00:00Nagsagawa ng Campus Job Fair ngayong araw sa Polytechnic University of the Philippines Main Campus,
00:06ang Department of Public Works and Highways, sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon sa Santa Mesa, Manila.
00:13Tinatayang nasa 700 na estudyante at alumni ang nagparehistro sa naturang aktibidad
00:18na layong mapunan ang mahigit 2,000 bakanting posisyon sa DPWH.
00:24Kasabay nito, nangako si Secretary Dizon na pupondohan sa 2027 national budget ang 1.5 bilyong piso
00:33para matapos ang 10 gusali na ipapatayo sa PUP.
00:38Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 40,000 ang kabuang bilang ng mga estudyante sa PUP
00:44na direktang makikinabang sa proyekto ng kagawaran.
Comments