Skip to playerSkip to main content
Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang isang babaeng Chinese national na sangkot umano sa nabistong daan-daang kilong hinihinalang shabu mula sa sumadsad na speedboat sa Occidental Mindoro.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinutugis ngayon ang mga autoridad ng isang babaeng Chinese national
00:03na sangkot umano sa nabistong daan-daan kilong hinihinalang Shabu
00:07mula sa sumadsad na speedboat sa Occidental Mindoro.
00:10Nakatutok si June Feneration.
00:16Umabot na sa 900 kilograms ang naimbentaryong hinihinalang Shabu
00:20mula sa sumadsad na speedboat sa Paluan Occidental Mindoro.
00:24Base sa markings sa mga pakete,
00:26posibleng galing daw sa Vietnam ang kontrabando.
00:28Sa inisyalang pagsusuri ng PIDEA,
00:31nasa 90% ang purity ng droga.
00:33Mas mataas kesa sa 30% purity ng mga nakukumpiskang Shabu sa local drug market.
00:40Ang usual nito ay high seas binabagsak.
00:43High seas.
00:44So sa malaking barko, ibababa nila sa speedboat.
00:47Ang speedboat, itatakbo nila papunta rito.
00:49Isang babaeng Chinese national ang tinutugis ngayon ng mga otoridad.
00:53Dahil lumalabas sa investigasyon na siya ang bumili ng sumadsad na speedboat
00:57na ginamit sa pagbiyahe ng droga ng dalawang naunang naarestong Chinese.
01:02Ang tinutugis sa babae rin daw ang nagrenta sa isang apartment sa Batangas
01:07na tinirhan ng mga naarestong Chinese nang dumating sila sa Pilipinas nitong March 5.
01:12Siya rin daw ang nagpadala ng dalawang naarestong Pinoy
01:15para i-rescue ang mga Chinese nang sumadsad ang speedboat.
01:19They are not ordinary criminals.
01:21These are syndicates.
01:24These are foreign.
01:25These are Chinese-run syndicates na minawalangya ang ating bansa.
01:34Meron pa silang mga drones at satellite phones.
01:37So it signifies na itong sindikato na ito is a well-financed drug syndicate.
01:44Patuloy ang monitoring ng mga law enforcement unit
01:46para maghanap ng droga na posibleng tumilapon mula sa nabutas na speedboat.
01:52Sabi ng PIDEA, matagal ang target ng mga sindikato
01:55ang mga magpustitang droga sa mga baybayin ng Mindoro.
01:58We will get into the bottom of this case.
02:01We will find out.
02:02We will find out kung sino yung mga mastermind cohorts.
02:05Sa tayaan ng mga otolidad,
02:07nasa isang daang kilo pa na hinihinalang siya po ang posibleng nawawala.
02:10Ang bahagi raw ito ng nasabat na shipment na ito.
02:14Nagtutulungan ngayon, iba't iba ngayon siya ng pamahalaan
02:16para mahanap ang droga na yan.
02:18Mula rito sa Oriental Mindoro.
02:20Para sa GMA Integrated News,
02:22June Venerationo Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended