00:00Nakatutog si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sitwasyon sa mga lugar na hinahagupit ng Super Typhoon Nando.
00:07At ang direktiba ng Pangulo, mabilis na tinugunan ang pangangailangan na maapektado ng bagyo.
00:15Si Clayzel Pardilla sa detalye. Clayzel.
00:20Aljo, tinututukan at mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26ang sitwasyon ng bansa sa harap ng banta ng Super Bagyong Nando.
00:33Sa mensaheng ipinaabot ni Pangulong Marcos kay Palas Press Officer at Undersecretary Claire Castro,
00:40sinabi ng Presidente na nakatanggap na sila ng ulat na ilang lugar na ang binabayo ng malakas na hangin.
00:47Pero wala pang malaking epekto ng pagulan.
00:50Sa kabila nito, patuloy ang isinasagawang preemptive evacuation.
00:54Siniguro ng Presidente na mahigpit na imomonitor ang sitwasyon
00:58at ipinagutos niya na ibigay ang lahat ng pangangailangan.
01:06Direktiba pa ng Pangulo, full government mobilization.
01:10Ang ibig sabihin niya ng Aljo, ilabas ang mga resources na kinakailangan sa pagtugon sa bagyo.
01:16Ipinagutos din sa mga national at local government unit
01:21na maging alerto sa posibleng pagpaha, daluyong at paguhon ng lupa
01:26at unahin ang kaligtasan ng taong bayan.
01:29Una na rin inilabas ang Office of the President
01:32ang isang memorandum na nagsususpende sa trabaho sa gobyerno
01:36at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila.
01:38Pero inutusan ang mga ahensyang responsable
01:41sa paghahati ng mga basic at health services
01:44na gawin ang kanilang mga tungkulin
01:47para matulungan ang ating mga kababayan
01:49sa harap ng banta ng sakuna.
01:52Yan na muna ang pinakahuling balita mula lito
01:55sa Malacanang Baliksayo, Aljo.
01:57Marami salamat, Kleisel Partilia.