Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Kandidatura ng Pilipinas sa U.N. Security Council, isinulong ni PBBM; halaga ng pagkakaroon ng non-permanent UNSC seat, iginiit | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dapat manaig ang diplomasya at sundin ang international law.
00:04Ito ang panawagan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa United Nations General Assembly
00:09kung saan isinulong din niya ang kandidatura ng Pilipinas sa UN Security Council.
00:15Yan ang ulit ni Kenneth Paciente.
00:18Sa kanyang pagharap sa United Nations General Assembly sa New York,
00:23nanawagan ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bansang kasapi ng UN
00:27para sa kandidatura ng Pilipinas sa United Nations Security Council para sa taong 2027 hanggang 2028.
00:34Sa kanyang talumpati, iginiit ng Pangulo na handa ang Pilipinas na maging boses ng Indo-Pacific,
00:40ng developing countries at ng mga bansang pinaka-apektado ng climate change
00:44habang itinataguyod-a niya ang diplomasya, kapayapaan at kooperasyon sa pandaigtigang komunidad.
00:51Punto niya, hindi karapatan kundi pribilehyo ang pagiging miyembro ng Security Council
00:55at dapat anya itong paglingkuran ng mga bansang may malinaw na ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo.
01:01We lodged our candidature mindful that a non-permanent seat on the UN Security Council
01:07is not a right of any state, but a privilege earned through consistent, dedicated, meaningful,
01:15and concrete partnership in the service of the United Nations and soul of humanity.
01:22The Philippines stands ready once again to contribute,
01:26to help calm voices of division, provide a voice of balance,
01:31to shun ambition for service, and always as a voice for principled peace.
01:38Sa hiwalay na preskon, binigyang diin ng Pangulo na oras na makakuha ng pwesto,
01:43hindi lang lalakas ang boses ng Pilipinas pagdating sa usapin ng seguridad,
01:47kundi mas mapapalakas pa nito ang ugnayan ng bansa sa UN member states.
01:51Bintahe pa niya ang matibay ng ugnayan ng Pilipinas at UN sa mga nakalipas na taon.
01:57It's very hard to assess what the chances are.
02:00We have some solid expressions of support, but it is a silent ballot, secret ballot rather.
02:11So we just have to keep talking to our friends and hope that they provide us their support.
02:19Mukhang namang maganda naman ang pag-asa natin.
02:22Sana naman matuloy at tayo'y maging non-permanent member.
02:27Kasabay ng paghahangad ng mas malaking papel ng Pilipinas sa pandaigdigang siguridad,
02:32binigyang diin din ng Pangulo ang pangangailangang matigil
02:35ang mga umiiral na digmaan at tensyon sa iba't ibang bahagi ng mundo,
02:39partikular na nanawagan ang punong ehekutibo sa paghupa ng karahasan
02:43sa mga lugar na patuloy na nakakaranas ng armadong sigalot,
02:47kabilang ang Middle East, Ukraine at Sudan.
02:49Gate nito, dapat manaig ang diplomasya at igalang ang international law
02:54upang maprotektahan ang mga sibilyan at maibalik ang kapayapaan.
02:58We join calls for restraint, a de-escalation and cessation of hostilities,
03:04respect for international law, including the UN Charter and humanitarian law,
03:10and for all concerned to return to the negotiating table.
03:15These tragedies need to stop.
03:17Innocents must be protected, and their basic needs immediately provided.
03:22And for the wider region, the Philippines joins the international community
03:27in calling for restraint, de-escalation and cessation of hostilities.
03:32Bukod sa mga usaping pangkapayapaan,
03:35tinalakay din ng Pangulo ang kalagayan ng milyong-milyong migrant workers sa buong mundo,
03:39kabilang na ang mga Pilipinong patuloy na nagbibigay ng ambag sa pandaigdigang ekonomiya.
03:44Nanawagan ang Presidente ng mas matibay na pandaigdigang proteksyon
03:48para sa mga migrant workers at seafarers.
03:50Punto niya, mahalagang kilalanin ang kanilang papel sa pag-uugnay ng mga bansa
03:55at sa pagsusulong ng kaunlaran.
03:58We believe that migration is a force for good,
04:01and that migrants contribute to sustainable development
04:04in the countries of their origin, in transit, and in their destinations.
04:09Migrants, including seafarers, connect our nations.
04:14Their dignity and rights should serve as a unifying principle,
04:18not a divisive fault line for governments worldwide.
04:21Bukod sa mga hamong siguridad at migration,
04:24binigyang di-indin ng Pangulo ang climate change,
04:27na anyay matinding nararanasan ng Pilipinas.
04:30Gate niya, hindi lang ito banta sa hinaharap,
04:33kundi isang krisis na kasalukuyang nararanasan ng bansa
04:36dahil sa matitimbing bagyo, baha at tagtuyod.
04:39We established the climate change expenditure tagging system
04:43which allows us to track and to align budget priorities
04:47with the National Climate Change Action Plan.
04:50To address loss and damage associated with the adverse impacts of climate change,
04:56the Philippines was selected to host the board of the fund for responding to loss and damage.
05:02And as host country of the board,
05:05we commit to ensure the fund's governance maintains equitable,
05:10transparent, and needs-based allocation of resources.
05:13Huling nagkaroon ng non-permanent seat ang Pilipinas sa UN Security Council
05:18noong 2004 hanggang 2005.
05:21Bago yan, nagsilbi rin ang bansa noong 1957, 1963, at mula 1980 hanggang 1981.
05:28Nakatakdang gawin ang halala ng UNSC sa June 3.
05:32Kenneth, pasyente.
05:34Para sa Pambansang TV, sa Bago, Pilipinas.
Comments

Recommended