00:00Epekto ng tensyon sa Middle East sa presyo ng kuryente sa bansa,
00:04ating pag-uusapan kasama si Atty. Francis Saturnino Juan,
00:08ang chairperson ng Energy Regulatory Commission.
00:11Atty. Juan, magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali, direct Cheryl.
00:16Atty. Sa gitna po ng tumitinding tensyon sa Middle East
00:20na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado,
00:25pakipaliwanag po sa ating mga kababayan
00:27kung paano maaaring maapektuhan ang presyo ng kuryente dito sa ating bansa.
00:33Inaasahan natin na kung tataas ang presyo ng panggatong sa pamilihang pandaigdig,
00:38ay magmamahal din ang presyo ng kuryente sa atin.
00:43Dahil ginagamit ng malaking bahagi ng ating mga planta dito sa Pilipinas,
00:50ay yung panggatong na yun, kung mas mamahal,
00:54ay mas mamahal din ang presyo ng kuryente nila.
00:57Okay, sir, pakipaliwanag din po,
00:59paano po ba nakaka-apekto itong paggalaw ng global fuel prices
01:02sa generation cost ng kuryente na kalauna na isinisingil din sa mga consumer?
01:08Yung ating mga utilities, sila ay bumibili ng kuryente mula sa mga generation companies.
01:15Either ito sa pamamagkita ng power supply agreements o doon sa WSM o yung wholesale electricity spot market.
01:24Ngayon, kung yung kanilang mga kontratang pinasok,
01:27ay mayroon doong mga provision na nagsasaad na kung magmamahal yung fuel,
01:32yung cost ng fuel, ay otomatikong magtataas din yung presyo ng kuryente na isinusupply sa kanila.
01:38So, yung presyo ng kuryente na isusupply sa kanila kung magmamahal naman,
01:44ay otomatiko na masisingil nila ito sa kanilang mga consumer
01:51at magtataas sila ng kanilang generation charge.
01:55Sir, meron na po bang nakikitang indikasyon ng ERC na maaaring tumaas ang electricity rate
02:02sa mga susunod na buwan dahil sa sitwasyon sa international energy market?
02:07Yung indikasyon ay nandyan na, pero yung eksakto kasi na magiging halaga ng pagtaas
02:14ay hindi pa natin matukoy dahil ito ay nakadepende kada distribution utility
02:20dahil iba-iba yung level ng kanilang mga kinontrata mula sa ating mga generation companies
02:26at yung level ng kanilang binibili mula sa wholesale spot market.
02:32Sir, matanong lang din po namin, ano po ba ang mga mekanismo ng ERC
02:36para matiyak na kung meron man magkakaroon man ng pagtaas sa singil sa kuryente
02:41ay magiging makatarungan at hindi ito magdudulot ng labis na pasanin sa budget ng mga consumer?
02:49Una ay yung mga power supply agreements na pinasok ng ating mga utilities.
02:54Ito ay dumaan sa pag-aaral at pag-aproba ng komisyon.
02:58Ngayon, ang ginagawa natin ay iniinventaryo natin lahat ng mga PSAs na ito
03:03upang makita natin, mabantayan natin, mamonitor kung ang ating mga distribution utility
03:09ay sumusunod doon sa mga kontratang pinasok nila
03:14at yung mga generation companies na nagsusupply sa kanila
03:17ay sumusunod din doon sa naaprobaang presyo.
03:21Pagdating naman sa wholesale electricity spot market
03:24mayroon na tayong mga umiiral na mekanismo
03:26upang makapag-mitigate ng sobrang pagtaas
03:30dito sa presyuhan ng kuryente sa WESM
03:32at ito ay yung price cap natin at yung secondary price cap.
03:37Sir, paano naman po minomonitor ng ERC
03:41ang power generation companies at distribution utilities
03:45para maiwasan ang posibleng overcharging
03:47o yun pong hindi makatarungang singil sa kuryente?
03:51Oo, yun na nga yung pagtingin natin, pagbantayin natin
03:55doon sa kanilang implementasyon ng kanilang power supply agreements
03:58at yung kanilang buwan ng pagsusumite sa ERC
04:03ng kanilang mga datos o informasyon
04:06kasama na dito yung mga resibo
04:09na kanilang binapayaran sa kanilang mga generation suppliers
04:13at ganoon na rin sa WESM.
04:14So, tinitingnan natin na yung kanilang paniningil
04:17ng generation charge ng transmission
04:19at iba pang pass-through charges
04:21ay naaayon lamang doon sa umiiral na mekanismong
04:24inaprobahan ng komisyon.
04:27Doon sa nabanggit mo, sir, na mekanismo kanina
04:29bukod po doon sa regulasyon, sa presyo
04:31ano pa po yung mga hakbaang ng ERC
04:33upang mapanatiling stable at sapat ang supply
04:36ng kuryente sa bansa sa gitna ng global energy uncertainties?
04:40Pagdating naman doon sa pagpagsisiguro
04:44na stable yung ating mga presyo sa kuryente
04:47ay mayroon din tayong mekanismo
04:50tulad nung pag-i-intervene sa market
04:53at kaya naman ay yung pag-dedirect
04:56sa mga utilities natin
04:58na utay-utayin ang paniningil
05:00ng anumang pagtataas
05:02nang sa ganoon ay maiwasan natin yung
05:04bill shock ng ating mga end-users.
05:07Sir, mensahin nyo na lang po
05:10sa ating mga kababayan?
05:13Sa mga panahong ito
05:15na napakarami ng pwedeng mangyari
05:18ang magagawa natin
05:20ay kontrolin talaga
05:22ang konsumo natin ng kuryente
05:24ang ERC naman
05:26kasama at sa pakikipagtulungan
05:28sa ibang ahens
05:29sa pinungunahan ng Department of Energy
05:32ay nakikipagtulungan
05:34upang magawa natin
05:36ang lahat ng magagawa
05:37para baibsan yung
05:39masamang dulot
05:40nung nag-incrisis sa Middle East.
05:43Alright, maraming salamat po
05:45sa inyong oras.
05:46Atty. Francis Saturnino Juan
05:48ang chairperson
05:49ng Energy Regulatory Commission.
Comments