00:00At kasunod nga po ng big-time oil price hike bunsod ng gulo sa Middle East,
00:04posibleng madamay na rin ang presyo ng kuryente ayon sa Energy Regulatory Commission.
00:10Ipinakita rao sa projections ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines
00:14ang posibilidad ng pagmahal ng presyo sa wholesale electricity spot market
00:20sakaling magpatuloy ang global supply disruptions.
00:23Kabilang din po sa mga sinuri para mabuo ang projections,
00:26ang pagtaas sa presyo ng international coal, oil at liquefied natural gas.
00:32Sabi ni ERC Chairperson at Chief Executive Officer, Attorney Francis Atornino Juan,
00:38e prioridad nilang protektahan ang mga consumers sa hindi makatuwirang paggalaw sa presyo
00:44habang tinitiyak na may stable na power supply ang bansa.
00:57Siyam na pong Oversus Filipino workers mula sa Middle East at kalilang mga kaanak
01:01ang nakauwi na sa bansa sa gitan ng guluroon.
01:04Balit ang hatid ni Bea Pinlak.
01:10Bakas sa mukha ng mga OFW ang saya ng makauwi sa Pilipinas kagabi
01:15matapos maipit sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
01:19Siyam na pong OFW kasama ang mga kaanak nila
01:22ang dumating sa Naiya Terminal 3 magalas 10 kagabi
01:26sakay ng eroplanong galing sa United Arab Emirates.
01:29Ang iba sa kanila mula Bahrain at Saudi Arabia.
01:32Tatlumpot tatlo sa mga nakauwing Pilipino
01:35ang kusang nagparepatriate sa gobyerno.
01:38Most of them are still employed.
01:40So siguro umaasa po sila na pag humupa na yung gulo
01:45ay makabalik po sila sa kanilang mga employer.
01:48Some are really relieved.
01:52May nag-approach, siguro ma-share ko yung nag-approach sa akin
01:56na umiiyak.
01:58They're really, kasama niya rin yung pamilya niya na nakauwi.
02:04And yung iba naman, mas kalmado.
02:10But marami ding nag-approach siya
02:13asking for reintegration assistance.
02:17The youngest that I saw was a month old baby.
02:20There are about three or four kids na nakita ko.
02:23And we met a couple, senior citizens, who are parents of an OFW.
02:30So yun, counted yung dalawang yun as dependents.
02:33Sa datos ng DMW, mahigit apat na raang OFW na at dependents nila
02:38ang nakauwi sa Pilipinas galing Middle East simula noong March 5,
02:42ang isa raw sa mga hamon sa repatriation.
02:45Siyempre, yung pagsara ng airspace at yung airports, yun ang kailangan natin i-herdle.
02:53We have identified in each of these eight countries who are involved, that are involved,
03:00certain points of exit where OFWs could be repatriated to safer ground
03:07and eventually flown back to the Philippines.
03:09Hindi rin daw basta-bastang makakapagpadala ng barko ng Philippine Navy
03:14para tumulong sa pag-repatriate sa mga Pinoy.
03:17It takes longer to journey by sea, that's one.
03:20And then yung second nga, it's not advisable at this stage
03:25to have a presence of another military vehicle or ship.
03:31Another military presence from another country may complicate the situation.
03:39Tuloy-tuloy raw ang paghahatid ng tulong ng gobyerno sa mga Pilipinong nakauwi na ng bansa.
03:44Ilan sa paunang tulong sa kanila ang financial assistance at pagsasailalim sa reintegration program.
03:50We have already sent rapid response teams or people on the ground in critical areas to set up logistics.
04:00Inaasahan daw na mas marami pang OFW ang magpaparepatriate sa gobyerno.
04:06Samantala, labing isang Pilipino naman ang nakalikas na mula Iran papuntang Turkiye sa gitna ng gulo.
04:13Nakatakda silang bumalik sa Pilipinas sa mga susunod na araw.
04:17Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:25Wagin ang gintong medalya at nakamit pa ni Pinoy Paul Volter E.G. Obiana ang Season Best Clearance sa East
04:31Tough Indoor 2026 sa Berlin, Germany.
04:33Sa isang attempt lang, nakaklear ni Obiana ang taas na 5.78 meter sa Paul Volt event.
04:40Nakasilver naman ang pambato ng Norway at nag-tie sa third place sa mga pambato ng Netherlands at Germany.
04:48Update tayo sa investigasyon ng polisya kaugnay sa hazing incident na ikinasawin ang isang maritime student sa Cavite.
04:55May ulat on the spot si Marisol Abduramal.
04:58Marisol?
04:59Raffi, bago nga mag-alas-leve kagabi ay sumuko ng apat at saset sa hazing na naging sanhin ang pagtamatay
05:06ng estudyanteng si Mark Kenneth Alcedo.
05:09Dito yan sa Desmarines Cavite noong March 1.
05:12Sa informasyon ng PIO ng Pro 4A ay kasama nila ang mga kinatawan ng Tawagama Free National Council at ilang
05:19abogado.
05:20May mga nakahanda na raw, Raffi, na statement ang mga ito na permado raw mismo nitong apat na sumuko.
05:26At personal daw silang kinanggap ng Chief of Police ng General Trias Cavite na siyang may kustudiya ngayon sa kanila.
05:32Ayon sa Cavite Police, Raffi, sumuko ang mga ito sa mga lupal na opisyal ng General Trias at binala sa
05:38General Trias Police.
05:40Sa ngayon daw, ano na suspect na ang kanilang hawak?
05:42Bukod sa apat na ito, Raffi, na sumuko kagabi, mayroon daw na unang sumuko noong Sabado at mayroon na rin
05:49silang hawak na driver.
05:50So, all in all, Raffi, when Raffi, when Raffi, itong kanilang pinagahanap, si mayroon na silang hawak ngayon,
05:56si patuloy pa rin nilang hinahanap yung labing isa pa sa mga kasama ng mga sos.
06:02Maraming salamat, Marisol Abduraman.
06:05Nanawagan ang actress-host na si Ann Curtis sa Health Ethics Committee
06:10na huwag palampasin ang naging pahayag ni Congressman Bong Suntay.
06:14Sa personal niyang pahayag, tinawag ni Ann na vulgar at sexualized ang analogy ni Suntay.
06:21Idinawit daw ng kongresista ang pangalan niya sa nakadidiring paraan na walang paalam sa maling konteksto at walang respeto.
06:30Nasa posisyon niya si Suntay na pinapasahod ng kagaya niyang taxpayer.
06:36Hindi raw dapat ginagawang props ni Suntay ang kababaihan sa kanyang komentaryo.
06:41Hindi raw tanggap ng aktres ang kanyay non-apology ng mambabatas.
06:48Pinatanggap naman daw niya ang apology ng misis ni Suntay at sinabing huwag nang idamay sa kontrobersya
06:54ang may bahay at mga anak ng kongresista.
06:57Pinagaaralan na raw ng aktres ang mga iligal na hakbang na pupwede niyang gawin.
07:01Halos dalawang milyong netizens ang nagpakita ng suporta sa post ni Ann kabilang ang maraming celebrities at personalidad.
07:09Wala pang reaksyon si Suntay sa pahayag na ito ng aktres.
07:18Sa mga nagpaplano ng kanilang bakasyon sa Holy Week o sa Tag-Init,
07:22mag-iingat para huwag maging biktima ng vacation scam.
07:26Sa datos ng P&P Anti-Cybercrime Group,
07:29dalawang putsyam na reklamo na ang kanilang natanggap mula sa mga na-scam ng peking accommodations
07:33at staycation offers online.
07:36Sa unang dalawang buwan ngayong taon,
07:39para sa hassle-free na bakasyon,
07:40ito ang mga red flag na dapat iwasan.
07:42Kung too good to be true o sobrang mura
07:45kumpara sa mga kahalintulad na resort ang isang offer,
07:48e posibleng scam yan.
07:50Pwedeng i-check sa LGU kung totoo ang nasabing lugar o hotel,
07:54kung may address ba ito at telepono,
07:56at kung ito ay rehistrado.
07:58Agad magduda kapag tila nagmamadaling maningil ng down payment ang katransaksyon.
08:03Sakaling maging biktima,
08:05payo ng mga otoridad na i-save ang lahat ng ebidensya
08:07gaya ng screenshots,
08:08resibo at account details ng scammer
08:11at magsampan ang reklamo.
08:23Suspendido ang mga klase sa ilang lugar sa Talaingod, Davo del Norte
08:26dahil sa banta ng tribal war.
08:28Ayon sa lokal na pamahalaan,
08:30kabilang sa mga suspendido ang klase sa ilang lugar
08:32sa barangay Dagohoy at Palma Hill.
08:35Pinag-iingat ang mga residente sa ilan pang barangay at kalapit na lungsod.
08:39Batay sa inisyal na imbistigasyon ng Davo del Norte Police Provincial Office,
08:43may naitalang kaso ng pagpatay sa Talaingod
08:45na inaalam pa kung may kaugnayan sa tribal war.
08:49Nanawagan naman ang polisya sa publiko na maging kalmado at sumunod sa batas.
08:56In time for Women's Month,
08:59surprise guest si two-time Olympic gold medalist Haideline Diaz
09:03sa meet and greet at box sign ni Kapuso Angkor Atom Araulio.
09:07Para yan sa librong A View from the Ground ni Atom.
09:11Kabilang sa mga tampok na storya sa libro ang kay Haideline.
09:15Sabi ni Atom halimbawa si Haideline ang taglay na lakas at tapang ng mga Pilipina.
09:21From winning sa global stage,
09:23pagiging lecturer naman sa weightlifting
09:25ang isa sa mga bagong passion ni Haideline.
09:29Masayraw siya sa pagdami na mga babaeng sumasali sa male-dominated sport.
09:40Pasok na sa round of 16 ng Indian Wells Open si Pinay tennis player Alex Iyala.
09:45Kasunod yan ang pag-retire ni American tennis player at world number 4 Coco Gauss
09:48sa kanilang laban sa round of 32 ngayong araw dahil sa injury.
09:53Sa unang set, wagis si Iyala sa score na 6-2.
09:56Sunod na makakalaban ang Pinoy tennis star sa Merkules
09:59ang check tennis player na Selinda Noskova.
10:04May bagong reklamo laban sa labing walong dating sundalo
10:07na nag-deliver umano ng pera galing sa flood control kickbacks.
10:11Natali tayo sa ulit on the spot ni Sandra Aguinan.
10:14Sandra?
10:18Yes, Connie. Sinampahan nga ng reklamong perjury dito sa Department of Justice
10:23ni na Representative Laila De Lima at Father Flavi Villanueva.
10:28Yung mga nagpakilalang 18 former Marines na taga-deliver umano ng cash
10:35ni dating Representative Zaldico.
10:37Ayon kay De Lima ay perjury po ang kanilang isinampalaban dito sa mga dating sundalo
10:43dahil nagsinukuling umano ang mga dating sundalo sa kanilang affidavit.
10:48Matatanda ang inukusuhan ng labing walo si De Lima at ilang pa-official na tumanggap umano
10:55ng pera mula sa flood control kickbacks mula kay Co.
10:59Bago magpunta sa DOJ ay galing po si De Lima at Father Flavi sa National Bureau of Investigation
11:06kung saan naman sila nag-file ng cyber libel complaint
11:09laban sa mga dating sundalo at kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod.
11:14Ayon naman kay Father Flavi, nagsampal siya ng reklamang perjury sa DOJ
11:19dahil hindi na may umano ng mga dating sundalo ang bahay kalinga
11:23at ang mga biktima ng drug war sa kanilang paniniraan niya
11:27paraan daw ito ng pananakot ng mga biktima ng drug war
11:31at pinalalabas na bayaran sila.
11:33Sinabi naman ni De Lima na Campo ng mga Duterte
11:36ang nasa likod ng umano'y former Marines.
11:40At sa isang pahayag naman sa kanyang social media
11:43ay sinabi po ni Atty. Baligod na handa siyang harapin
11:47ang mga reklamong isinampa laban sa kanya.
11:51Yan muna po ang pinakuling ulat mula dito sa DOJ.
11:54Connie, Rafi?
11:55Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
11:57Susubukan po namin kunan ng reaksyon ng mga Duterte
12:00na nabanggit ni Congressman De Lima.
12:08Ito naman, very rewarding sa pakiramdam
12:11ang mga bagay na pinaghihirapan.
12:13Oo nga, gaya ng isang nature adventure up north.
12:16Ito ang mini-tour sa ipinagmamalaking Cervantes Ilocosur.
12:23Welcome to Mount Kimat, Patilaw.
12:26Lidar yan, ang ilang hiking trail na bago ma-challenging akyatin
12:30ay sulit naman kapag ka narating.
12:32Pagdating kasi sa taas,
12:34mabubusog kayo sa magandang tanawin ng Cervantes.
12:36Hindi lang ang mata, perfect din sa pakiramdam.
12:40Malamig kasi ang hangin sa tuktok ng bundok
12:42na swak ngayong umiinit na ang panahon.
12:46At isama na sa travel bucket list nyo yan,
12:49dahil wow na wow!
12:53Rafi, paki-akit na lang kami.
12:54Oo, hindi kami a-aki.
12:56Hindi ko kakayanin kahit gusto ko.
13:00Outro
Comments