Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kaysunod po ng malaki ang taas presyo sa petrolyo,
00:03ang Meralco naman ang nag-anunsyo ng Dagdag Singil.
00:05Pero wala pa dyan ang epekto ng gulo sa gitnang silangan.
00:09Ayon naman sa DTI, posibleng rin magmahal ang ilang pangunahing bilihin.
00:14Saksi, si Marie Zumali.
00:18May negosyong barberiya si Benji.
00:20Bumili raw siya ng generator para mas makatipid sa kuryente.
00:24Ang kaso...
00:25Tumas naman yung gasolina ngayon.
00:27Kaya di ko alam paano na gagawin ngayon.
00:30Ngayon pa nga lang daw, hirap na siyang magbayad.
00:32Kaya umabot na sa mahigit 87,000 pesos ang naipong bayarin nitong nakaraang limang buwan.
00:38Kaunting higpit pa ng Sinturuan dahil nag-anunsyo na ng Dagdag Singil sa kuryente ang Meralco.
00:43Tumas daw kasi ang transmission at generation charge.
00:4670% ang itinaas ng Auxiliary Service Charges na National Grid Corporation of the Philippines.
00:51Habang humigit kumulang 38 centavos naman, kada kilowatt hour ang nadagdag sa generation charge
00:57dahil sa fixed charges na kaugnay ng ikalawang extension ng Power Purchase Agreement.
01:01Hindi pa kasama dyan ang posibleng efekto ng krisis ngayon sa Middle East.
01:05Pag sipa ng Marso hanggang siguro bandang Hulyo ay tataas talaga ang demand sa kuryente
01:15at butso dito ng pagtaas ng konsumo ng mga customers ng Meralco.
01:20Nagkaroon pa ng krisis sa gitnang silangan, na Middle East, na maglalagay ng pressure sa fuel supply.
01:30Kaya those two factors are really most probably going to driving prices higher
01:40at kami gusto na namin i-emphasize yun na talagang it's almost inevitable.
01:48Hindi na gumagamit ng langis para sa power generation sa Luzon Grid.
01:52Pero dahil pa rin sa gulo sa Middle East at paghigpit ng supply,
01:56tumaas ang presyo ng liquefied natural gas at coal na siyang ginagamit dito.
01:59Usually kapag merong pressure na tumaas ang price,
02:03sumusunod yung liquefied natural gas, pati yung coal at malampahing natural gas.
02:11Kung ano man yung magiging parallel impact nun doon sa mga ibang fuel prices,
02:16hindi pa natin masabi ngayon.
02:17Ayon sa Energy Regulatory Commission, pwedeng umapa sa 16% ang dagdag singin sa kuryente.
02:22Alam naman natin lahat na yung ating produksyon ng kuryente,
02:26nakadepende ang malaking bahagi niyan sa inaangkat nating panggatong.
02:31Kung tataas ang demand, mas kakailanganin natin ang mas maraming supply o kuryente.
02:36Kasama na dito yung mga supply na nanggagaling sa mas mahal na mga planta.
02:41Patuloy ang panawagan ng mga otoridad na maging masinop, matipid at gawing lifestyle
02:46ang pagiging energy efficient, lalo na ngayong panahon ng tag-init
02:50para maibisan daw kahit papano ang impact ng krisis sa ating konsumo.
02:54At hindi dyan natatapos ang pasakit.
02:57Babala ng Department of Trade and Industry,
02:59posibleng tumaas din ang presyo ng ilang bilihin.
03:02Apektado rin daw kasi ang gasto sa distribution at logistics
03:05o yung pagbiyahe at pag-imbak ng mga produkto na apot sa 10% ng production cost.
03:11Kabilang sa mga posibleng tumaas ang tinapay na Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal,
03:16Sardinas, Canned Meat, Processed Milk, Instant Noodles, Bottled Water at Kape.
03:22Minomonitor pa po natin yung average prices ng fuel
03:25kaya hindi po tayo makapagpeg ng eksaktong figures.
03:29So we're giving a range na about 2 to 8% impact.
03:34Maybe a month or two from now kasi healthy pa po yung ating inventories.
03:38Ayos sa DTI, wala pang manufacturer na formalas sumulat sa kanila
03:42para humirit ng taas presyo sa mga pangunahing bilihin.
03:45Pero ang mga produkto na nasa labas na ng suggested retail price guide
03:49maaaring magtaas ng presyo nang hindi na humihingi ng pahintulot mula sa kagawaran.
03:54I guess they're all trying to figure out the degree of uncertainty
03:58and if it's worth taking the risk right now to increase or adjust prices this early.
04:03The last thing we need to do is to panic buy
04:05because that will immediately increase prices because there'll be a lack of supply.
04:14Para maibsan ang epekto ng gulo sa gitnang silangan sa presyo ng petrolyo,
04:19isa sa mga panukala ay bigyan si Pangulong Bombong Marcos
04:22ng kapangyarihan suspindihin ang oil excise tax.
04:25Kung sakali, 6 pesos ang inaasahan mababawa
04:28sa kada litro ng diesel at 10 pesos naman sa gasolina.
04:31No objection. The motion is likewise approved.
04:36Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang inaprubahang substitute bill.
04:40Alinsuno dito pwedeng suspindihin ang fuel excise tax ng hanggang 6 na buwan
04:45kung isang buwan ng $80 per barrel ang Dubai Crude Oil
04:48o kung may declaration of emergency na certified ng Energy Secretary.
04:52Kung sakali, magiging efektibo ito hanggang December 31, 2028.
04:57Pwede itong i-extend ng kongres but not more than one year.
05:00Pwede rin bawiin ng kongreso at any point in time,
05:03even within the six months,
05:05pag nakikita rin ng kongreso na hindi na ito necessary.
05:08Kailangan ding iulat ng pangulo sa kongreso
05:11ang tungkol sa implementasyon nito,
05:13kabilangan na walang kita sa gobyerno
05:15at ang epekto nito sa ekonomiya.
05:17Pero mararamdaman ba agad ang pag-alis o pagbawas ng excise tax?
05:20Hindi raw, sabi ng mga oil company.
05:23Anila, nabayaran na ang naturang buwis
05:25bago pa makarating sa Pilipinas ang mga produktong petrolyo.
05:29Kaya dapat maubos na raw nilang ang stock na yun.
05:31The moment it reached the shores of the Philippines,
05:35the taxes and duties has already been settled.
05:40When you pass it today,
05:42the inventory tomorrow still has the paid excise.
05:48Pero yung padating pa lang, bukas, yun yung wala.
05:53It will be around 15 days.
05:55So, 15 to 20 days.
06:00Bago maging effective,
06:02patay na ang kabayo.
06:04It is correct, sir, na hindi po mararamdaman agad
06:07because we still have the inventory
06:09na bayad na po yung excise tax.
06:12Para ramdam agad sa pump prices,
06:14nirekomenda ng chairman ng komite
06:16na gawing tax credit
06:17o ibawas na lang sa mga susunod
06:18ang nabayaran ng excise tax.
06:21Wala ito sa mismong batas
06:22pero pwede raw ilagay na lang
06:23sa implementing rules and regulations
06:25o gabay sa pagpapatupad ng batas.
06:28Upon the suspension declaration of the president,
06:30dapat the following day,
06:32effective siya immediately.
06:33Sa kaling sertifikahang urgent
06:35ng Malacanang Panukala,
06:37inaasang maaaprubahan nito
06:38sa ikalawa at ikatlot huling pagbasa bukas.
06:41Nakatakdang mag-adjourn
06:43ang kongreso sa March 21
06:44kaya sabi ni Sanat President Tito Soto
06:46posibleng magpatawag ng special session
06:48para aprubahan ang Panukala.
06:50Para sa GMA Integrated News,
06:52ako si Mariz Umaliang inyong Saksi.
06:56Mga kapuso,
06:57maging una sa Saksi.
06:59Mag-subscribe sa GMA Integrated News
07:01sa YouTube
07:01para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended