00:00Hawak na ng mga otoridad ang suspect sa pamamaril sa loob ng kondominium complex sa Paranaque City.
00:07Dito sinampahan na ng patong-patong na kaso ang gunman dahil sa pagkasawi ng dalawang katao
00:13at ikinasugat ng apat na iba pa noong gabi ng March 4.
00:18Itong biyernes ng gabi, nang maaresto ang 59-year-old na suspect sa loob ng isang kondominium unit
00:25sa barangay Moonwalk, Paranaque, kung saan nakarecover mula sa suspect ang dalawang baril,
00:32apat na magazine at mga bala na kasalukuyang suma sa ilalim sa ballistic examination.
00:38Kabilang sa mga kasong isasampa laban sa suspect ang two counts ng murder,
00:44four counts ng frustrated murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
00:51Samantala, sa isinagawang investigasyon, napag-alaman din ng mga otoridad na may nakabimbin na warrant of arrest
00:59ang suspect kaugnay ng isang kaso ng homicide noong 2012 sa Taguig City.
01:07Pagbaba niya po doon sa kanyang unit, dire-diretyo po siya sa court at doon nga sa labas ng court,
01:14nakita niya itong biktima, yung 57 years old.
01:17Ayun ang muna niyang binaril, tapos pumasok po doon sa loob ng court at yun naman po ang ginawa niya,
01:23yung pinagbabaril niya yung mga nandun.
Comments