00:00Ito po, sa ating mga motorista, talagang mabigat sa bulsa at kailangan po natin higpitang mabuti ang sinturon
00:07dahil higit 30 pesos na big-time oil price hike ang inaasahang ipatutupad simula bukas.
00:14Kung saan posibleng umabot sa 11 hanggang 13 pesos ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
00:22Sisirit naman sa 21 hanggang 23 pesos ang taas presyo sa kada litro ng diesel.
00:28Samantalang 33 pesos hanggang 35 pesos naman ang madadagdag sa presyo sa kada litro ng kerosin.
00:37Ayon sa Department of Energy, epekto na ito ng kasalukuyang tensyon ng Estados Unidos, Israel at ng Iran.
00:45Paglilinaw naman ng DOE, uutay-utayin ng mga kumpanya ng langis ang implementasyon nito simula Martes hanggang sa Huwebes.
Comments