00:00Umabot na sa halos 400 overseas Filipinos ang natulungan ng pamahalaan upang ligtas na makauwi sa bansa sa harap ng
00:09tumitingding sigalot sa Middle East.
00:11Pinakahuli rito ay ang higit siyam na pong Pilipino na umuwi kagabi si Denise Osorio sa sentro ng balita.
00:21Dumating na sa Pilipinas kagabi mula sa Middle East ang siyam na pong mga OFW at kanilang dependents.
00:27Kasinod naman ng mga kumakalat sa social media na tila ang UAE lang yung tumulong sa mga naipit na Pilipino.
00:33Nilinaw ng Department of Migrant Workers na sa mga ganitong sitwasyon, may sariling hakbang ang host country para sa seguridad
00:39at proteksyon ng lahat ng nasa loob ng kanilang teritoryo.
00:43The host country is in charge, especially in a situation where it is being militarily attacked.
00:50Geet naman ng Overseas Workers' Welfare Administration o OWA hindi natatapos sa paglipad pa uwi ang tulong ng pamahalaan sa
00:57mga OFW.
00:58Kabilang sa ibinibigay na tulong ang mga pangangailangan bago ang biyahe, temporary accommodation, pagkain, medical assistance at tulong sa pagproseso
01:08ng kanilang pag-uwi.
01:09Namahagi rin ang DMW ng financial assistance bilang bahagi ng post-repatriation aid.
01:14Isa sa mga nakauwing OFW si Jen. At lubos ang pasasalamat niya sa pamahalaan dahil mabilis siyang natulungan ng OWA
01:21para makauwi agad.
01:22Nakaproblema ako sa trabaho sa kanila akong lumapit. So lahat na assistance na kailangan, pati yung pag-uwi, preparation, shelter
01:32if needed, pati yung pagkain, naprovide naman nila, even medical assistance kapag kailangan.
01:39Samantala, habang unti-unting may mga nakakauwi na ng Pilipinas, tuloy naman ang mas malawag na operasyon ng pamahalaan sa
01:46mga apektadong bansa.
01:48Mahigit siyam na libot-limang daan na mga kababayan na ang nabigyan ng on-site assistance, kabilang ang food assistance,
01:55hygiene kits, temporary accommodation at iba pang pangunahing pangangailangan.
01:59Tinatayang mahigit isang libot-anim na raan naman ang nakatanggap na ng post-repatriation services sa Pilipinas.
02:06As I mentioned, efforts are underway in terms of chartering, but there are challenges inherent. As I said, there's no
02:13airspace immediately available. So kailangan nga talaga yung land crossings.
02:20Karamihan sa mga dumating na mga OFW ay mula sa UAE, lalo na sa Dubai at Abu Dhabi, habang may
02:26ilan din mula sa iba pang bansang apektado ng tensyon.
02:29Marami rin sa kanila ang umaasang makakabalik pa sa kanilang mga employer kapag humupa na ang tensyon.
02:34Kabilang din sa mga dumating, ang isa sa dalawang naitalang injured OFWs, ngunit pinili niyang huwag humarap sa kamera o
02:42magbigay ng pahayag.
02:43Para naman sa mga OFW na nasa abroad pa at naghihintay ng tulong, may paalala ang DMW sa pinakamadaling paraan
02:50ng paghingin ng assistance.
02:52In our e-gov app, there's a report function, OFW, and then you just indicate your concern, request for repatriation.
03:03It goes to the database of OWA and we will be the one to call you and connect you with
03:09the right embassy or the right migrant workers office.
03:14Maraming tumawag sa 1348 Central Hotline para sa mga request for assistance.
03:19Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments