00:00Sabay ng patuloy na pagtaas ang presyo ng petrolyo sa bansa,
00:03dahil sa tension sa Middle East,
00:05pinag-uusapan ngayon online ang umanoidapat na incentives
00:08na ibinigay ng isang petroleum company kay Olympic champion Heidelin Diaz.
00:14Matatandaang matapos makuha ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo 2020,
00:20ipinangako ng natural petroleum company kay Heidelin ang lifetime free gas bilang insentibo.
00:27Pero ayon sa manager ng atleta na si Manuel Noel Ferrer,
00:31hindi umano tinupad ng kumpanya ang nasabing pangako.
00:34Sa social media posts, ipinaliwanag ni Ferrer na walang nakasaad na kondisyon sa inilabas na anunsyo
00:40ng kumpanya at inilahad ito bilang insentibo para sa atleta.
00:45Ngunit ayon sa naging pag-uusap nila ni Heidelin,
00:48nakatanggap lamang daw ito ng fuel support sa loob ng unang dalawang taon matapos ang kanyang Olympic victory.
00:54Samantala, nitong Webes,
00:56naglabas na ng opisyal na pahayag ang petroleum company kaugnay ng isyo.
01:01Iginiit ng kumpanya na natupad nila ang kanilang commitment kay Diaz,
01:06ngunit hindi na naipagpatuloy ang fuel donation,
01:09matapos pumasok si Heidelin sa kontrata sa ibang petroleum brand.
01:13Dagdag pa ng kumpanya,
01:15matagal na nilang sinusuportahan ang mga atletang Pilipino,
01:18at noong 2021 ay nagbigay sila ng limang milyong piso kay Heidelin Diaz bilang donasyon.
01:25Nagbigay din umano sila ng tatlong milyong piso kay na silver medalist Carlo Paalam at Nesty Petesio,
01:31at isang milyong piso naman kay bronze medalist Yumer Marshall.
01:35Samantala,
01:36nagpahayag din ng pagkadismaya ang nasabing petroleum company
01:40dahil sa muling pagungkat ng issue matapos ang ilang taon
01:44at sinabing may mga nakalilito at hindi pantay na batikos laban sa kumpanya.
Comments