Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Panayam kay Philippine National AIDS Council Executive Director Dr. Joselito Feliciano ukol sa pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV sa bansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV sa bansa,
00:03ating tatalakayan kasama si Dr. Joselito Feliciano,
00:06Executive Director ng Philippine National AIDS Council.
00:10Dr. Feliciano, magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali po, Kongjun, si Craig.
00:17Una po sa lahat, para maunawaan ng ating mga kababayan,
00:21ano po ba ang mandato ng Philippine National AIDS Council
00:24pagdating sa pagharap sa issue ng HIV at AIDS sa bansa?
00:30Ang Philippine National AIDS Council po ay isang policy-making body.
00:35Siya ang nangunguna sa paggawa ng polisiya at pagmamonitor
00:39supposedly ng mga implementasyon ng ating response for HIV and AIDS.
00:49Sir, ano po ang inyong datos o observasyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV dito sa Pilipinas?
00:56At saka anong edad po karamihan yung mga biktima na naitatala ngayon?
01:00Okay, sa ngayon, medyo hindi ganun kagandang datos natin.
01:06Makikita sa datos na tayo ngayon ay isa sa pinakamaraming bagong kaso.
01:12Ang kaso natin sa huling report ng Department of Health Epidemiology Bureau ay nag-a-average ng 57 cases per day.
01:25Hindi siya masyado maganda dahil meron pa tayong projections galing din sa DOH na kung tayo ay magpapatuloy lamang sa business as usual,
01:36pwede pa itong tumaas hanggang sa mas malaking bilang.
01:41Ang estimate nila pwede tayo umabot ng hanggang kalahating milyon by 2030, year 2030.
01:49At ang mas malungkot na balita ay pabata ng pabata ang age group ng mga bagong kaso.
01:56So, last year, nakita natin na halos 50% ng mga bagong kaso ay nanggagaling sa age group ng 15 years old to 25 years old.
02:09So, masyadong bata yung grupo na yan.
02:11Sir, meron bang particular na region o lungsod na may matinding pagtaas ng kaso base sa inyong monitoring?
02:21Sa monitoring po natin, nakikita po natin halos concentrated ang mga kaso natin sa mga highly urbanized area.
02:30Kung ibabase po natin ito sa mga region, ito po ay ang NCR, Calabar Zone, Region 3, Region 6 and 7, pati Region 11.
02:44So, ito pong 6 na region na ito already comprises halos 80% na po ng kaso.
02:49So, highly urbanized area po ang talagang karamihan kung saan nakikita natin ng kaso.
02:55Pero, dapat po natin tandaan na ang mga people living with HIV ay mga tao na gumagalaw.
03:02Mobile po sila.
03:03So, kahit na na-detect sila sa isang lugar, hindi imposible na makita rin po sila sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
03:12So, sir, sa inyo pong pagsusuri, ano yung mga pangunahing dahilan kung bakit tumataas yung bilang ng kaso ng HIV,
03:18lalo na po doon sa age bracket na damanggit ninyo, 15 to 35?
03:21Okay, sa ating pong mga pag-aaral, nakita natin na medyo mababa ang informasyon tungkol sa HIV and AIDS.
03:30Mababa ang kanilang kalaman tungkol sa HIV and AIDS.
03:35Pangalawa, dahil nga sa advent ng teknolohiya, mas madali na silang maka-access sa mga, for example,
03:43maka-access ng kanilang mga sexual partners sa pamagitan ng online or ng internet.
03:49Meron na rin mga tinatawag na application online kung saan mas madali silang makakakuha ng makaka-partner nila sexually,
03:58isa sa mga mode of transmission ng HIV.
04:03Ano naman ang papel ng edukasyon sa sex at reproductive health sa kasalukuyang kalagayan ng HIV at AIDS status sa bansa?
04:11Ah, napakalaki po, no? Kasi sa HIV, ang una-una nating gustong mangyari ay magkaroon ng tamang kaalaman,
04:21ang lalong-lalo ng ating mga kabataan.
04:24Kasi sa pagkakaroon ng tamang kaalaman tungkol sa HIV, ay magkakaroon sila ng pagkakataon upang proteksyonan ang kanilang sarili.
04:34Hindi lamang ang kanilang sarili, kundi ang kanilang mga kaibigan o mga mahal sa buhay sa pamagitan ng tamang kaalaman.
04:42Kung tama, kung ang kaalaman mo sa HIV, alam nila kung kailan at kailan sila dapat magpatest,
04:50ano ang kanilang mga proteksyon na dapat gawin para makaiwas sa pagkakahawan ng HIV.
04:55Dok, ano-ano naman po yung mga programa o kampanya sa kasalukuya na isnasagawa ng PNAC para mapigilan yung pagtaas ng kaso?
05:04At paano ninyo isusulong itong awareness at HIV testing sa mga kabataan?
05:09Kasi may mga iba dyan na nahihiya magpatest.
05:12Ang Philippine National AIDS Council ay kinabibilangan ng labing dalawang government agencies na pinungunahan ng Department of Health,
05:26ng ating Secretary of Health, at siyem na representasyon coming from the key population.
05:35So ano yung mga ginagawa ngayon ng PNAC?
05:36Ngayon po ay nasa batas po na ini-implement natin ang kanya-kanyang mandato na pagpapalaganap ng tamang inkormasyon tungkol sa HIV and AIDS.
05:48For example po, sa komunidad.
05:51Sa mga bata, andyan ng DILG at ang SK, sa pangunguna po ng SK at ng National Youth Commission,
05:58nagsisimula po sila ngayon na mag-lead ng information campaign para sa komunidad, sa mga bata.
06:05Pagdating naman po sa workforce, sinisimula at pinangungunahan po ito ng ating DOLE, Department of Labor and Employment.
06:15At sa mga government agencies naman po, may mga issuances ang Civil Service Commission para sa Information Education Campaign ng HIV.
06:26Ganon din po sa Department of Education kung saan sila ay mandated na at least integrate nila age-appropriate sa kurikulum ng mga bata at tungkol sa HIV.
06:42Ganon din po na mandato rin ng DEPED na dapat i-train nila ang kanilang mga guro, ang kanilang mga counselor.
06:50At nang sa ganon ay maipasa rin ito sa mga magulang na mga batang mag-aaral through the parents.
06:57At tinutulungan din po tayo, malaking tulong ko ang ating mga civil society organizations at ilang mga kasamahan natin sa private sector.
07:12Sa ngayon ay unti-unti nagtutulong-tulong po tayo para taytingin ang kampanya sa informasyon tungkol sa HIV.
07:21Sa kasalukuyan, gaano po ka-accessible ang HIV testing at treatment services sa mga karaniwang Pilipino?
07:29Meron po ba ito nga at gaya ng napag-usapan may stigma nga patungkol dyan?
07:34Kaya kung meron din po ba yung parang private testing kit na mabibili lang at gagawin sa mga kanilang bahay?
07:41At ano ang ginagawa ng PNAC upang mas mapadali ang pag-access sa anti-retroviolent treatment?
07:47Okay. Una sa lahat po, gusto kong ipalam na meron po tayong, all over the Philippines, meron po tayong 266 na treatment facility.
08:01Nagbibigay po ito ng libring testing, basta libring testing, libring gamot.
08:07Nakasaan po sa batas na libre po ang gamot sa HIV.
08:12At pagdating naman po, sinisigurado natin sa ating mga kababayan na ang pagpapatingin nila or pagpapatest ay mananatiling confidential.
08:22Yan po ay nasa batas din.
08:24At kung sakasakaling mabreak ang confidentiality na yun, meron po yung karampatang parusa sa batas.
08:29Kaya makakaasa po kayo na syempre, iingatan ng ating mga health workers ang confidentiality ng kanilang pagpapatest.
08:38Pangalawa po tungkol sa stigma na sinasabi ninyo, tama, isa po yan sa problema natin.
08:44Dahil ang kampanya natin tungkol sa stigma is, una, dapat meron kang tamang kaalaman para hindi mangyari ang stigma.
08:54Dahil pag alam mo kung ano ang tama, paano ma-transmit ang HIV, paano mapiprebentahan, mas bababa yan.
09:03At bukod doon sa stigma, ang ating kampanya dyan ay yung ating basic na kultura ng paggalang at respeto sa kapwa.
09:13Imbes na kutsain natin ang ating kapwa ay supportahan natin sila at tulungan.
09:19Kasi hindi natin alam, dahil sa stigma na yan, yan ang nagiging dahilan.
09:26Kaya marami pong PLHIV ang hindi nagpapatest.
09:30Doc, may support na po ba o assistance din yung PNAC para sa mga HIV positive na pasyente pagdating sa mental health?
09:40Actually, sa mga health facilities po, maraming health facilities na ang integrated na yung supporta.
09:47So, may supporta po tayo sa iba't ibang mga tulad yan sa mental health.
09:54Sa DSWD, nagbibigay din po yan ng supporta sa ating mga people living with HIV pagdating sa, minsan kakulangan sa pamasahe,
10:04kung meron din tayong mga supporta pagdating sa, meron mga organized support groups.
10:10Pag kailangan ng ating PLHIV ng supporta, lalo na kung nagkakaproblema sila sa pamilya, kung paano nila i-disclose yung pa nilang sitwasyon.
10:19So, pagpunta po nila sa mga treatment hubs, doon po makikita nila rin na andun yung iba't ibang support group para sa ating mga PLHIV.
10:29So, hindi lang po yung sa health, kundi sa non-health, meron din po tayong pantulong para sa ating mga PLHIV.
10:37Mensahe nyo na lang po sa mga Pilipino tungkol sa HIV at AIDS.
10:40Okay. So, ang panawagan ko po, unang-una, makialam at maging may alam.
10:49Alamin po natin kung paano ang tamang kaalaman tungkol sa HIV.
10:54Ano ba ang HIV? Ano ba ang AIDS? Paano ba ito natatransmit? Paano ba ito maaaring iwasan?
11:00Ano, kailangan din po para matigil ang stigma, bigyan natin ng paggalang at respeto yung ating mga kababayan na nagpapatest o bag natin silang husgahan.
11:18Pangalawa po, dahil sa tamang kaalaman ay ma-assess ninyo ang sarili ninyo.
11:23Kung ma-assess ninyo ang sarili ninyo na sa tingin ninyo, kailangan nyo magpatest dahil you are a trace, magpatest po kayo.
11:30Kung negative ang resulta, stay negative.
11:33Kung naman positive, magpunta po sa pinakamalapik na treatment facility.
11:38Meron po tayong listahan ng lahat ng treatment facility sa ating website.
11:43pinak.doh.gov.eh
11:47Ano po lahat ng numero at mga contact person ng ating mga treatment facility.
11:52Makakaasa po kayo na confidential ang mangyayaring gamutan at libre po ang mga gamutan
11:58para sa mga government agency.
12:01Siyempre, pag private po ang pinuntahan ninyo, meron po yung kaukulang bayad pag sa private.
12:08So, get tested and be informed.
12:12Maraming nga salamat po sa inyong oras, Dr. Joselito Feliciano, Executive Director ng Philippine National AIDS Council.

Recommended