00:00Aabot sa mahigit 7 billion piso ang panukalang pondo ng Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation and Unity para sa susunod na taon.
00:11Ilalaan ang 70% ng budget sa pagsuporta sa mga dating rebeldeng nagbalik loob sa gobyerno.
00:18Yan ang ulatibien, Manalo.
00:21Mahigit dalawang dekadang naging kasapi ng CPP-NPA-NDF Far South Mindanao Region si Noel Ligaspi.
00:29Siya ang tumayong tagapagsalita ng grupo na may mahigit isang libong miyembro.
00:35Maraming beses na niyang naranasang makipagbakbakan sa mga otoridada.
00:39Minsan na rin siyang nasa buga ng granada sa gitna ng labanana.
00:43Noong panahon kasi namin medyo malakas ang activism so I was enticed to join nung ako ay estudyante ng isang universidad sa Mindanao.
00:51My parents at the time natanggal sa trabaho tapos medyo malakas ang activism sa loob ng paralan.
01:00So naghanap ako ng kakampi.
01:02Wala na ani ang sasakit pa kapag may nasusugatan o nasasawi sa kanyang mga kasamahan.
01:07Kaya noong 2018 napagdesisyonan niya na magbalik loob na sa gobyerno at magbagong buhay.
01:13Siya ngayon ang tumatayong presidente ng Buklod Kapayapaan Federation Incorporated
01:19na karamihan sa mga miyembro ay pawang mga dating rebelde.
01:23Sinabi ko naman sa mga kasama ko na lalabas na ako, uuwi ako sa amin.
01:28Then dahil wanted nga ako so nag-question sila so baka mag-delikado.
01:33Sabi ko hindi naman kasi I will voluntarily surrender.
01:37Sana bumalik na sila.
01:39Na-surrender na, bumaba na, isalong na yung armas, iwanan na yung arma ng Paking Baka
01:44at makiisa na doon sa kampanya ng Kapayapaan.
01:49Isa lang si Noel sa mga former rebel na nakiisa sa Kapistahan Peace Fair 2025
01:54ng Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation and Unity o UPAPRU sa Makati.
02:01Bahagi rin ito ng selebrasyon ng National Peace Consciousness Month.
02:06Tampok sa naturang fair ang iba't ibang lokal na produkto
02:09na likha ng mga dating rebelde, people's organizations, UPAPRU-assisted communities at partner LGUs.
02:16May mga baniga, bag at sinelaza na gawa sa abaniko mula sa grupo ng mga kababaihan sa Eastern Samara.
02:24Nariyan din ang inuming ipinagmamalaki ng General Nakar sa Quezona.
02:29May mga sumbrero at basket na gawa ng mga dating rebelde mula naman sa Negros Occidentala
02:34at iba't ibang handicraft.
02:36Because of the intervention of the national government, their livelihood and their lives are being normalized already
02:41at ang kagandahan na yung mga people's organizations, kumikita na sila.
02:46So nag-normalize na sila.
02:47Samantala, umusad na sa Senate Committee ang budget deliberation ng UPAPRU para sa susunod na taon.
02:54Mas mataas ng halos 2 bilyong piso ang kanilang panukalang pondo para sa 2026
03:00kumpara sa kasalukuyang budget.
03:03Pinakamalaking bahagi o mahigit 70% ng kabuuan pondo ay ilalaan sa pamana programa
03:09o payapa at masaganang pamayanan.
03:11Ito ang national framework ng gobyerno sa pagsusulong ng kabayapaan at taonlaran sa mga tinatawag na conflict-affected area.
03:21Dadagdagan ang pondo para sa scholarship ng former combatants at ng kanilang pamilya
03:26at maging na mga indigenous people.
03:28At bibigyang prioridad din ang rehabilitasyon ng mga komunidad at conflict-prone communities
03:34sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
03:36BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.