Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago sa Saksi, 600 pamilya ang nasunugan sa Intramuros, Maynila.
00:05Ang lalaking hinihinalang nasa likod ng sunog, hinuyog.
00:09Saksi Live, si Jamie Santos.
00:12Jamie?
00:16Ian, nagnangalit na apoy at makapal na usok ang bumalot nga sa mga kabahayan dito sa Intramuros, Maynila,
00:23matapos sumiklab ang sunog dito sa Cabildo Street, Dakong Pasado, alas 4 ng hapon.
00:28Ayon sa mga residenteng nasunugan, isang lalaki ang nasa likod nito.
00:36Makapal na usok at nagnangalit na apoy ang bumalot sa mga bahay sa Cabildo Street sa Intramuros, Maynila.
00:43Mabilis na lumaki at kumalat ang apoy.
00:46Umabot ito sa ikaapat na alarma, indikasyong mas pinaigting ang pagrespondes sa lugar.
00:55Sunod-sunod ang dating ng mga firetrak.
00:57Ilan sa mga bumbero, pinasok na ang mga nasusunog na bahay para apulahin at pigilin ang pagkalat ng apoy sa
01:05mga katabing gusali at bahay.
01:07Ang mga apektadong residente, kanya-kanyang likas. Halos wala silang naisalbang gamit.
01:12Sumigay yung asawa ko na sunog.
01:14Tapos nung nababas po ako, nakita ko, ang usok mga kapal na po eh.
01:19Tapos ngayon, ang ginawa ko, ginising ko na yung mga anak kong tulog.
01:21Tapos kung baba na kayo, baba.
01:23Nagdatingan na rin yung mga bumbero eh.
01:26Kaya lang, masikip po kasi.
01:28Oo, yung daanan, yung mga tao na talaga mga kadahan.
01:31Eh may mga naghahakot-hakot pa, nakakasalubon.
01:34Kaya hindi masyado maano.
01:35Sa kalagitnaan nito, isang lalaki ang pinagbubugbog na mga residente.
01:40Siya umano ang nasa likod ng sunog sa kanilang lugar.
01:44Base sa mga constituent ko, talagang nakita nila na isa sa mga tao dito, sinadya talaga, sinunog talaga.
01:53Actually, ginulping nga nila. Hindi ko nga alam ngayon kung ano nangyari.
01:56Dahil pinakiusapan ko sila na huwag saktan.
01:59Nilabas namin ang mga pulis pero talagang kinuyog.
02:02Lover's Quarer yan.
02:04Kalalaya lang nitong tao.
02:05Yung asawa niya, eh yung babae, eh nag-asawa ng kapitbahay din, eh siguro na wala sa isip.
02:13Sinusubukan pa namin puna ng pahayag ang lalaki.
02:16Hawak na ng Manila Police District Station 5 ang lalaki.
02:19Tinatayang nasa 600 families ang apektado ng sunog at aabot daw sa 1.5 milyon pesos ang halaga ng pinsala.
02:27Ayon sa BFP, nahirapan silang mapasok ang lugar dahil may kasikipan ang mga kalsada sa Intramuros.
02:34Kanina po, napansin natin na malakas yung hangin.
02:37Then, isa lang po yung fire hydrant atin dito sa area na ito.
02:41Medyo malayo na po yung, mayroon po yung dalawa pero medyo malayo po siya.
02:49Iyan sa ngayon, patuloy ang investigasyon ng BFP sa Sanhinang Sunog.
02:55Titignan daw nila ang lahat ng Angulo, kabilang ang sinadya ito.
02:59Live mula rito sa Maynila para sa GMA Integrated News.
03:02Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:18Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments

Recommended