Skip to playerSkip to main content
The price of diesel could go up as high as P22 per liter, according to some industry sources, as air strikes in the Middle East continue.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, maaaring umabot sa 22 piso kada litro ang taas presyo ng diesel sa susunod na linggo.
00:07Ayon po yan sa mga oil industry source.
00:09At sa gitna po ng pagsirit ng presyo ng langis, binabantayan din ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal.
00:16Ating saksihan!
00:21Karaniwang bumper to bumper tuwing umaga ang southbound lane ng EDSA mula Kamuning hanggang Kubaw.
00:26Pero kanina, tuloy-tuloy ang usad.
00:29Bahagya rin maluwag ang trapiko sa iba pang lugar sa Metro Manila kahit pabiyernes.
00:34Tingin ng ilang commuter, epekto ito ng pagpapatupad ng 4-day workweek sa ilang LJU.
00:40At mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan bilang pagtitipid bunsod ng malakihang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:48Pero wala pa raw datos ang MMDA para masabing kumunti nga ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan sa
00:54Metro Manila dahil diana.
00:56Kitang-kita talaga na umunti yung daloy ng trapiko.
01:00Kasi po lalo na po sa 4 days, siguro yung mga tao po natuto na rin po dahil sa pagtasang
01:05gasolina. Umiwas din po sila sa gasolina.
01:07Todo nga ang paghihigpit sa sinturon ng marami at mukhang kailangan pang mas higpitan.
01:12Lalot ayon sa industry sources, 15 to 20 pesos kada litro ang posibleng maging dagdag sa presyo ng diesel.
01:1813 to 15 pesos naman sa gasolina. Batay raw yan sa 4-day average ng Minof Plats, Singapore.
01:25Pero mas mataas ang estimate ng ibang industry source. 19 to 22 pesos kada litro sa diesel.
01:3213 to 16 pesos naman sa gasolina. Hindi na tuloy malaman ng mga tsuper kung saan buhugot ng panggas.
01:38Mag-antay lang ako sa disisyon sa operator kung bawihin yung jeep. Sa Batanes, sumipa na sa 112 pesos and
01:4950 centavos per liter ang presyo ng diesel.
01:52Nang bombahin noong Merkules ang ilang barko na may kargang langis habang tumatawid sa Strait of Formos, sumipa ang bentahan
01:59ng langis sa global market.
02:00Bago magsara ang bentahan kahapon, tumaas ng 12 US Dollars ang kada barilis ng diesel.
02:06Sumipa rin daw sa 30 US Dollars per barrel ang premium o insurance, transportation at profit margin ng oil importer.
02:14Si Pangulong Bongbong Marcos, pinatawag sa Malacanang ang mga executive ng oil companies para matiyak ang supply ng langis.
02:21Kaya umaasa ang mga tsuper sa 5,000 pisong ayuda ng gobyerno.
02:25Sa loob ng tatlong araw simula sa darating na Martes, March 17, target mabigyan ang nasa 139,000 tricycle drivers
02:34sa Metro Manila.
02:35Sisimulan lang sa Metro Manila, then we move out of Metro Manila.
02:40Yung mga cities at yung mga areas na napakaraming tricycle drivers, lahat yan matutulungan.
02:4439 payout centers ang tutukuyin ng DSWD.
02:48Sa Quezon City at Maynila, halimbawa dahil may 6 counselor districts, may 6 na payout centers din bawat isa,
02:55na target mamahagi ng 1,000 na benepisyaryo kada araw.
02:59Driver's license lang, hindi na kami muna hihingi ng philcis o kung anumang idea.
03:03Yan, driver's license. Sigurado din yung valid, sabihin hindi expired.
03:07Sigurado din yung pangalan doon ay ang nag-a-appear na pangalan doon sa talaan ng local government unit.
03:13Pagdating naman sa ibang mga nasa sektor ng transportasyon, tulad ng jeep, bus, taxi, TNBS, motorcycle taxi at delivery rider,
03:22hindi na lokal na pamahalaan, kundi transportation department na ang magiging katuwang ng DSWD dahil sa kanila manggagaling ang listahan.
03:3230 billion pesos ang paunang pondo mula sa DSWD na agaran ang magagamit para sa mga lubhang apektado na.
03:39At maaring maapektuhan pa kung magtuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo na mga produktong petrolyo.
03:45Pag titiyak ng DSWD, mapupunta sa mga dapat makatanggap nito ang pondo at mahigpit daw nilang babantayan ang probisyong kontra
03:53sa pag-efal ng mga politiko sa pamamahagi nito.
03:56Pero hindi lang sa transportasyon at pagkain, mararamdaman ang pagmahal ng langis.
04:01Ayon sa ekonomist ng si Prof. Emanuel Leico, magdudulit din ito ng medical inflation o pagmahal ng servisyong medikala.
04:08Krudo kasi ang raw material ng maraming medical equipment at supply tulad ng hiringgilya, surgical equipment, oxygen mask kahit na
04:16gloves.
04:17At dahil magmamahal ang transportasyon, tataas din ang logistics cost ng mga ito na karamihan na i-imported.
04:23Hindi malayo na magkakaroon din ng direct impact agad-agaran.
04:28Although meron silang mga long-term supply agreement, nagkakaroon din sila ng hygiene.
04:35Yan, tisipate na rin nila na magkataas ng presyo ito. So, umuti-untiin na rin nila.
04:42Ang Department of Health, binabantayan na raw ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal at gamot sakaling magkaproblema sa supply chain.
04:50Kasi tumatas ang presyo ng lahat eh. Dahil nga sa nangyayaring gera, kailangan mag-catch up si Phila at yan
04:55ang pinapatutukan ng Pangulong.
04:56Pero ngayon pa lang, ramdam na ni Lola Rosalina ang mahal na bayaring sa ospital.
05:01Kaya hindi raw nila alam saan kukuha ng pambayad para sa apong tatlong araw nang nakakonfine.
05:07Meron naman po yatang swa. Kahit konti mabawasan. Pero po kahit po naman mabawasan po yung pambayad, wala rin po.
05:17Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
05:23Mga kapuso, maging una sa saksi. Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended