa sa pagitan ng dalawang posi ang isang pasahero ng tricycle matapos silang masalpok ng isang pickup truck sa Herbosa Bataan kaninang umaga.
23:48Nayupi ang tricycle matapos masalpok at bumangga pa sa poste.
23:52Wasak din ang unahan ng nakabanggang pickup.
23:55Ayon sa isa sa mga unang rumesponde, narinig nila ang malakas na tunog sa banggaan.
24:00Nasawi ang dalawang babaeng pasahero ng tricycle.
24:16Sugatan at gindala sa ospital ang tricycle driver at isa niyang angkas.
24:19Sinisika pa namin makuha ang payag ng mga sugatan.
24:21Gayun din ang panig ng pickup driver na hawak na ng Hermosa Police.
24:25Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamilya ng mga nasawi.
24:28Sa kuha ng CCTV sa National Highway sa Balayan, Batangas noong Webes, kitang nag-menor ang isang owner-type jeep.
24:35Sumalpok dito ang kasunod na bangkulong o tricycle dahil hindi ito nakapreno.
24:40Pero inararo ito at nakaladkad naman ang kasunod na truck.
24:44Dinala sa ospital ang mga sakay ng bangkulong pero dead on arrival ang isang pasahero na edad labin lima.
24:50Nagpapagaling ang apat na sugatan.
24:52Ayon sa polisya, nagkaareglo na ang pamilya ng biktima at may-ari ng truck.
24:57Wasak, sasalpukan ang isang kotse at isang motorsiklo sa Banga, South Cotabato kagabi.
25:02Ayon sa Banga, polis.
25:03Nag-swerve sa kabilang niya ang motorsiklo kaya sumalpok sa kasalubong na kotse.
25:07Dead on arrival sa ospital ang tumilapong rider.
25:09Tumanggig magbigay ng pahayag ang kanyang mga kaanak, gayon din ang driver ng kotse na sugatan at nagpapagaling na.
25:16Hawak na ng Banga, polis.
25:17Ang dalawang sasakyan.
25:18Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
25:27Record-breaking milestone para sa mga kapuso ang online engagements kaugnay sa GMA Gala 2025.
25:33Ayon sa Sparkle GMA Artist Center, sa loob lang ng dalawang binggo, umabot na sa 1 million views ang lahat ng tagposts na may hashtag na GMA Gala 2025.
25:45Base raw ito sa TikTok Live at Tubular.
25:47Walang hanggang pasasalamat sa inyo, mga kapuso.
25:50Nakasanayan na nating magising sa tilaok ng manok.
25:59Pero ang wake-up call ng nakilala naming taga-Kamarines Norte, hindi raw nakakagulat kung hindi music to the ears daw.
26:06Kuni kasi ito ng isang ibon.
26:08Ano kayang ibon ito?
26:09Kuya Kim, ano na?
26:15Tiyak, marami sa atin.
26:16Bad trip kapag tumulog ng alarm tuwing umaga.
26:21Pero hindi daw ang taga-Kapalonga, Kamarines Norte na si Adele.
26:24Ang kanya kasing alarm,
26:28ganito ang tunog.
26:31Huli ng mga makukulay na ibon ito, na tila tumakatok daw sa kanyang bintana tuwing umaga.
26:37Yung post ko po sa TikTok is parang last week lang siya.
26:40Pero simula po ng pandemic, lagi na po talaga sila pumupunta simula anon.
26:45Tapos hindi po lang sila nakikita kasi meron po kortina po.
26:49Ang mga bisita ni Adele, may mahabang toka na kulay pink.
26:53Ang balahibon ito sa katawan, napakatingkad.
26:56Kulay nilaw sa mga lalaki at may pagkaberde naman sa mga babae.
26:59Habang itin naman ito sa parte ng mata, ulo, pakpak at buntot.
27:03Ang hindi ko na po pinabalik yung kortina.
27:05So kapag umuwi po ako dito,
27:07saka ko lang siya nakikita na ayun pala yung nagiging alarm plaka.
27:11Ang tawag sa ibong ito, Oriolus chinensis o Blacknape oriol.
27:17Sa Bicol, kilala itong Kalyaw o Kikiyaw.
27:19Native ang mga ibong ito sa Pilipinas at sa maraming bahagi na Asia.
27:23Padalas silang makita sa mga kagubatan at paminsan-minsan sa mga hardin at haniman.
27:28Ang kinakain nila, mga prutas, insekto at uod.
27:32Sa ngayon, disconcern pa ang status ng mga Kikiyaw.
27:35Pero mahalaga pa rin protektaan ang kanilang mga natural na tirahan
27:37para patuloy nating marinig ang kanilang mga humi.
27:40Na alam niyo bang meron palang pinapahiwatig?
27:43Ginagamit nila ito para maghanap ng kapareha tuwing breathing season
27:46at magbabala sa kanila mga kasama kung may nakaambang panganib.
27:50Laging tandaan, kimportante ang may alam.
27:53Ito po si Kuya Kim, magsagot ko kayo 24 oras.
27:58Isang low pressure area ang binabantayan ng pag-asa
28:01sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
28:03Huli po itong namataan, 805 kilometers west ng Iba Zambales.
28:09Ay sa pag-asa, mababa ang chance na maging bagyo ito
28:11sa loob ng 24 oras.
28:14Makaka-apekto ang trough o extension nito
28:17sa may northern at central Luzon,
28:19particular na sa Ilocos Region,
28:21Batanes, Babuyan Islands,
28:23at Cordillera Administrative Region.
28:27Habagat naman ang nakaka-apekto sa southern Luzon,
28:30western Visayas, at maging sa Metro Manila.
28:34Bases sa rainfall forecast na Metro Weather
28:36asahan ng ulan bukas sa malaking bahag ng Luzon
28:38at posible rin ang light to intense rains
28:41sa Visayas at Mindanao, lalo na sa hapon.
28:44Kaya maging alerto po sa Bantanabaha
28:46at pagguho ng lupa.
28:48May chance rin ang light to heavy rains
28:50sa Metro Manila,
28:51kaya huwag kalimutang magdala ng payong.
28:56Dagdag bawas sa presyo ng petrolyo
28:58ang asahan sa susunod na linggo.
29:00Sa atansya po ng kumpanyang Uni Oil,
29:02siyam na pong sentimo hanggang piso
29:04at sampung sentimo kada litro
29:06ang posible rollback sa diesel.
29:08Pero sa gasolina,
29:09asahan na po ang bahagyang taas presyong
29:11sampu hanggang tatlong pong sentimo kada litro.
29:15Ay sa Oil Industry Management Bureau,
29:18ilan sa mga dahilan ng dagdag bawas sa presyo
29:20ay ang pagtaas ng pandeigdigang supply
29:22at ang paghina ng demand sa langis,
29:25gayon din ang pagkalma ng economic tensions
29:28sa pagitan ng Amerika at China.
29:33Si Rus Pinding,
29:34ng Office of the Ombudsman,
29:35si Nueva Ecija,
29:36Governor Aurelio Umali.
29:38Isang taon ang ipinato sa kanyang
29:40suspension without pay.
29:42Bonesut po ito ng reklamo sa gobernador
29:44at iba pang opisyal
29:46kagunoy sa pagbibigay ng query permits
29:48ng walang Environmental Compliance Certificate
29:52o ECC
29:53mula sa DNR.
29:55Sinusubungan pa namin
29:56makuna ng pahayag si Umali,
29:58kag-nerito.
30:04I-sinusulog ni Heart Evangelista
30:06ang awareness sa mga sakit
30:07na maaaring makuha ng ating mga alaga
30:09matapos tamaan ng leptospirosis
30:12ang kanyang pet dog na si Panda.
30:14Yan at iba pang pinagkakaabalahan
30:16kapuso global fashion icon
30:18sa ating chino.
30:22Thankful si Heart Evangelista
30:24dahil doing fine na raw
30:25ang kanyang fur baby na si Panda
30:27matapos tamaan ng leptospirosis
30:30na maaaring nakuha
30:31sa paglusong sa baha
30:32kamakailan
30:33ng kapuso global fashion icon.
30:36Isinusulong niya ang awareness
30:38na kahit ang ating pets
30:39maaaring makakuha ng sakit na ito
30:42lalo kapag tag-ulan.
30:44Sobrang na-stress ako
30:45but you know
30:46there's a vaccine for it
30:48and talagang kailangan
30:50atun ka sa mga anak mong fur babies
30:52dahil konting changes lang
30:54na gusto ko lang ng konti
30:55pacheck up na agad
30:56especially
30:57lalo na sa mga ginitong baha.
30:59Kasama sa mga kinabibisihan ni Heart
31:02ang patuloy na pagiging head
31:04ng Senate Spouses Committee
31:05batid niya raw
31:06na marami pa ang dapat gawin
31:08para makatulong
31:09at isang personal commitment daw ito
31:11para sa kanya.
31:12It's a lot of work for me
31:15pero hindi naman ako
31:16binabless na ganito
31:17para lang sa sarili ko eh.
31:19It's also to share that
31:20so it's a very personal thing for me.
31:23Naaliw din si Heart
31:24nang makita niya
31:25ang post ng isang bata
31:27na nag-DIY
31:28ng kanyang look
31:29sa GMA Gala 2025.
31:32Okay, nahanap ko siya
31:33so kung mahanap ko siya
31:34I really want to have time
31:37na makilala sila
31:39kasi hindi lang ito yung una
31:40but ito yung pangalawa
31:42the last time
31:43they did my last look
31:44sa Gala
31:44which was also Scoparelli
31:46and nakakatawa
31:47that they put so much heart
31:48and hard work into it
31:49I really want to meet them.
31:57Hindi lang siya
31:58na ang mabubusog
31:59sa masasarap na pagkain
32:00sa isang pamosong pasyalan
32:02sa Ipugaw
32:02dahil pati ang mga mata
32:04mabubusog
32:05sa ganda ng view.
32:06Pasyal tayo
32:07sa pagtutok
32:07ni Marie Sumali.
32:12Kung ang breakfast mo
32:13may ganito pang view
32:14it's giving a perfect morning.
32:17Sure na busog
32:18ang mata mo
32:18sa majestic view
32:19ng Banaue Rice Terraces
32:21sa Ipugaw.
32:22Silugman ang iyong kakainin
32:23o anumanang nakahain
32:25talagang mapapasarap ka
32:26ng kain.
32:28Perfect spot
32:28para sa mga nature lover
32:30at mahilig mag-relax
32:31ang luntian
32:32at mala stairway to heaven
32:34na hagdan-hagdang palayan.
32:36Kaya ang traveler
32:37na si Pia Garcia
32:38na pangarap daw talagang
32:39makita in person
32:40ang sikat na mga palayan
32:42sa kabundukan
32:42ramdam na sumakses
32:44sa kanyang panawa experience.
32:46Sa mga gustong bumisita
32:47ihanda lang ang sarili
32:48sa matarik na daan
32:49at mahaba-habang trekking
32:51para sa adventure
32:52na sobrang rewarding.
32:54O saan tayo
32:55sa susunod na pasyal
32:56o podrim?
32:57I-share nyo
32:57sa 24 Horas Weekend page
32:59ang inyong travel
33:00at food adventures.
33:01Para sa GMA Integrated News,
33:03Marizo Umali
33:03na tutok,
33:0424 Horas.
33:05And that's my chica
33:09this Saturday night.
33:10Ako po si Nelson Canlas.
33:11Pia?
33:13Salamat, Nelson.
33:15At yan po
33:15ang mga balita
33:16ngayong araw na Sabado
33:17para sa mas malaki misyon
33:19at mas malawak
33:20na paglilingkod
33:21sa bayan.
33:22Ako po si Pia Arcangel.
33:24Mula sa GMA Integrated News,
33:26ang News Authority
33:27ng Pilipino.
33:29Nakatuto kami,
33:3024 Horas.
33:31ng
33:33mga balita
33:35mua balita
33:44mga balita
33:44bula
33:44mga balita
33:45mi
33:47blipino
33:47maga balita
33:47sin
33:48é
33:49na
33:49mga balita
33:49Non
Comments