00:00Samantala, tinututukan ng Department of Social Welfare and Development
00:04ang pagbibigay ng psychosocial intervention sa mga Pilipinong umuwi mula sa Middle East.
00:10Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao,
00:15particular na rito ay ang mga nakaranas ng trauma.
00:18Paliwanag ni Dumlao, sa airport pa lamang ay kinakausap na sila ng social workers para sa profiling
00:25at kung malalim-aniya ang trauma, ay ire-refer umano sila sa DOH.
00:30Samantala, tutulong din ang DSWD para magkaroon ng bagong mapagkakakitaan ng ating mga kababayang umuwi mula sa gitnang silangan.
00:40Kabilang na rito ang Employment Facilitation at Micro-Enterprise Development sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Comments