00:00PTV News
00:30Pinakamaraming naapektohan naman sa Negros Island region.
00:34Samantala, nasa 48,000 na tao ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.
00:42Kaugnay niya, numabot na sa mahigit 775,000 pesos ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development sa mga nasa lanta ng Bagyong Verbena at Shear Line.
00:54Matatandaang una nang itinaas ng DSWD Disaster Response sa Blue Alert ang kanilang status para matiyak ang agarang paghahatid ng tulong sa mga nasa lantang pamilya.
01:06Samantala, pumalo na sa mahigit 2.4 million na kahon ng family food packs at halos 25,000 na ready-to-eat food boxes ang naipamahagi ng kagawaran sa mga nasa lanta ng Bagyong Tino at Uwan sa Bansa.
01:20Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang bawat Pilipino hanggang sa sila ay makabangon mula sa nagdaang kalamidad.
01:32Samantala, alamin natin ang ibang balita sa PTV Cotabato mula kay Tricia Aragon.
01:36Assalamualaikum, Mapyay Kapipita Rakanu. Magandang araw. Narito na ang PTV Balitang Cotabato.
01:47Sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Bangsa Morotonomous Region in Muslim Mindanao, isang panibagong hakbang ang ginawa ng pamhalaang regional matapos aprobahan ang 64 million pesos na halagaan ng investments.
02:01Patuloy na pinalalakas ng Bangsa Morotonomous Region in Muslim Mindanao o BARM ang pag-angat ng ekonomiya nito matapos aprobahan ang dalawang bagong pamumuhunan na nagkakahalagaan ng 64 million pesos na magbubukas ng 106 na trabaho bago matapos ang susunod na taon.
02:19Kabilang sa Greenleaf Investment ang 50 million pesos na logistics projects sa Tawi-Tawi na layong palakasin ang Inter-Island Water Passenger Transport.
02:30Lusot na rin ang 14 million pesos na Sharia Compliant Arrangements projects sa Cotabato City na magpapalawak sa micro-taka-full products at magpapalakas ng akses ng Islamic Financial Services.
02:44Ang dalawang bagong pamumuhunan ay dagdag sa 5 bilyong total investments na naitalaan noong October 20, patunay ng lumakas na kumpiyansa na mga mamumuhunan sa pamamalakad ng BARM na nakabatay sa transparency, stability at accountability.
03:01Tiniyak ng Bangsamoro Bureau of Investments ang pagpapatuloy ng pag-attract ng high-impact at responsible investment na susuporta sa sustainable development at magbibigay ng mas maraming kabuhayan na nakaayon sa Strategic Investment Priority Plan ng BARM.
03:19Sa matala sa ibupang balita, sa gitna ng patuloy na pagbabago at pag-unlad ng Bangsamoro Region, pinaigting pa ng COMELEC ang paghahanda para sa nalalapit na halalan sa pamamagitan ng Resolution No. 11181, isang makasaysayang hakbang,
03:36ang isinusulong upang matiyak ang kaiyusan, integridad at kahandaan para sa BARM Pulse na itinakda sa March 30, 2026.
03:46Formal ng inilatag ng Commission on Elections ang kumpletong kalendaryo at mga patakaran para sa kauna-unahang regular na parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM sa pumamagitan ng Resolution No. 11181.
04:04Gaganapin ng halalan sa March 30, 2026 alinsunod sa utos ng Korte Suprema na maisagawa ito bago matapos ang Marso.
04:13Batay sa Resolution, itinakda ang Filing of Certificates of Candidacy mula Jan. 5 hanggang Jan. 9, 2026.
04:23Ilalabas naman ang opisyal na listahan ng mga kandidato pagsapit ng Feb. 2, 2026 habang magsisimula ang opisyal na campaign period sa Feb. 12 at magtatapos sa March 28, 2026.
04:37Sisimula ng election period sa Jan. 29 hanggang April 14, 2026 kasabay ng agarang pagpapatukad ng Kanban sa buong BARM.
04:48Ayon sa COMELEC, ang mahigpit na implementasyon ng resolusyon ay mahalaga para matiyak ang maayos, mapayapa at makatarungang halalan lalo na ito ang unang parliamentary election mula ng maipagpaliba ng botohan noong 2022.
05:06Tinitiyak din ng poll body na sapat ang panahon para ayusin ang automated systems, logistics at deployment ng election personnel.
05:15At yan ang mga balita ngayon dito sa Cotabato. Ako si Trisha Aragon. Syukran at magandang araw.
Comments