- 6 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, March 12, 2025
-16 sa 18 dati umanong tauhan ni Zaldy Co, at Atty. Baligod, humarap sa NBI matapos issue-han ng subpoena; Atty. Topacio, naroon para kay dating Rep. Defensor
-Lalaki, patay sa pamamaril sa mismong kaarawan niya; gunman, tinutugis
-DSWD Sec. Gatchalian: P5,000 ayuda sa PUV drivers, sisimulan ipamigay sa NCR sa March 17
-Taas-pasahe sa mga PUV, kinumpirma ng DOTr; pinagdedesisyunan pa kung magkano at kailan
-PAGASA: Bagyo sa labas ng PAR, humina bilang Tropical Depression
-Halos P6B halaga ng umano'y shabu, nasabat sa sumadsad na speedboat; 2 dayuhan, arestado
-Viral CCTV footage sa lugar kung saan natagpuan ang 2 sunog na bangkay sa kotse, kabilang sa mga iniimbestigahan
-Zambales Police: Senior citizen, patay nang mabagok matapos suntukin ng kainuman; suspek, arestado
-Rider, sugatan matapos sumalpok sa dump truck
-Motorcycle rider, patay matapos mabagsakan ng puno; MPV at dump truck, nadamay
-Ilang cast ng "Huwag Kang Titingin," nagkuwento tungkol sa upcoming horror film project
-PHIVOLCS: Magnitude 5.0 na lindol, niyanig ang Surigao del Sur
-Panukalang magbibigay ng emergency powers sa Pangulo para suspendihin o bawasan ang fuel excise tax, aprubado sa 2nd reading ng Kamara
-Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa umano sa kanyang 2 apong menor de edad
-Senior citizen, hinoldap; nahuling suspek, sa korte na lang daw magsasalita
-Tanker truck na may kargang liquid carbon dioxide, tumagilid; 2 sugatan
-4 na lalaki, nanalisi sa coffee shop at tumangay ng isang cellphone
-Ilang sidewalk at bike lane sa EDSA, ininspeksyon ng DPWH
-Online facial authentication feature, inilunsad ng SSS para sa Annual Confirmation of Pensioners
-INTERVIEW: DSWD SPOKESPERSON ASEC. IRENE DUMLAO
-Lalaking lasing at nanghamon umano ng away, binaril; suspek, arestado
-Lalaking 25-anyos, sugatan matapos saksakin ng ex-boyfriend ng kanyang live-in partner
-Artificial cornea gamit ang kaliskis ng isda, na-develop ng ilang Spanish scientist
ng isang bata at kanyang lola sa tuhod, kinagigiliwan ng netizens
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http:
-16 sa 18 dati umanong tauhan ni Zaldy Co, at Atty. Baligod, humarap sa NBI matapos issue-han ng subpoena; Atty. Topacio, naroon para kay dating Rep. Defensor
-Lalaki, patay sa pamamaril sa mismong kaarawan niya; gunman, tinutugis
-DSWD Sec. Gatchalian: P5,000 ayuda sa PUV drivers, sisimulan ipamigay sa NCR sa March 17
-Taas-pasahe sa mga PUV, kinumpirma ng DOTr; pinagdedesisyunan pa kung magkano at kailan
-PAGASA: Bagyo sa labas ng PAR, humina bilang Tropical Depression
-Halos P6B halaga ng umano'y shabu, nasabat sa sumadsad na speedboat; 2 dayuhan, arestado
-Viral CCTV footage sa lugar kung saan natagpuan ang 2 sunog na bangkay sa kotse, kabilang sa mga iniimbestigahan
-Zambales Police: Senior citizen, patay nang mabagok matapos suntukin ng kainuman; suspek, arestado
-Rider, sugatan matapos sumalpok sa dump truck
-Motorcycle rider, patay matapos mabagsakan ng puno; MPV at dump truck, nadamay
-Ilang cast ng "Huwag Kang Titingin," nagkuwento tungkol sa upcoming horror film project
-PHIVOLCS: Magnitude 5.0 na lindol, niyanig ang Surigao del Sur
-Panukalang magbibigay ng emergency powers sa Pangulo para suspendihin o bawasan ang fuel excise tax, aprubado sa 2nd reading ng Kamara
-Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa umano sa kanyang 2 apong menor de edad
-Senior citizen, hinoldap; nahuling suspek, sa korte na lang daw magsasalita
-Tanker truck na may kargang liquid carbon dioxide, tumagilid; 2 sugatan
-4 na lalaki, nanalisi sa coffee shop at tumangay ng isang cellphone
-Ilang sidewalk at bike lane sa EDSA, ininspeksyon ng DPWH
-Online facial authentication feature, inilunsad ng SSS para sa Annual Confirmation of Pensioners
-INTERVIEW: DSWD SPOKESPERSON ASEC. IRENE DUMLAO
-Lalaking lasing at nanghamon umano ng away, binaril; suspek, arestado
-Lalaking 25-anyos, sugatan matapos saksakin ng ex-boyfriend ng kanyang live-in partner
-Artificial cornea gamit ang kaliskis ng isda, na-develop ng ilang Spanish scientist
ng isang bata at kanyang lola sa tuhod, kinagigiliwan ng netizens
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http:
Category
🗞
NewsTranscript
00:27This is the National Bureau of Independence.
00:30Ang ilang nagpakilalang tauhan noon ni Zaldico.
00:34Kasama nila si Atty. Livito Baligod, pati si Atty. Ferdinand Tupacio na kinakatawan si dating congressman Mike Defensor.
00:41Naroon sila para sa inilabas na sotina ng NBI para sa labing walong dating sundalo umano at kina Baligod at
00:49Defensor.
00:50Sabi ni Baligod, labing anim lamang sa labing walo ang sumama ngayon papunta sa NBI.
00:55Handa raw silang makipagtulungan sa mga otoridad.
00:58Tinawag naman ni Tupacio na harassment at pananakot ito sa mga taong naglalabasan niya ng katotohanan.
01:05Dati nang sinabi ng NBI na iniimbestigahan nila ang kredibilidad ng kwento at pagkataon ng mga dati umanong tauhan ni
01:11Ko.
01:12Silang naglahad ng pag-deliver umano ng mali-maletang pera sa ilang politiko at personalidad na kickback daw mula sa
01:19flood control projects.
01:23We are here out of respect to the NBI as an institution.
01:28Pero sa palagay po namin, ang ginagawa po ito ng kasalukuyang liderato ng NBI ay harassment at intimidation ng mga
01:37nagsusumbong.
01:37I look at the subpoena and it appears that what NBI wants to know is the background of the 18.
01:47So we will provide all the information.
01:50We will provide their identification cards signed by Zaldico na empleyado sila.
01:58Update tayo sa pagharap ng ilan sa mga nagpakilalang tauhan dati ni Zaldico, ni Atty. Levy Baligod at ni dating
02:04Congressman Mike Defensor sa National Bureau of Investigation.
02:07May ulat on the spot si John Consulta.
02:09John?
02:11Raffi, dumatili na dito sa deal, dito sa NBI, si dating Congressman Mike Defensor at kanyang abogrado ng Mr. President
02:17of the Tumasho,
02:18pati ang kapatid ng dating mga batas, si Michelle Defensor.
02:21Pag-upila ng NBI, Raffi, pag-upila sa aligasyon na nasa 18, dati umanong marine,
02:28na naghatid daw sa iba't ibang personalidad at politiko ng mali-malitang pera mula sa kickback sa Plotone 4 Project.
02:35Unang dumating si Atty. Levy Baligod kasama ang 16 sa 18 marine.
02:40Wala raw ang isang marine dahil manganak daw ang kanyang asawa.
02:43Ngayon ngayon lang, nung basta si dating Congressman Mike Defensor, Raffi, matapos sumagot sa ilang tanong ng NBI.
02:49Sa kanyang pahaya, Raffi, pino na ni Defensor, ang pagnalais ng NBI na makausap ng one-on-one ang mga
02:56member ng 18 marine.
02:58Ang dapats daw na itatawag at tanongin ay yung mga inaakasang sumanggap ng pera na i-deliver ng 18 marine.
03:04Paniwala ni Atty. Ferdinand Tapasho, sapat na ang Joint Board of David ng 18 marine para sa imbisigasyon ng NBI.
03:11News is now ang prosesong ito ng pag-usapina sa 18 marine.
03:14Kung meron din pala silang summon mula sa ombuson, para magbigay ng kanilang pahayag.
03:19Patuloy natin inaantabihan ng Raffi na paglapas ng 16 marine na nasa loob pa rin ang isa sa mga function
03:24room dito sa NBI.
03:26At inaasakan ng mga arasaya, magbigay ng pahayag si Atty. Levy Baligod.
03:31Yung mga lita sa mga rin sa NBI.
03:33Malik sa tayo, Raffi.
03:34Maraming salamat, John Konsulta.
03:37Trehedyang sinapit na isang lalaki sa Tondo, Maynila sa mismo ang kaarawan niya.
03:42Naglalakad lang daw ang biktima ng barilin ng hindi pa nakikilalang gunman.
03:46Balita nga tindi, Jomara Presto.
03:50Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa tapat ng Building 7, Riverside Vita sa Tondo, Maynila, madaling
03:57araw nitong Sabado.
03:58Ang biktima, nagse-celebrate rao ng ikadalawampunt-anim niyang karawan nang mangyari ang insidente.
04:05Ayon sa barangay, nakatanggap na lang sila ng mensahe mula sa mga residente roon kaugnay sa nangyari.
04:10Agad daw silang tumawag na mga pulis.
04:13Patay na talaga, sir. Ang pagkakalam ko po, sir, hindi po ako sigurado isa likod po, sir.
04:18Hindi rao nakuhana ng CCTV ang pamamaril dahil nataon na ina-upgrade ng barangay ang kanilang system.
04:24Pero basis sa salaysay sa mga pulis ng isang testigo, naglalakad lang noon ang biktima nang bigla siyang pagbabarilin ng
04:31hindi pa na ikilalang gunman.
04:33Blanco naman ang barangay sa motibo ng pamamaslang.
04:36Pero basis sa kanilang record, ilang beses nang nasasangkot sa iba't ibang kaso ang biktima.
04:42Ang mga blatter kasi dito sa resurgarding sa drugs, tsaka sa may, ano, haligidli lang ulit na meron po mga,
04:51hinihinalang meron siyang baril.
04:53Napagalaman din na kalalaya lamang ng biktima noong nakarang taon matapos makulong dahil sa kasong robbery hold-up.
04:59Lumabas din sa investigasyon ng pulisyan na napatay rin sa pamamaril noong nakarang taon ang kuya ng biktima.
05:06Tinitignan ng MPD ang posibleng koneksyon nito sa sinapit niya ngayon.
05:10Patuloy rin ang kanilang backtracking para mahuli ang gunman.
05:13Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang pamilya ng biktima.
05:17Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:23Sisimula na sa March 17 ang pamimigay ng 5,000 pisong ayuda para sa POV drivers na apektado ng malakihang
05:30oil price hike dahil po sa krisis sa Middle East.
05:33Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, uunahin ang Metro Manila at isusunod ang iba pang rehyon.
05:40Kabilang sa mga makatatanggap ng fuel subsidy, ang mga tricycle driver sa pangangasiwa na mga lokal na pamahalaan.
05:48Susunod ang mga jeepney driver.
05:52Makakakuha rin ang mga driver ng bus, taxi, TNVS at delivery riders.
05:57Iba pa yan sa ipamimigay na 5,000 pisong ayuda ng land transportation, franchising and regulatory board kapag umabot ng
06:06isang buwan na na nasa $80 o higit pa ang cada barrel ng krudo sa world market.
06:12Kailangan din itong may certification ng DSWD bago ipamahagi.
06:20Kasunod ng mega oil price hike, kinutirma ng Department of Transportation na magkakaroon ng taas pasahe sa mga pampublikong transportasyon.
06:30Meron na tayong desisyon na magkakaroon ng fair hike. We just don't know how much.
06:37Is that safe to say?
06:38Yes.
06:39May sinumitin na rao na rekomendasyon ng LTFRB kaugnay niyan pero ibinalik muna ng Transportation Department para i-recompute ang
06:46numero.
06:47Wala pang ibinigay na detalye ang DOTR kung magkano ang dagdag pasahe at kung kailan niyan ipatutupad.
06:54Humiling ng fair hike ang ilang transport groups sa gitna ng sunod-sunod na taas presyo sa mga produktong petrolyo,
06:59kabilang ang mega oil price hike ngayong linggo.
07:03Ayon sa grupong Manibela, 400 hanggang 500 piso ang nawawala sa arawang kita ng mga driver dahil sa taas ng
07:10presyo ng diesel.
07:16Pumina bilang tropical depression ang bagyong may international name na Nuri.
07:20Namataan ang pag-asa ang masabing bagyo sa layong 1,365 kilometers silangan ng eastern Visayas.
07:28May taglay po itong lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour.
07:32Inaasa ang hindi papasok naman sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo pero sabi ng pag-asa,
07:39nagpapaulan pa rin po ito dahil sa trough o extension ito sa probinsya ng Dinagat Islands at sa Surigao del
07:45Norte.
07:46Bukod sa trough, mga local thunderstorm o kaya'y ulang dulot ng hanging amihan ang mararanasan din po sa ilang
07:53pangbahagi ng bansa.
07:54Kaya naman, inaasa ang hindi matindi ang init at alinsangan ngayong Webes.
07:59Pusibling umabot nga sa 39 degrees Celsius ang heat index sa Cotabato City.
08:0438 degrees Celsius naman sa Curon, Palawan, Zamboanga City at sa Davao City.
08:10Dito po sa Metro Manila, 34 degrees Celsius ang pinakamataas na heat index forecast sa Pasay.
08:17Sa ibang balita, halos 6 na bilyong pisong halaga ng umunay siyabuang nasabat mula sa isang sumadsada speedboat sa Paluan
08:25Occidental, Mindoro.
08:26Ayos ng otoridad, nakasilid sa 43 sako na may foreign marking ang mga hinihinalang siyabu na nasa loob ng nasirang
08:34speedboat.
08:34Ang timbang niya nasa mahigit 800 kilo.
08:38Sakay rin ng speedboat ang dalawang Chinese national na tumakas mula sa insidente.
08:43Naaresto sila matapos magsagawa ng follow-up operation ng mga otoridad.
08:47Nakataktang may turnover sa PNP at Pidea ang bilyong-bilyong pisong halaga ng hinihinalang siyabu.
08:53Dadalhin naman ang mga dayuhan sa kustudiyan ng PNP para sa imbistigasyon.
08:57Wala silang pahayag.
09:00Sa Quezon City naman, mahigit 140 milyon pesos na halaga ng umunay siyabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise
09:07at ketchup ang nasabat ng mga otoridad.
09:10Sa isinagawang by-bust operation sa barangay Santo Domingo, arestado ang dalawang high-value target na nagbebenta umano ng iligal
09:16na droga.
09:17Tinatay ang aabot sa 21 kilo nang hinihinalang siyabu ang nakuha mula sa mga suspect.
09:23Tumanggi magbigay ng pahayag ang dalawang suspect na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
09:32Ito ang GMA Regional TV News.
09:38Malahing tulong daw sa imbistigasyon ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar kung saan may nakitang dalawang sunog na
09:45bangkay sa isang kotse sa Peña Randa, Nueva Ecija.
09:55Marininig ang dalawang putok ng baril sa viral video na yan nakuha po sa barangay sinasahan.
10:01Sa gilid ng kalsada, kita ang nakaparadang pulang kotse.
10:05Maya-maya, isang lalaking nakaitim ang naglakad sa gilid ng kotse patungo sa likuran nito.
10:11Lumakad siya palayo sa kotse at tila may kinausap at umalis sila.
10:15Matapos ang ilang sandali, dumating ang isang tricycle.
10:18Bumaba ang sakay nito at may kinuhang galon.
10:21Lumapit siya sa kotse at binuksan ito at tila may isinaboy.
10:26Nang may sumabog sa kotse, umalis sila ng tricycle driver.
10:31Doon na rin umusok ang kotse.
10:33Isang rider pa ang huminto sa lugar at humingi ng tulong sa mga nakatira roon.
10:38Tukoy na ang pagkakakilan na ng mga biktima at naiuwi na rin ang mga labi sa kanika nilang kaanak.
10:44Isa sa mga tinitingang motibo ng polisya sa krimen ay may pinalaman sa negosyo.
10:49May persons of interest na rin sila pero tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye.
10:56Patay ang isang senior citizen sa Masindlok, Zambales matapos makipag-away.
11:02Basipo sa emisigasyon ng polisya, nakaalita ng 60 anyos na biktima ang kanyang kainuman.
11:09At nauwi sa panununtok.
11:11Natumbaraw ang biktima at nabagok ang ulo.
11:14Tumakas ang suspect na naaresto naman kalaunan.
11:17Maharap siya sa karampatang reklamo.
11:20Walang pahayag ang suspect.
11:28Sumalpok ang motorcycle rider na yan sa isang dump truck sa isang intersection sa Lawag, Ilocos, Torte.
11:33Ayon sa polisya, nagdirediretso ang rider kahit may dalawang full stop signage sa lugar.
11:39Agad dinala sa ospital ang sugat ang rider.
11:41Walang pahayag ang magkabilang panin.
11:45Huli kam sa Montinlupa ang pagbagsak na isang puno sa kalsada.
11:49Na patay po ang isang rider na nabag sa kanyan.
11:53Balitang hatid ni Jomer Apresto.
11:59Payapang binabaybay ng mga motorista ang bahaging yan na Manila South Road sa Putatan, Montinlupa City, pasado alas 9 kagabi.
12:07Nang biglang.
12:11Nabuwal ang isang malaking puno ng akasya.
12:14Nabagsakan ang motorcycle rider na pauwi na sana sa Las Piñas mula sa kanyang pinapasukang mall.
12:19Ayon sa Montinlupa DRMO na isugod pa siya sa ospital pero namatay kalaunan.
12:25Based sa assessment ng ating mga nurses kanina ay negative pulse, negative rating po ang ating pasyente.
12:31So medyo hindi maganda yung pagtama ng puno sa katawan niya.
12:36Bukod sa rider, nabagsakan din ang puno ang isang multipurpose vehicle at dump truck.
12:41Ayon sa driver ng MPB, nagulat na lang sila ng kanyang mga pasahero nang biglang bumagsak sa kanilang sasakyan ng
12:47puno.
12:47Okay naman po ako sir, medyo pasalamat sa Diyos dahil wala akong galos.
12:52Uwapila siya ng tulong dahil hindi na raw umaanda rang kanyang sasakyan.
12:56Left and right po talagang na-damage po yung sasakyan.
13:00Wala naman po akong naging kasalanan sa nangyari.
13:05So sana naman po magkaroon naman lang ng kalutasan yung pagpapaayos yung sasakyan.
13:12Tinihintay pa natin ang opisyal na pahayag ng Montinlupa LZU.
13:16Sabi ng mga otoridad, posibleng dahil sa katandaan kaya bumigay na ang puno.
13:20Inaalam na raw nila sa ngayon kung may mga residente bang walang supply ng tubig,
13:24matapos masira ang ilang metro ng tubig kung saan nakatirik ang puno.
13:32Pasado alauna na ng madaling araw ng Maclear at madaanan ng mga motorista ang dalawang linya ng kalsada.
13:37Madulas pa raw kasi ang ibang bahagi ng kalsada dahil sa mga kusot ng pinagtabasa ng puno.
13:42Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:51Happy Webest mga mari at pare!
13:54Excited na ang cast ng upcoming kapuso horror film na huwag kang titingin sa nalalapit na pagpapalabas sa pelikula.
14:09Sina PBB Celebrity Collab 2.0 ex-housemate Sofia Pablo at Marco Massa.
14:15Sinabing kinapos nila ang shooting ng mga eksena nila sa pelikula bago pumasok sa bahay ni Kuya.
14:21Ang co-sparkle stars naman nila na sina Alan Ansay at Anthony Constantino hindi daw makapaniwala na horror film ang
14:29first movie project nila.
14:31First time naman ni Michael Seger na bibida sa isang horror film.
14:36Share naman ni Sean Lucas, maraming content creators ang makakarelate sa kanyang karakter sa film.
14:42Sabi ng cast, tumatalakay ang film sa Filipino folklore na may halong online clout chasing.
14:48Ang huwag kang titingin ay produced ng GMA Pictures at Mentor Productions at mapapanood sa mga sinihan sa April 15.
14:58Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Surigao del Sur pasado alas 8 ng umaga kanina.
15:04Natuntun ang FIVOX ang epicenter ng pagyanig 40 kilometers sa hilagang silangan ng bayan ng Marihatag.
15:10Inaasahan ng posibling aftershocks.
15:13Pinaalerto ang mga residente sa banta nito.
15:19Hinihintay pa rao ng Senado ang bersyon ng Kamara para sa panukalang magbibigay kapangyarihan sa Pangulo na suspindihin o bawasan
15:27ang excise tax sa lagis.
15:29Ang nasabing panukala, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara.
15:33Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
15:37House Bill 8418 is approved on second reading.
15:42Congratulations!
15:44Matapos ang halos dalawang oras na debate sa plenaryo ng Kamara, pasado sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8418,
15:52layo nitong bigyang kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin o bawasan ang excise tax sa petrolyo kapag may national o global
16:01economic emergency.
16:02Ang pagkawalaan ng government revenue, bagamat masakit, ay hindi naman agad-agad ikababagsak ng ating ekonomiya.
16:10Ito'y kinakailangang sakripisyo para sa pamasahe ng mga manggagawa, kita ng mga tsuper o presyo ng isda at gulay
16:20sa palengke.
16:21Bago gamitin, kailangan may rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee na nakipag-ugnaya na sa Energy Secretary
16:29at dapat may presensya ng isa sa dalawang kondisyon.
16:33Yan ay kung umabot ng isang buwan na $80 per barrel ang Dubai Crude
16:38o kung may idiniklarang national emergency o calamity na sinertipikahan ng Energy Secretary
16:44dulot ng labis-labis na pagsipa sa presyo ng pump prices.
16:49Pwedeng full o partial suspension ang ipatupad, pero hanggang 6 buwan lang tatagal ang kada suspension.
16:56Ang Senado, hinihintay naman ang versyon ng Kamara ukol sa emergency powers para sa Pangulo.
17:02Just finalizing because may mga details lang tayo on when is the trigger,
17:08yung when will the President be given that authority to suspend or reduce the excise task,
17:14then when also will this authority end?
17:16Sa panayam sa Pangulo habang nasa New York, sinabi niyang hihintayin daw niya muna
17:21ang committee report ng Kongreso bago niya sertipikahang urgent
17:25ang mga panukalang bigyan siya ng emergency powers para suspindihin o bawasan ang excise tax
17:32na sinisingil sa mga inaangkat na produktong petrolyo.
17:37Hirit ng ilang kongresista.
17:38Ang mas nagpapatindi po sa damdamin ng ating mga kababayan
17:42ay sobra-sobra at patong-patong yung mga pagbabuwi sa atin.
17:46I'm calling for not only the suspension but the total repeal of 12% VAT as well as excise taxes
17:54on oil.
17:54Tinignan po natin, yung dalawang buwis sa pinang oil ay halos 15 pesos per liter po yung nakapatong.
18:04Kaya kung titignan po natin, kung kami po ay nagkukonsume ng 30 liters per day,
18:12ay halos 1,000 mahigit na yung nawawalang kita sa hanay po ng mga driver.
18:19Hindi lang dapat isa-stacks yung tanggalin at dapat tanggalin din po yung VAT.
18:27Base sa projections ng Department of Finance,
18:30mahigit 16 billion pesos ang kikitain ng pamahalaan sa VAT
18:34kung aabot ng 80 US dollars per barrel ang Dubai Crude.
18:38Aakyat ang kita sa mahigit 27 billion kung sasampa sa 90 US dollars per barrel ang Dubai Crude.
18:45Pag umabot ito sa 100 US dollars per barrel, mahigit 38 billion pesos naman ang kita.
18:52Sa pulong ng House Committee on Transportation,
18:55sinabi ng Department of Finance na pwedeng gamitin ang pondo sa mga subsidy.
18:59This will be used for targeted subsidies.
19:02Actually, it will need legislative support.
19:05Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:11Ito na ang mabibilis na balita.
19:15Arestado sa Pangasinan ng isang lalaki dahil umano sa paulit-ulit na panggagahasa
19:19sa dalawang minor na edad niyang apo sa Marikina.
19:22Ayon sa pulisya, sa bahay ng pamilya nila nangyari ang umano yung panggagahasa
19:26na tumagal ng apat na taon.
19:292024, nang ihay ng reklamo laban sa lolo
19:32at October 2025 naman lumabas ang arestwaran.
19:36Itinanggin ang akusado ang krimen at itinuro ang pamangkin ng kanyang asawa
19:39na nanggahasa umano sa mga biktima.
19:42Wala pang pahayag ang itinurong pamangkin.
19:45Sinampahan ng kasong 14 counts of qualified rape ang akusado
19:48na nakadetain sa Marikina City Police Custodial Facility.
19:53Arestado ang apat na koreanong sangkot umano sa pagpapatakbo ng iligal na online pasugalan sa Cebu City.
19:59Sa pagsalakay ng mga otoridad sa tinutuloyan nilang kondo unit,
20:02nakumpiska ang ilang digital device at iba pang ebidensya.
20:05Ayon sa pulisya, limang taon ang nag-ooperate ang online pasugalan.
20:10Sampung milyong piso raw ang kita ng grupo kada buwan.
20:13Sinampahan na sila ng reklamong iligal gambling kaugnay sa Cybercrime Prevention Act.
20:18Wala pang pahayag ang mga sospek na pansamantalang pinalaya matapos magpiansa.
20:25Sa kulungan ng bagsak na isang lalaking nang hold up down na isang senior citizen sa Quezon City,
20:31ang nahulikam na insidente sa balitang hatid ni James Agustin.
20:36Tila nakatambay lang ang isang lalaki habang nagsisigarilyo at gumagamit ng cellphone sa bahaging ito ng K6 Street
20:43sa barangay West Camias, Quezon City, magalauna na madaling araw.
20:47Masda ng isang babae na naglalakad sa kalsada.
20:50Pinaandar na lalaki ang kanyang motorsiklo at sinundan ang babae.
20:53Noonay nilampasan niya ang babae.
20:55Maya-maya bumalik siya at nilapitan ang babae.
20:58Hindi masyadong nahagip sa CCTV ang sumunod na pangyayari dahil sa lakas ng ilaw ng motorsiklo.
21:03Pero hinold up na pala ng lalaki ang babaeng senior citizen.
21:07Natangay ang 800 pesos ng biktima na napagalamang pauwi na galing sa palengke.
21:12Dumulog po sa amin dito sa barangay West Camias.
21:14Para pagparewan po ng CCTV, sabi ng anak, binigyan po na isang libo.
21:20Pagbalik po, nabangan po ng nakamotor at doon na po tinutukan ang pang-holdan po sa mga K6.
21:28Sa follow-up operation ng mga operatiba ng Anonas Police Station, na-arresto ang 31 anyo sa sospek.
21:35Nabawi sa kanyang kitchen knife na ginamit sa krimen, maging ang sinakyan niyang motorsiklo.
21:40Bigo naman ang mga otoridad na makuha ang ninakaw na pera.
21:42Wala po kong masasabit mungkol doon.
21:44Sakurte na lang po kong magsasalita sa lahat po na akusasyon sa akin.
21:48Sinampan ang sospek ng reklamong robbery at paglabag sa Motorcycle Crime Prevention Act.
21:53Pagtingin po namin pagro-rounda at araw-araw po kami sa gabi.
21:57Gabi't araw po.
21:58Parang mawala po yung mga masasamal na o yung mga hold up.
22:02James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:07Ito ang GMA Regional TV News.
22:13Napuno ng puting usok ang kalsada sa baranggaya nagpan sa malungon saranggani matapos tumagilid ang isang tanker truck.
22:25Ang tanker truck kasi may kargang liquid carbon dioxide.
22:29Base sa investigasyon, nawala ng preno ang truck sa zigzag na bahagi ng kalsada.
22:33Sugatan ang driver nito, pati ang kanyang kasamahan.
22:37Sinusubukan pa silang kuna ng pahayag.
22:39Ayon sa polis siya, walang ibang nadamay sa insidente at wala rin nasofokate sa nag-leak na liquid carbon dioxide
22:45sa kadalasang nakadalasang ginagamit sa produksyon ng pagkain, inumin at iba pa.
22:53Huli kamang pananalisin ng apat na lalaki sa isang coffee shop sa Bacolod City.
22:57Sa CCTV footage, makikitang nasa counter ang isang suspect at nanghihingi ng donasyon para sa Peking Liga.
23:03Ang tatlo niyang kasama, nilapitan naman ang isang bantay ng coffee shop.
23:08Nang umalis ang empleyado, mabilis na dinampot na isa sa kanila ang cellphone na nakapatong sa videooke at isinuksok sa
23:14kanyang salawal.
23:15Umalis sila tangayang gadget at limampung pisong nasulisit.
23:19Ipinost ang video online at nakilala ang tatlo sa apat na kawatan.
23:23Napag-alaman na may nabiktima na rin ng salisimodos nila sa Talisay, Negros Occidental.
23:28Patuloy na hinahanap ang mga suspect.
23:32Ipinasilit ng Department of Public Works and Highways ang magiging bagong itsura ng sidewalk sa EDSA sa oras na matapos
23:39ang rehabilitasyon.
23:40Balitang hatid ni Bea Pinlak.
23:45Dikikado eh. Agaw buhay eh.
23:49Di ba, wag ang sidewalk. Maglarakad yung mga tao sa kalsada mismo.
23:53Ganito inilarawan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang dating disenyo ng sidewalk sa EDSA.
23:58Sa pag-iinspeksyon niya kaninang madaling araw sa ilang parte ng EDSA gaya sa bahagi ng Ayala,
24:04may mga harang ang sidewalk at kailangan munang dumaan sa kalsada bago ito malakaran.
24:09Ang problema ngayon na nakaharang ito, naglarakad sila sa kalye mismo, kasama ng mga kotse, kawawa naman yung mga tao.
24:17Kailangan safe.
24:18Hindi safe kasi pagka babaan niya from the bus o kaya pag babaan niya from itong footbridge dito,
24:25wala silang sidewalk na lalakaran.
24:27Bahagi ng EDSA Rehabilitation ang pagpapalawak at pagsasayos ng sidewalk at bike lane dito.
24:34Sa EDSA Southbound, bahagi ng Estrella, tapos na ang paggawa ng mas malapad at elevated na sidewalk.
24:41Yung bike lane, igarigay na rin natin, ipoprotect na natin.
24:45Isasama na natin sa sidewalk. Kung magarigay ka ng barrier ng harang, gagawin sisikip eh.
24:51Sisikip para sa pedestrian, sisikip din para sa sakyan.
24:55Ten inches ang taas at mahigit tatlong metro ang lawak ng sidewalk.
25:00May tactile paving din dito na makatutulong sa persons with disability.
25:05Ayon sa DPWH, pasilip pa lang ito sa magiging itsura ng sidewalk na ipapagawa sa buong EDSA.
25:11Sa Julio Target, makompleto ang Phase 1 ng EDSA Rehabilitation mula Rojas Boulevard hanggang Orense.
25:17Mayo pa lang daw, matatapos na ang pagkukumpuni sa mismong daanan ng mga sasakyan para hindi naabutan ng tag-ulan.
25:25Malaking ginhawa raw ang bagong sidewalk para sa ilang siklistang nakausap natin.
25:30Pero daing pa rin nila ang ilang natirang harang sa shared sidewalk at bike lane.
25:35Paganda ko ngayon yung decision ng bike lane kaysa sa dati.
25:38Delikado yun ma'am, yung mga may mga puno, tsaka puste, kasi lalo kung minsan yung iba kasi nanggigit-git.
25:43Siguro po bawasan natin po yung obstruction kung gagawa po tayo ilinang ganda para in case na mas gumanda, lumuwag
25:50-luwag pa,
25:51maging dalawang bikes mo yung pagkasapay na...
25:54Tugon naman ni Secretary Dizon.
25:56Susubukan natin kausapin yung mga utility companies para mausog natin, para hindi na sika sa gabal.
26:06Pero as of now, hindi naman natin magagawa kahit. So, dahan-dahan.
26:10Nakahanda rin daw ang DPWH sa posibling epekto sa EDSA Rehabilitation ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo bunga ng
26:18krisis sa Middle East.
26:19Pero sabi ni Dizon, hindi nito dapat maapektuhan ang timeline ng proyekto.
26:25Lahat apektado pero yung schedule, hindi dapat maapektuhan yun kasi tuloy-tuloy dapat.
26:30Pero yung presyo, wala tayong magagawa. Ganon para ganda. So, kailangan na nga tayo mag-adjust.
26:36Meron naman tayong mga provisions sa mga kontrata na pwede tayong magtaas kung may grabing pagtaas ng materyales.
26:46Kampante si Dizon na hindi maaantala ng oil price hike ang EDSA Rehabilitation sa kabila ng mas mababang budget ng
26:53DPWH ngayong taon.
26:55Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:01Magandang balita para sa mga SSS pensioner.
27:03Pinadali ng social security system ang pagsunod sa requirements para sa annual confirmation of pensioners.
27:09Inilunsa ng ahensya ang online facial authentication features sa kanilang website.
27:13Ayon sa SSS, available ito sa mga retirement pensioner na may national ID, nakatira sa Pilipinas at edad 80 at
27:21pataas.
27:22Pwede rin sa nakatira sa abroad at sa mga survivorship o death pensioners.
27:27Gumagamit ito ng biometric liveness check para matiyak na buhay ang pensioner at iwas panluloko.
27:32Wala pa isang minuto, tatagal ang verification process at ma-update agad ang SSS records.
27:38Sa mga pensioner na walang gadget na may camera, maaaring magtungo sa SSS branch para magpa-verify.
27:47Ugnay po ng nakatakdang pamamahagi ng P5,000 cash aid para po yan sa PUV drivers na apektado po ng
27:55Mega Oil Price High.
27:56Kausapin po natin sa Department of Social Welfare and Development Spokesperson ASEC, Aileen Dumlao.
28:01Magandang umaga po at welcome sa Balitang Hali.
28:05Magandang umaga, Ms. Connie.
28:07Ano ang magiging sistema nitong pamamahagi ng P5,000 cash aid para po sa PUV drivers natin?
28:14Well, Ms. Connie, alam naman natin itong mga drivers po natin nahihirapan na sa epekto nga ng pangtaas ng presyo
28:21ng petrolyo.
28:22Kaya ang utos po ng Pangulong Marcos Jr. ay bigyang lunas natin itong nararanasan po nila.
28:28At sa pamamagitan nga po ng assistance to individuals in crisis situation ay magbabahagi po tayo ng P5,000 na
28:36cash assistance.
28:37At matay po dun sa ating pakikipag-ugnayan sa mga local social welfare development officers ng National Capital Region kahapon,
28:45Tuesday next week, ng 6 a.m. mag-umpisa na tayo ng P5,000 na ito sa iba't ibang bahagi
28:54po ng kamay nilaan.
28:56Ito po ay ginawa natin na kung saan tinukoy natin yung mga counselor districts per city and maglalagay po tayo
29:06ng payoutsides kada district.
29:09And then 1,000 beneficiaries po ang isuserve per payout side.
29:14At ito po ang listahan ay magagaling sa mga lokal na pamahalaan, isusertify po iyan ng local chief executive at
29:22isusumite sa DSWD.
29:23In fact, we have given our local social welfare workers until 5 p.m. today to submit nga po yung
29:31mga list.
29:32Because by choosing natin, parang i-adapt natin is a pay-go system kung saan i-prepresenta lamang po ng
29:40driver, ng tricycle driver,
29:41yung pong kanyang valid driver's license at i-release na natin yung kanyang P5,000.
29:48Mauna po muna yung mga tricycle drivers dito sa National Capital Region, but eventually include natin yung pong mga jeepney
29:56drivers,
29:57taxi drivers, mga TNDS drivers, and other affected sectors.
30:01Hindi lamang po sa National Capital Region, but nationwide, Ms. Conn.
30:06Okay, maraming nagtatanong bakit Metro Manila muna ang inuna, gayong batay po sa mga nakukuha naming balita.
30:13Mas mahal pa nga yung petrolyo sa ilang probinsya?
30:17Well, dahil nga po ang utos sa atin ng Pangulong Marcos Jr. ay bilisan na natin yung pamamahagi ng tulong.
30:23So, ito po muna ng NCR ang na-identify na natin sapagkat nandito po tayo at nandito po yung mga
30:30ready na available na yung mga list.
30:34It's just a matter of validating it.
30:36But hindi naman po kinakilang mag-alala ng mga kababayan natin outside of Metro Manila
30:41sapagkat susunod na po yung pong kanika nilang mga lugar.
30:45We've already started yung coordination naman pertaining to the other areas.
30:51Mga kailan ho kaya masisimulan yun sa mga probinsya naman?
30:56Well, titignan natin, Ms. Connie, kung gano'n rin po kabilis na maisumiti sa atin yung pong mga talaan o
31:02yung mga listahan.
31:04And of course, tayo naman ay in close coordination with the LTFRB para rin dun sa DOTR para din din
31:09po sa mga ibang mga talaan ng ating mga drivers.
31:13Asek, paano daw matitiyak kaya na magagamit yung cash aid na ito sa tama?
31:18Lalo na ho, may iba ho kasi talagang nagagamit.
31:22Halimbawa kung sinong kakilala sa LGU, mas malapit sa mga barangay tanod, ang mas mauna daw nabibigyan.
31:30Well, ito po ang usapan natin with the local social welfare development officers kahapon.
31:35Natiyakin natin na lahat po ng mga tricycle drivers na nandun po sa lugar na kanilang nasasakupan ay ma-include
31:43dun sa list na isasubmit sa DSWD.
31:46And of course, we trust naman our local partners na i-include po nila lahat ng mga partners.
31:52Ngayon po, kung halimbawa meron pang mga karagdagang mga hinahing at mag-asabi na hindi sila na-include,
31:59meron po kaming joint help desk na iseset up sa mga payout centers, mga payout sites natin.
32:06So, dun po, pwede silang mag-submit ng kanila pong mga hinahing and we will immediately address this.
32:11Okay, sa pag-aproba naman po ng General Appropriations Act, di ba may anti-epal provision?
32:17Bawal yung mga politiko sa pamimigay po ng ayuda.
32:19Bakit daw idadaan pa ito sa LGU, yung cash aid na ito sa PUV drivers?
32:25Baka ho kasi ma-ano eh, magamit lang din ito sa pumulitika.
32:30Well, ito naman po kasing listahan na magagaling sa mga local government units,
32:35ay siyempre ang ninalaman kasi nito ay yung kanila pong mga constituents, yung mga drivers sa kanilang mga lugar.
32:43And ito naman po ay iso-certify ng mga local social welfare development officers as those really in crisis situation.
32:51And makakaasa naman po kayo na hindi naman po magiging selective yung targeting mechanism or yung selection process natin
33:00because meron naman po tayong mga pamamaraan kagay na nga napagsiset up ng mga helpdesk
33:06to ensure na kapag may mga grievances or may mga other concerns, ay agad po natin na matutugunan.
33:12And tama po doon sa may anti-epal provisions, kaya nga po titiyakin din natin na ma-insulate yung ating
33:21pamamahagi ng tulong
33:22from any political influences or interferences.
33:25Alright. Mapunta naman po tayo sa assistance para sa mga apektado at pinauwing kababayan po natin dahil sa gulo sa
33:30Middle East.
33:31Isang bagsakan ba ang tulong na ibibigay lalo na doon sa mga nawalan ho ng trabaho?
33:36Ito ba ay in cash or iba pang mga tulong?
33:41Well, Ms. Connie, with regards naman yung mga repatriated natin na mga OFWs,
33:46DSWD works closely with the DMW and the OWA kasi whole of government approach din yung sinasagawa natin dito
33:53na kung saan tumutulong tayo ang DSWD sa pagbibigay ng financial assistance,
33:59gayon din ng psychosocial interventions and other assistance sa mga kababayan po natin na umuwi mula sa Middle East.
34:07Isa po sa karagdagang na tulong na maaari natin ding maipabot ay yung Sustainable Livelihood Program nga.
34:12Kasi nauunawa natin, Ms. Connie, na isa sa mga pangamba ng ating mga kababayan ay yung pag-uwi nila,
34:17wala na po silang pagkabuhayan. Kaya ang ginagawa natin, ina-assess sila ng ating mga social workers
34:24para matukoy kung ano pa yung karagdagang tulong na may papabot natin,
34:29lalong-lalo na kapag sila ay umuwi sa kanika nilang mga probinsya.
34:33Also, kapag naghihintay pa sila ng kanila pong biyahe patungo sa kanika nilang pong mga lugar,
34:38ay ino-offer din ng DSWD yung ating pong mga residential care centers na avail subject to certain protocols
34:48sa mga residential care facilities natin. Pwede po natin silang i-accommodate muna
34:53habang hinihintay yung kanilang araw ng pagbiyahe pa uwi sa kanika nilang mga probinsya.
34:59But again, pag-uwi nila, Ms. Connie, tinitiyak natin ma-assess din ang ating pong mga field personnel
35:06para sa karagdagang pang tulong as may be applicable.
35:10ASEC, Irene, maraming pong salamat sa inyo.
35:13Maraming salamat din, Ms. Connie.
35:14Yan po naman si DSWD spokesperson, Assistant Secretary Irene Dumlao.
35:21Sugatan ang isang lalaking lasing matapos niya umanong manghamon ng away sa Valenzuela.
35:26Natuntun sa Quezon City ang namaril ilang oras matapos ang insidente.
35:31Balitang hatid ni Bea Pinlac.
35:35Nakatambay ang grupo ng lalaking niyan sa barangay Malinta, Valenzuela City, lunes ng gabi.
35:40Maya-maya, dumating ang isa pang lalaki na nakainom ayon sa pulisya.
35:45Nilapitan niya ang lalaking nakasuot ng dilaw.
35:49Siga ako dito.
35:53Siga ako dito.
35:55Siga ka.
35:57Siga ka.
35:58Siga ikaw.
36:00Siga ka.
36:00Hindi na nahagip sa video ang sumunod na pangyayari.
36:03Pero ayon sa pulisya, ang pangungursunada sa lalaking nakadilaw, nauwi sa pamamaril.
36:10Parang hinamon itong mi-biktim si sospek.
36:13Nakursunodahan itong biktima at itong si sospek.
36:15Pagkatapos siyang pagdiskitahan, nagkaroon pa sila ng pagtatalo.
36:18Hanggang dun nga, nauwi na doon sa pagkuhan ng barila.
36:20Tapos binaril niya na itong biktima natin.
36:24Ang 44-anyos na biktima, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.
36:29Isa sa braso at isa sa tiyan.
36:32Agad siyang dinala sa ospital.
36:34Ang 37-anyos na sospek naman, nakita pa sa CCTV na naglalakad papuntang MacArthur Highway matapos ang pamamaril.
36:42Ayon niya doon sa kanyang asawa na itong si sospek ay pagkatapos yung pangyayari ay agad na umalis.
36:49Ang pagkakasabi ay tatakas na papuntang Samar.
36:54Nagsagawa ng dragnet operation ng pulisya at makalipas ang ilang oras, naaresto sa kubawang sospek sa tulong ng Quezon City
37:01Police.
37:06Sinubukan namin kunin ang panig ng sospek na nakapiit sa Valenzuela City Police Station.
37:10Pero hindi na siya nagbigay ng pahayag.
37:13Ayon sa pulisya,
37:15Inamin naman itong sospek na siya nga ay may nabaril.
37:18Kusan niya rin namang itinuro, kusan niya itinago yung kanyang baril na ginamit.
37:22At tinago niya sa loob ng bahay, sa loob ng bahay nila, hindi lisensyado yung baril.
37:26At siya ay hindi rin lisensyado na magposes ng baril.
37:30Base sa records ng pulisya, dati nang nakulong ang sospek dahil sa kasong pagpatay.
37:36Ngayon, reklamang frustrated homicide at illegal possession of firearms naman ang isinampalaban sa sospek.
37:43Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
37:48Sinaksak ng isang lalaki sa Marikina ang live-in partner ng kanyang ex-girlfriend.
37:52Ang dahilan daw, selos.
37:55Balitang hatid ni E.J. Gomez.
37:59Sugatan ang 25 anyos na lalaking ito, matapos saksakin ng isang lalaki sa barangay Parang Marikina City noong biyernes.
38:08Sa investigasyon ng pulisya, may dati nang alitan ang dalawang lalaki bago maganap ang pananaksak.
38:14Nung susunduin po sana ng ating biktima, ang kanyang live-in partner, yung ating witness po dito na isang kahera,
38:22ay nakita niya po na magkasama po sila nitong sospek na dati niya pong karelasyon po.
38:28At yun nga po, nauwi po yun ng isang konfrontasyon at nagkaroon sila ng reslingan, yung dalawang lalaki,
38:35yung ating biktima at nung sospek natin.
38:37Na dun ay hindi niya na po namalayan na nasaksak na pa pala siya ng ating sospek.
38:42Sa likod at tagiliran, nagtamo ng mga saksak ang biktima.
38:45Tumawag ng tulong ang babaeng ka live-in partner at na-corner ng mga residente ang sospek ayon sa pulisya.
38:52Na-aresto ang sospek kalaunan at na-recover sa kanya ang ginamit na patalim.
38:57Aminado ang 28 anyos na si Alyos Diyos sa krimen na nagawa niya dahil daw sa selos.
39:04Gumanti lang din daw siya sa pananakit ng biktima.
39:07Siya po yung naunan na nananakit sa pagsuntok tapos sa pagtulak.
39:12Wala na po ng kontrol. Naano ko na siya na saksak.
39:14Dahil po sa selos, umingi po ako ng tawag dun sa taong yun.
39:18Hindi ko po ginusta yung mga ganang bati.
39:20Susubukan pa ng GMA Integrated News na kunan ang pahayag ang biktima na nagpapagaling sa mga tinamong saksak.
39:26Sa custodial facility ng Marikina City Police nakakulong ang sospek na nahaharap sa reklamong frustrated murder.
39:33E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:42To see is to believe dahil may pasabog na imbensyon ang ilang scientist sa Granada, Spain.
39:50Nakagawa sila ng artificial cornea gamit ang kaliskis ng isda.
39:55Gaya ng cornea ng tao, ito raw ay biocompatible at transparent.
40:00Mas mura at mas accessible din daw ito.
40:03Sa ngayon, kinukulang na raw ang organ donation o kaya ay mahaba ang waiting list para sa cornea transplant.
40:11Hindi pa na isasalang sa clinical trial ang kaliskis cornea para magamit ng mga tao.
40:16Pero nasubukan na raw ito sa mga hayop at maganda naman ang resulta.
40:22Wow!
40:27Nagbababa ng pasahero ang tricycle na yan sa barangay Basak sa Lapo-Lapo, Cebu, nang bumaba ang driver ng isang
40:33kotse.
40:34Sinundan niya ang tricycle at binatukan ang driver.
40:38Puminto ang tricycle at kinumpronta ang nambatok sa kanya hanggang sa magsuntukan na ang dalawa.
40:43Napunta sila sa gilid ng kalsada hanggang sa mabugbog na ng driver ng kotse ang tricycle driver.
40:48Sa isang cellphone video, makikita ang pag-awat na ilang tao sa kanila.
40:53Ayon sa tricycle driver, guwaba siya para alamin kung bakit siya binatukan.
40:58Sagot ng driver ng kotse sa kanya, e muntik na raw siyang dumikit sa nasa unahan niyang taksi dahil huminto
41:04ang tricycle.
41:05Kalaunan, nagkaareng doon din ang dalawa.
41:08Sinubukan kuna ng payag ang driver ng kotse pero hindi umano siya umuwi sa kanilang bahay mula nang mangyari ang
41:14insidente.
41:15Magsasagawa ng imbistigasyon sa insidente ang Land Transportation Office sa Central Desayas.
41:21Magpapadala rin sila ng shokos order sa nasabing driver para pagpaliwanagin.
41:26Dahil sa pagtaas ang presyo ng langis, pati presyo po ng bigas, maaari rin tumaas ayon sa Department of Agriculture.
41:34Gumagami kasi ng mga traktora ang mga magsasaka sa pag-ani ng palay.
41:38Hindi patukoy ng DA kung magkano ang itataas ang presyo ng bigas sa ngayon.
41:43Maglalabas daw sila ng fuel subsidy sa mga kwalipikadong magsasaka at manging isda sa susunod na dalawang linggo.
41:50May 10 billion pesos din mula sa Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk at families na nakalaan para sa panahon ng
41:57kalamidad.
41:58Pinag-aaralan ng gamitin ito ngayong mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
42:03Batay sa latest monitoring ng DA sa ilang pamilihan sa Metro Manila, naglalaro sa 52 hanggang 63 pesos kada kilo
42:11ang presyo ng imported na premium na bigas.
42:1443 hanggang 49 pesos naman ang kada kilo ng well-milled at 42 hanggang 46 pesos naman ang kada kilo
42:21ng regular milled.
42:22Para naman sa lokal na bigas, 46 hanggang 60 pesos ang kada kilo ng premium, 40 hanggang 55 pesos ang
42:30well-milled, habang 37 hanggang 47 pesos naman ang regular milled.
42:37Sinusuri ng ilang opisyal ng Manila City LGU ang ilang gasolinahan sa lungsod para matiyak na tama ang presyo ng
42:43ibinibentang petrolyo.
42:44May ulat on the spot si Oscar Oida.
42:47Oscar!
42:51Yes, Rafi, nag-inspeksyon nga ngayong umaga ang Manila City LGU sa isang gasolinilahan,
42:59particular dito sa may Dimasalang Corner Blooming Treat.
43:02Ito'y kasunod nga ng malakiang oil price hike na muling nagpapabigat ngayon sa gastusin ng mga motorista at commuters.
43:11Sinuri kung intact ang mga selyo ng pump at sa pamamagitan ng kalibresyon,
43:17inalam din kung nasa tamang amount ba ng gasolina ang ibinubugan ng bawat pump.
43:22Mahalagang mabantayan ang mga establishmento upang maiwasan umano ang posibleng overpricing o panlilinlang sa mga consumer.
43:30Ayon sa pamunuan ng lungsod, kung dati-dati ay twice a year ang isinasiguan kalibresyon dito sa Maynila,
43:38gagawin na raw nila itong quarterly.
43:39Ayon pa kay Manila Mayor Isco Moreno, inihahanda na rin anya ang 5,000 pisong ayuda na ipapamahagi ng national
43:47government
43:48sa mga nasa public transport service.
43:50Uunahin ang mga tricycle driver at susunod daw ang mga jeepney driver at operator.
43:56Sabi naman ng LGU ng Manila,
43:58ang pag-iinspeksyon na ito ay gagawin nila random para matiyak na nasa ayos lagi ang operasyon ng mga gasolinahan
44:06sa kanilang lungsod.
44:07Raffi?
44:08Oscar, may mga natanggap na raw ba yung LGU na reklamo tungkol sa overpricing sa mga gasolinahan dyan sa Maynila?
44:18Well, kanina sa pag-ipag-usap natin sa kanila, Raffi, wala pa naman, ano?
44:22Pero ito ay bilang paghahanda na rin, no?
44:26Preparasyon, dahil hindi nga naman biro yung naging pagtaas sa presyo ng krudo.
44:31Kaya bahagi ito ng ginagawang hakbang ng LGU para matiyak na hindi ito mangyayari.
44:38So far, hingga sa iyong tanong, Raffi, wala pa naman, o wala pa naman tayong nababalitaan patungkol dyan.
44:44Raffi?
44:44At dun sa ayuda, Oscar, bukod sa national government, may balak ba yung lokal na pamahalaan na magbigay din ng
44:50ayuda
44:50sa mga sektor ng public transportation dyan sa Maynila?
44:58Well, sa pag-ipag-usap natin kay Mayor Esco Moreno, more on, national government, manggagaling yung pondo, no?
45:06Ang kanilang nagiging papel dito, Raffi, ay yung preparasyon, no?
45:11Preparasyon na ang mga presyo ng gasolina, ang operasyon ng mga gasolinaan sa kanilang lusod ay nasa ayos
45:19para yung ayuda na manggagaling sa national government ay matiyak na magagasos ng maayos at sapat
45:27para sa kapangangailangan ng mga motorista o sa public transport, no?
45:33Particular una, yung mga tricycle drivers at susundan daw ng mga drivers at operators ng mga pampaserong jeep.
45:41Raffi?
45:41Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
45:46Sa gitna ng hinaharap na kontrobersya, mas ramdam daw ni Rian Ramos ang suporta ng kaibigan
45:52at Encantadia Chronicle Sangre co-star na si Glyza De Castro.
45:59Actually, na-feel ko naman talaga yung support ni Glyza through the past few weeks.
46:03Even if, you know, it wasn't, there's a lot that's not said pa in the news.
46:09Um, pero nakapag-hangout kami, nakapag-usap kami.
46:14I don't intend to know everything.
46:16Um, I respect her kung ano mang gusto niyong i-share sa akin, but I'm just here.
46:21I'm just here para to, to, to, to listen and to, to, to be with you.
46:29Alam ko kung gano'ng kahirap yung, yung, yung, yung pinagdadaanan mo.
46:34Sinabi nila yan sa Mediacon ang upcoming girls' love film nila na I Fell It's Fine.
46:40Na-present ang inyong mare.
46:41Chica pa ni na Glyza at Rian, unbreakable ang kanilang friendship at bond of camp.
46:47Malaking bagay rin para kinag-Glyza at Rian ang baliktambalan nila na rastro sa I Fell It's Fine.
46:53Matutuwa raw ang kanilang fans na una silang napanood sa GMA Prime series na The Richman's Daughter.
47:05Bukod po sa jeans na isalin din sa apat na henerasyon, ang pagmamahal ng isang pamilya sa Tabaco Albay.
47:12Ang eksena nila sa pagtulog naging viral moment.
47:15Very touching at wholesome kasi ang nakunan.
47:19Ayan, patulog na sana pero nilalamig ang 93-year-old na si Lola Luisa.
47:25To the rescue naman with kumot, warmth at love ang kanyang 2-year-old apo sa tuhod na si Shia.
47:32Sinuklian niya ni Lola ng mga tapik at yakap.
47:35Happy si Mommy Chica sa kanyang nasaksihan.
47:37Binang apo na pinalaki rin noon ng kanyang Lola Luisa.
47:41Ang netizens nakarelate sa moments sabay well wishes sa sarili ng mga grandma.
47:46Ang video na maglolang Luisa, halos 600,000 na ang views.
47:52Trending!
47:54Heartwarming.
47:55O, ganda. Tignan.
47:56Ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking mission.
47:59Ako po si Connie Sison.
48:00Rafi Tima po.
48:00Asaman nyo rin po ako, Aubrey Carampe.
48:02Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
48:04Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
48:16Mula sa GMA Integrated News.
Comments