Skip to playerSkip to main content
  • 3 weeks ago
Posible na raw pumalo sa 100 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel sa susunod na linggo, ayon sa estimates ng industry sources.

Pero hindi laging mas mataas ang presyo ng diesel kaysa gasolina, ayon sa datos ng mga nagdaang taon. Bakit nga ba mas tumataas ang presyo nito ngayon? Alamin sa video.
Transcript
00:00Aabot na sa 66 hanggang 90 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel sa Metro Manila
00:05matapos ang ilang araw ng staggered na pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.
00:10Pusible pa raw itong pumalo sa 100 pesos kada litro sa susunod na linggo
00:15batay sa pagtataya ng industry sources.
00:18Ang gasolina naman umakyat na rin sa 57 hanggang 84 pesos kada litro
00:22at maaaring madagdagan pa ng 12 pesos kada litro next week.
00:26Epekto pa rin ito ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market
00:30kasabay ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
00:33Pero alam niyo ba na hindi lagi mas mataas ang presyo ng diesel kaysa gasolina?
00:38Katunayan, sa datos ng Department of Energy mula 1990 hanggang 2025
00:43karaniwang mas mataas ang presyo ng gasolina kaysa diesel.
00:47Pero may ilang pagkakataon gaya noong Hunyo hanggang Desyembre ng 2022
00:51na nababalik na dito at mas tumataas ang presyo ng diesel.
00:54Ano nga ba ang mga posibleng dahilan ng mas mataas na presyo ng diesel?
00:58Isa sa mga posibleng faktor na nakaapekto sa mga mataas na presyo ng diesel
01:03ay ang isyo ng supply at produksyon.
01:05Ayon sa DOE, noong 2021, bumaba ng 68.1% ang lokal na produksyon ng diesel sa bansa.
01:12Nangyari ito matapos magsara ang isang malaki refinery noong 2020
01:17habang sumailalim naman sa maintenance shutdown ang isa pa noong February hanggang May 2021.
01:22Kapag bumababa ang kapasidad ng local refineries na magproduce ang sarili nitong diesel,
01:27bumababa ang supply kaya napipilitang umangkat ang Pilipinas sa ibang bansa.
01:32Halimbawa, dahil sa pagkawala ng dalawang major local refineries noong first half ng 2021,
01:38tumaas ng 50.1% ang naging diesel imports ng bansa.
01:42At kapag mas umaasa ang bansa sa imports kaysa sa local production,
01:46mas mabilis na aaapektuhan ng paggalaw ng presyo sa global oil market ang presyo ng diesel sa Pilipinas.
01:52Kapag tumataas din ang demand, tumataas din ang presyo ng diesel kumpara sa ibang mga produktong petrolyo.
01:58Sa Pilipinas, diesel ang may pinakamataas na demand sa petroleum products ayon sa DOE.
02:04Sa pinakahuling datos ng ahensya noong 2024, nasa 11.7 billion liters ang total demand para sa diesel.
02:12Pinakamataas ito kumpara sa gasoline na may total demand na 8.5 billion liters at kerosene na may 52.7
02:19million liters na demand.
02:21Hindi lang sa Pilipinas mataas ang konsumo nito.
02:23Sa buong mundo, diesel din ang may pinakamalaking demand sa mga refined petroleum products.
02:29Ayon sa International Energy Agency, aabot sa 28.3 million barrels ang global demand para sa diesel kada araw noong
02:372025.
02:38Pinakamataas ito kumpara sa 27.4 million barrels per day na demand para sa gasoline at 7.7 million barrels
02:46per day na demand para sa kerosene.
02:49At kapag mataas ang demand para sa diesel habang limitado ang supply nito sa global market,
02:54tumataas ang presyo nito na sa ilang pagkakataon ay lumalampas sa presyo ng gasolina.
03:00Bakit nga ba mataas ang demand sa diesel?
03:02Saan ba ito ginagamit?
03:03Malawak ang gamit ng diesel sa freight transportation o ang pag-transport ng mga commercial products at ibang pang-manufactured
03:10goods by landman o by sea.
03:12Diesel ang pangonahing langis na ginagamit ng mga truck, cargo ships at mga tren sa pag-transport ng mga produkto.
03:19Diesel din ang karaniwang ginagamit ng mga sasakyan para sa public transport gaya ng mga bus at jeep.
03:25Ginagamit din ang diesel sa malalaking agriculture equipment pati na sa mga makinaryang na ginagamit sa konstruksyon.
03:31May mga lugar din kung saan ginagamit ang diesel para sa mga generator ng kuryente.
03:37Dahil sa lawak ng mga sektor na gumagamit ng diesel, tumataas din ang demand para dito.
03:42Sa pinakahuling DOE price breakdown noong nakaraang buwan, sinasabing sa presyo ng kada litro ng diesel, humigit-kumulang,
03:4959% ang import cost, 22% ang napupunta sa buwis gaya ng value-added tax at excise tax,
03:5712% ang industry take o ang napupunta sa oil company para sa operating costs at profits,
04:02at 7% ang napupunta sa cost ng CME o Coconut Methyl Ester na required ihalo sa diesel.
04:10Batay sa datos na ito, makikita ang laki ng bahagi ng presyo ng diesel na nakadepende sa global oil market.
04:16At sa panahong patuloy ang pagsipa ng presyo nito sa panda-indigang merkato tulot ng tension sa Middle East,
04:22inaasahang patuloy rin ang magiging pagtaas ng presyo ng diesel sa bansa.
04:51Rao Klubo
Comments

Recommended