Skip to playerSkip to main content
-Viral CCTV footage sa lugar kung saan natagpuan ang 2 sunog na bangkay sa kotse, kabilang sa mga iniimbestigahan


-Zambales Police: Senior citizen, patay nang mabagok matapos suntukin ng kainuman; suspek, arestado


-Tanker truck na may kargang liquid carbon dioxide, tumagilid; 2 sugatan


-4 na lalaki, nanalisi sa coffee shop at tumangay ng isang cellphone


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Malahing tulong daw sa investigasyon ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar kung saan may nakitang dalawang sunog na
00:12bangkay sa isang kotse sa Peña Randa, Nueva Ecija.
00:22Maririnig ang dalawang putok ng baril sa viral video na yan na kuha po sa barangay Sinasahan.
00:28Sa gilid ng kalsada, kita ang nakaparadang pulang kotse.
00:32Maya-maya, isang lalaking nakaitim ang naglakad sa gilid ng kotse patungo sa likuran nito.
00:38Lumakad siya palayo sa kotse at tila may kinausap at umalis sila.
00:42Matapos ang ilang sandali, dumating ang isang tricycle.
00:46Bumaba ang sakay nito at may kinuhang galon.
00:49Lumapit siya sa kotse at binuksan ito at tila may isinaboy.
00:54Nang may sumabog sa kotse, umalis sila ng tricycle driver.
00:58Doon na rin umusok ang kotse.
01:00Isang rider pa ang huminto sa lugar at humingi ng tulong sa mga nakatira roon.
01:05Tukoy na ang pagkakakilan na ng mga biktima at naiuwi na rin ang mga labi sa kanika nilang kaanak.
01:11Isa sa mga tinitingnang motibo ng polisya sa krimen ay may pinalaman sa negosyo.
01:16May persons of interest na rin sila pero tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye.
01:24Patay ang isang senior citizen sa Masindlok, Zambales matapos makipag-away.
01:30Masipo sa emisigasyon ng polisya, nakaalita ng 60 anyos na biktima ang kanyang kainuman.
01:36At nauwi sa panununtok.
01:38Natumbaraw ang biktima at nabagok ang ulo.
01:41Tumakas ang suspect na naaresto naman kalaunan.
01:45Maharap siya sa karampatang reklamo.
01:47Walang pahayag ang suspect.
01:51Ito ang GMA Regional TV News.
01:57Napuno ng puting usok ang kalsada sa barangay ang nagpan sa Malungon, Saranggani matapos tumagilid ang isang tanker truck.
02:09Ang tanker truck kasi may kargang liquid carbon dioxide.
02:13Base sa embestigasyon, nawala ng preno ang truck sa zigzag na bahagi ng kalsada.
02:17Sugatan ang driver nito, pati ang kanyang kasamahan.
02:21Sinusubukan pa silang kunan ng pahayag.
02:23Ayon sa polisya, walang ibang nadamay sa insidente at wala rin na-suffocate sa nag-leak na liquid carbon dioxide
02:29sa kadalasang na kadalasang ginagamit sa produksyon ng pagkain, inumin at iba pa.
02:37Huli ka, mang pananalisin ng apat na lalaki sa isang coffee shop sa Bacolod City.
02:41Sa CCTV footage, makikitang nasa counter ang isang suspect
02:45at nangihingi ng donasyon para sa Peking Liga.
02:48Ang tatlo niyang kasama, nilapitan naman ang isang bantay ng coffee shop.
02:52Nang umalis ang empleyado, mabilis na dinampot ng isa sa kanila ang cellphone na nakapatong sa videoke
02:57at isinuksok sa kanyang salawal.
02:59Umalis sila tangayang gadget at limampung pisong na sulisit.
03:03Ipinose ang video online at nakilala ang tatlo sa apat na kawatan.
03:07Napagalaman na may nabiktima na rin na ng salisimodos nila sa Talisay, Negros Occidental.
03:12Patuloy na hinahanap ang mga suspect.
Comments

Recommended