00:00Maaksyon ang sorpresa ng maestudyante sa Rizal para sa kanilang guro.
00:09Naglalakad lang si Teacher Gideon nang bigla siyang binuhat papunta sa classroom.
00:17Doon nakaabang ang cake pati ng mga mensahe mula sa mga estudyante.
00:23New fear unlocked nga raw ang sorpresa, sabi ni Sir.
00:27At hindi raw ito katulad ng dating gawin tuwing Teacher's Day na may nagpapanggap na nag-aaway para ipatawag ang sinosurpesang guro.
00:34At kahit mukhang kidnapping ang eksena, kwento ni Sir, maingat ang kanyang mga estudyante at wala namang nasaktan.
00:42At pati nga raw ang bit-bit niyang drinks, safe din.
00:48Sa huli, natawa si Sir Gideon at nanaig pa rin ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa ginawa ng kanyang mga estudyante.
00:57Mga kapuso, maging una sa saksi.
01:02Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments